Chapter 26

3.2K 57 0
                                    

Elaine's POV


Naalimpungatan ako pagkadilat ko ng mata, narinig ko na pababa na ito sa airport ng Canada. Wow, I still can't believe that I'm here.

Sinuot ko ang shades ko at inayos ang gamit ko, habang pababa ako ng eroplano ay naramdaman ko agad ang lamig ng hangin. Kahit pala summer dito ay malamig pa din ang klima. I'm wearing a blackflared jeans, white long sleeve crop top and white boots, hindi ko rin kinaya agad kaya sinuot ko na ang jacket ko na nakalagay sa braso ko.

Naaaninag ng mata ko ang mga foreigner na nandito. Tinulungan ako ni Jace sa bagahe ko at hinayaan ko na siya.

"Are you excited?"

Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nakatingin pa din sa mga tao dito. Inakbayan niya ako.

"Antok ka pa?"

Nabuhayan na ata ang buong dugo ko sa 14 hours na byahe na 'yon. Ganon pala talaga kalayo ang oras ng byahe papunta dito.

"No. I'm hungry."

Ngumiti siya, "Good. For sure, magugustuhan mo ang mga pagkain dito."

Tumigil kami sa tapat ng isang Lamborghini. Bakit kami nasa tapat nito? Pipigilan ko na dapat siya kaso nang buksan niya ang car trunk at nilagay ang gamit ko ay doon ko na nakumpirma ang hinala ko. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya at ngumisi lang siya sa akin.

"What?"

"This is your car?! At hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"You're not asking."

I'm so speechless, this car is so expensive especially in here! Now I know why kung bakit ayaw na niya umuwi ng Pilipinas.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at sumakay na din sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, kasama talaga sa goals ni Kuya ang magkaroon ng ganitong sasakyan, and I still can't believe na meron na talaga siya nito! Damn, the power of Jace.

Nagsimula na siyang magmaneho papunta kung saan kami kakain, ako naman ay nakatingin lang sa bintana upang tingnan ang dinaraanan namin. Nakita ko ang matatayog na skyscraper dito, malawak din pala ang tubig dito kaya mas fresh tingnan. Sarap siguro tumambay dito... na kahit sobrang tirik ng araw, ang lamig pa din ng simoy ng hangin.

Tumigil kami sa tapat ng isang restaurant, hindi masyadong malaki pero ramdam ko na ang kamahalan dahil sa ambiance pa lang nito.

"We're here."

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at sinundan siya papasok dito. Agad kami nakapag-reserve ng seat at nagsimula na mamili ng order at tinitingnan ko pa lang ang presyo ay agad kong sinara ang menu. Ang sakit sa mata.

Natawa si Kuya dahil sa reaksyon ko, "Let's try the best menu here to welcome you."

Siya na ang nag-order at wala na akong pake kung ano inorder niya dahil gusto ko na talaga kumain.

Hanggang sa isa-isa nang dumating ang mga inorder niya at hindi ko maiwasan ang hindi matakam dahil sa itsura at amoy nito. Walang rice. Pero sige, pwede na.

"This is Bannock, Nova scotian lobster rolls, Peamel bacon and moose taco salad. And for the dessert, this is Saskatoon berry pie and vanilla ice cream."

"Are we... going to eat all of these?"

"Of course. Ubusin mo yan, walang ganito sa bahay ko."

Umiling na lang ako sa kanya at nagsimula na din kumain.

Pagkatapos namin kumain ay nakaramdam agad ako ng antok, ngayon ay gusto ko na talaga magpahinga kaya nagpasya na rin kaming umuwi. Nang makasakay na kami sa kotse ay isang hikab ko lang at pagpikit ng mata ko ay agad akong nakatulog.

Tinigil niya ang kotse niya sa isang parking lot kaya nagising na rin ako. Tumingin ako sa paligid. Pagkalabas ko ng sasakyan niya ay halos malaglag na ang panga ko dahil sa nakita kong building.

This is a deluxe hotel!

"Let's go." aniya habang dala ang mga gamit ko.

"What are we doing here?"

Kumunot ang noo niya, "I live here, silly."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala, first, the Lamborghini... now, he have a suite in a deluxe hotel? Kung ganito nga rin naman talaga ang buhay ko dito ay hindi na talaga ako uuwi sa Pilipinas!

"Twenty sixth floor. First room. 2580 ang code, may tatawagan lang ako."

Tumango ako sa kanya dahil sumasakit na rin ang ulo ko. Sa pagod siguro sa byahe.

Sinunod ko ang sinabi niya at nang makarating ako sa 26th floor ay nakita ko agad ang first room. Inangat ko ang door code at pinindot ang 2580 doon, agad rin itong nagbukas kaya nakumpirma kong dito nga. Napatingin ako sa loob... and it looks so nice! May balcony dito sa loob para mas makita ang tanawin dito sa Canada. Magaling din talaga pumili si Jace ng suite, it's good and big.

Naupo ako sa sofa. Ah! Ang sarap sa pakiramdam!

Patulog na sana ako nang bigla kong narinig ang pagsara ng pinto, sasalubungin ko na sana si Jace pero ibang tao ang nakita ko. Natigil siya sa paglalakad nang makita niya ako at mukhang inasahan niya talaga ang pagdating ko. Hindi ko napigilan tingnan ang topless niyang katawan at mukhang galing siya sa pagligo dahil tumutulo pa ang tubig sa buhok niya.

Nagkamali ba ako ng room? Pero hindi??? Nakapasok ako eh?

"Who are you? And what are you doing here?"

Tumaas ang kilay niya at iniwas ang tingin sa akin, "Pinoy ako at marunong ako magtagalog kaya kumalma ka jan."

Kumuha siya ng isang t-shirt at sinuot niya ito sa harap ko. Tiningnan ko ang katawan niya at napansin ko na malaki ang biceps niya, it looks like he goes to gym regularly. His hair is brown, he has a pointed nose, red lips, he's taller than me for sure at hindi ko maiwasan tumingin sa panga niya dahil sa sobrang perpektong pagkakaukit.

Pero sino ba siya at anong ginagawa niya dito?

Magkatinginan lang kaming dalawa hanggang sa ngumiti siya sa akin.

Hindi ba dapat ay sinasapak ko na ang lalaking 'to dahil nandito siya sa kwarto ng kuya ko? Aamba na akong tatayo pero hindi ko din natuloy dahil sa pagbukas ulit ng pinto at si Jace na ang pumasok dito.

"Oh... mabuti naman at maayos dito. Akala ko gegerahin ka nito ni Ella eh."

Kumunot ang noo ko. So, Jace knows him?

"By the way, he's Seth. Kasama ko siyang nakatira dito. And Seth, that's my sister, Gabriella." sumama ang tingin ko kay Kuya na kinagulat naman niya, "I mean, Elaine. She's Elaine."

Nalipat ang tingin ko sa lalaking ito at ngumiti lang ulit siya sa akin.

Damn. May bago ba akong kaiinisan?

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon