WEIRD!
BALIW!
PA-COOL!
ALIEN!
ZOMBIE!
BAMPIRA!
NOCTURNAL!
SABOG!
MAY TOYO!
MABAIT!
PERO MASUNGIT!
MAHILIG SA FLORAL
#10FACTS ABOUT HER.
Minsan sa sobrang weird niya akala ng iba isip bata siya. Eh ano naman kung weird siya atleast totoo siya. Di kagaya ng iba diyan, pretender. Akala mo kung santo umasta, simpleng 9 times 9 di pa masagot. Medyo hard na me hahaha
Ito'y kwento ng isang simpleng teenager na nagnanais maabot ang star sa christmas tree na 6ft. sa sobrang liit niya. JOKE! Tungkol ito sa istorya kung paano nga ba ginugugol ng isang tao ang oras sa kanayang buhay at.......Basta basahin niyo nalang para maintindihan niyo.
CHAPTER 1:
MAY 4,2014
"Hi Vin""Goodmorning Vin"
"Pogi"
Yan ang mga naririnig ko tuwing dumadaan kami ni Vincent Samonte.Sus,mga haliparot! Si Vincent Samonte ay heartthrob, basketball player,drummer ng band sa aming school.SIkat yan. Nabibilang siya sa grupo ng 5 hearthrobs na sina Jack,Hayme,Louie at hindi ko kilala yung isa nilang barkada. Basta yun na yun.
Anyway, Ako si Gabriel B. Samonte.16 yrs. old na at magka-college na this coming school year. . Anak ako ng nanay ko at kapatid ako ni Vincent B. Samonte Oo, tama ka. May kapatid ako si Vincent nga. Hindi ko siya tinatawag na kuya kasi kambal kami. Yung dad ko sumakabilang bahay. Anyway, kaya na man ni Mama na buhayin kami ni Vincent. Sapat na yung coffee shop namin.Sabi nila girl version daw ako ni Vin. (Vin ang tawag ko sa kanya) Pero kahit na ganun, ibang-ibang ako sa kanya. Siya kasi famous sa school, ako naman hamak na isang simpleng studyante hindi naman ako Nerd. T-shirt at jeans lang ayos na ako. Alam niyo ba kaya Gabriel ang name ko kasi sabi ni Mama nung pinanganak daw ako akala nila lalake ako. Nalaman lang nila after 2 days na babae pala ako. HAYS MGA GANYAN EH!!! NAKAKALOKA!
"Gab, samahan mo nga ako sa mall."-Vin
"Ha? eh may gagawin pa ako ikaw na lang!"
"Sige na Gab,please twin!"-Vin
Ayan na naman siya sa Twin-twin na yan. Ewan ko ba sa tuwing tinatawag niya akong ganyan napapa-oo nalang ako sa lahat ng hiling niya.
"SIGE NA NGA....aray"
Anak ng, di pa ako pinatapos, hinigit na niya ako agad sa kotse niya.