CHAPTER SIX
"AVA... OKAY ka lang ba?"
Ang nag-aalalang tinig ni Cleon ang pumukaw kay Ava.
Tumingin siya rito. Sinalubong siya ng nag-aalalang mga mata nito. "Kanina ka pa tahimik. May problema ba?"
Hinaplos ang puso niya sa nakikitang pag-aalala nito para sa kanya.
Ngumiti siya at umiling. "Nandito na pala tayo." Namalayan na lang niya nakahinto na ang kotse sa harapan ng bahay nila.
Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Oo kanina pa tayo nandito sa harap ng bahay niyo. Bakit parang ang lalim ng iniisip mo Ava?"
"Napagod lang siguro ako sa trabaho." Nakatitig ito sa kanya na 'di kumbinsido sa sinabi niya. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi nito. "Wala akong problema kaya huwag ka nang mag-alala sa akin okay?"
Hinuli nito ang mga kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Kapag ginagawa nito iyon pakiramdam niya ay sa kanya lang si Cleon.
Puno ng kislap ang mga mata nito sa kanya. "Wait here..." Binitawan nito ang kanyang kamay at natigilan siya ng bumaba ito ng sasakyan. Sinundan niya ito ng tingin at ilang sandali lang ay binuksan nito ang pintuan sa harap niya.
Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Halika Ava..." masuyo ang ngiti nito.
Tinanggap niya ang kamay nito at magkahawak na dinala siya sa harapan ng kotse at sumandal sila roon.
Hinaplos ang puso niya nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ng binata. Napuno ng pagmamahal ang puso niya.
"Yayakapin muna kita para mamaya bago ka matulog ay ang yakap ko ang maaalala mo at hindi ang pagod mo," masuyong sambit nito.
Tumingin siya rito. Kumalas sila sa yakap pero ang mga kamay nito ay nasa baywang pa rin niya.
"Hindi lang naman ang yakap mo ang naaalala ko bago ako matulog," sambit niya.
"Kung gano'n ano pa ang naaalala mo?"
Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. "Ikaw... at ang lahat-lahat sa'yo," masuyong sambit niya.
Hinuli nito ang kamay niya at hinawakan ang mga iyon nang mahigpit. Nagtama ang mga mata nila. Wala siyang ibang makita at maramdaman kundi pagmamahal sa mga mata ng binata. Mahal na mahal din niya ito. At hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya.
"Cleon..."
"Hmm..."
Lumunok siya ng mariin. "Nakausap mo na ba si Glaiza?"
Humugot ito ng malalim na hininga at naging malamlam ang mga mata. "Hindi ko pa siya nakakausap. Pero huwag kang mag-alala... aayusin ko ito."
"Gusto mo bang samahan kitang kausapin siya?" Gusto niyang masiguro kung ano ang mga sasabihin ni Glaiza.
Sigurado siya na hindi rin nito kayang sabihin kay Cleon ang nararamdaman nito. Kagaya nang hindi niya rin kayang sabihin kay Cleon ang tungkol doon. Ilang araw nang gumulo iyon sa isipan niya. He can't ruin their relationship. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkakasira ng dalawa. Lalong ayaw niyang masaktan si Cleon. At ang higit na kinatatakutan niya ay mawala si Cleon sa kanya. Lalo na at hindi niya alam ang kayang gawin ni Glaiza.
"Ako na lang ang kakausap sa kanya," pinisil nito ang mga kamay niya. "Huwag mo nang isipin pa si Glaiza... magiging maayos din ang lahat."
Tumango siya. Iyon din ang hiling niya.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomanceThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.