Isang malungkot na ngiti ang namutawi sa aking mga labi kasabay ng tahimik na pagpatak ng masaganang luha mula sa pagod kong mga mata. Nakatunghay ako sa madilim na langit kung saan ang mumunti at libo-libong nagkikinangan na mga bituin ay unti-unting natatabunan ng makakapal na ulap.
Nagpakawala ako ng mga mahihinang tawa na ang tanging nakariririnig ay ang mga kulisap na nagliliparan sa paligid. Those tiny creatures carrying a petite light brought a gloomy atmosphere in the pit of darkness.
Alam kaya nila ang nararamdaman ko ngayon? Funny right? Ano naman ang alam ng mga malilit na nagliliparang insekto sa nangyayari sa akin ngayon?
My tedious spine jadedly drape on the cottony soft, vast pile of fine green grass. The frigid sultry air soothingly caress the surface of my weary skin. Ang malawak na lugar na ito na nalalatagan ng mga pinong Bermuda grass ang nagsilbing kanlungan ko sa malungkot na pagbagsak ng buhay at pangarap ko.
Namamanhid ang buo kong katawan ngunit kakatwa na hindi nito kayang takpan ang kirot na nagmumula sa aking kalooban. The pacing of my heartbeat was radically erratic. My torso was pumping up and down relentlessly.
Itinukod ko ang mga siko ko para kuhanan ng lakas. Hindi dapat ganito matapos ang lahat ng pinaghirapan ko. Kailangan kong matapos lahat ng sinimulan ko para sa nag-iisang kapamilya ko na ginawa ang lahat para sa akin.
Muli akong bumagsak sa kinasasadlakan ko. Mahina at nanginginig ang mga kalamnan ko. Ikinuyom ko ang dalawang palad ko at nagpakalawa ng malalim na hininga.
"Sayang ka, Sheena. Gusto sana kita pero hindi ko hahayaan na ikaw ang maging dahilan ng pagbagsak ko!" May isang boses na bumulong sa aking tenga na nagdulot ng panlalamig sa pagkatao ko.
Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. Nagngangalit ang mga ngipin ko habang pinupukol siya ng matalim na tingin. I wish I could slice him, cut his body into tiny pieces with fierce, fatal way of looking at him.
He pats his rough hand on my face trailing down my neck, sturdily clutch his hand on the narrow part below my head. I refuse to show him that I am almost out of breath, boldly meets his mischievous, wicked gaze. "Those flaming stares you fix on me were the reason I adore you. Matapang ka para sa isang babae. Hindi mo ipinakikita sa mga tao sa paligid mo ang nararamdaman mo. "
He tuck his hands into his pocket as he stands, put on a greedy grin on his lips. "Too bad your twin brother wasn't like you. You were exactly two opposite person despite of the fact that you share the same womb at the same time."
"Damn you, Jefferson!" I muttered in scrawny timbre, my body shivers in excruciating pain.
He rested his both arms on his waist. Inikot ng paningin niya ang buong paligid. "Nakakaawa kayong magkapatid, pareho ang kahihinatnan ng buhay niyo. Anyway, congratulations! Malapit na kayong magkita. Sa lawak ng lugar na ito, I doubt kung may makakatulong sa iyo."
"Aghh.." Impit na daing ko sa sakit na unti-unti ko nang nararamdaman. Napakagat ako ng madiin sa ibabang labi, iniiwasan kong bigyan ng kasiyahan ang kampon ng dilim na ito. Alam kong lalo siyang matutuwa kong makikita akong namimilipit sa sakit habang nag-aagaw buhay.
He bow down to me, brushing over his playful lips against my forehead. Napatawa ako ng pahapyaw. Ang galing din ng isang ito, nakuha pa akong iwanan ng halik ng pagrespeto samantalang walang awa niyang itinarak sa akin ang kaparehong patalim na kumitil sa buhay ng fraternal twin ko.
"Goodbye for now my sweet, Sheena. Ikumusta mo na lang ako kay Adam kapag nagkita na kayo." Tumalikod na siya paalis ng hindi na ako muli pang nilingon.
Siguro alam ng kalikasan ang sitwasyon ko ngayon. Kakatwa na kasabay ng pagkawala ni Jefferson sa aking paningin ay ang paguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Ilang beses na may kasabay na dumadagundong na kulog.