EX with BENEFITS(Yummy Benefits)

15.8K 82 3
                                    

We’re on our way home ng biglang maisipan ni  Claire na magpunta sa bookstore, by the way Claire is my college friend, I’m older than her pero magkasundong magkasundo kame; sa kagagahan man o sa kabutihan, siguro dahil parehas kaming BWENAS pagdating sa lovelife. Our term of endearment is “tae”, kung bakit ganon kagabango yung tawagan namin ewan ko, basta masaya kami pag magkasama.

“ay tae tingnan mo to! Bagay to sayo”

hmmmm nacurious naman ako sa librong inabot nia. OMG, title pa lang ng libro natulala na ko, “EX WITH BENEFITS by Ruth Mendoza” bigla na lang may nagflashback sakin, ung mahalay, malandi at manloloko kong EX, what a harsh description of him haha. Well, I thought what we had before is FRIENDS with BENEFITS, napaisip  tuloy ako “are we friends?” The answer is NOOOOOOOOO! Hindi kami magkaibigan at hindi niya ko tinuring na kaibigan, kaya ung love story naming dalawa ay hindi pwedeng Friends With Benefits, instead It’s an EX with Benefits at dahil don napilitan akong bilin yung books, sampong beses ko ata siyang pinag-isipan kung bibilin ko siya o hindi, but at the end binili ko pa din, ang pambalubag loob ko na lang sa kawawa kong bulsa “Yung pera MAKIKITA, pero yung libro nato baka bukas wala na”, may mga bagay kasi sa mundo na makakapagpasaya sayo pero di mo makukuha kahit marami kang pera, so when your happiness comes with a price tag GRAB IT!

Pagkauwing-pagkauwi sa bahay binasa ko agad yung book,  alam ko kasing makakarelate ako sa story at dahil din sa pag-asang baka may matutuhan ako. Well hindi naman ako nabigo, relate na relate ako, but not with the ending kaya naisip ko na isulat ung own version ko ng “EX with BENEFITS”

Uumpisahan ko na ba ung own version ko? Uumpisahan ko na o uumpisahan ko na? lol

IYAK, NGAWA, HIKBI

Yan lang yung ginawa ko ng ipagpalit ako ng first boyfriend ko sa ibang gurla. Akala ko non maloloka na ko ng tuluyan, ikaw ba naman kasi halos sambahin ng bf, pinaniwala ka na mahal ka tapos bigla mo na lang malalaman nakabuntis pala at tuluyan ka ng ipinagpalit. Naniniwala naman ako na minahal niya ko talaga, nagkamali lang at tuluyang nadarang but it doesn’t change the fact na niloko at iniwan niya ko. Hindi ko din naman siya masisisi dahil nagkulang at nagpabaya din naman ako lalo na kung usapang “making love” ang tatalakayin, kulang na kulang talaga. Anong magagawa ko eh sa naniniwala ako sa kasabhang Marriage before Sex!

Well, nasaktan talaga ko sa  kanya, kaya sabi ko sa sarili pag nagkabf ulit ako, babawi ako! ibibigay ko lahat ng hindi ko naibigay sa kanya.

Hindi ko naman talaga ugaling makipagtextmate, lalo na ung makipag-meet sa katext. Pero ewan ko ba sinaniban na ata ako. Papunta akong simbahan kaso  matagal pa bago nag-start yung misa, malapit lang naman ung mall kung saan nandon yung guy na ibinigay na katext sakin ng classmate ko, so I decided to meet him, I was 4th college then.

  “ Are you Jena?”

“Yes and you are Haden?”

Nung nakita ko si Haden, di naman siya ganun kaguapo, pero may itsura sa loob loob ko, luma pa nga yung shirt na suot niya hahah laitin daw ba. Pero ewan ko ba ambilis naming magpalagayan ng loob,  siguro dahil nung panahon yon malungkot ako, gusto kong makasalimuha sa iba para makalimot ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EX with BENEFITS(Yummy Benefits)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon