First day ng pasukan nung nakita kita sa hallway. May dala kang gitara tapos may nakakabit na headphones sa ulo mo. Transferee ako kaya siguro nilapitan mo ko sabay sabi,
"Hoy! Bago ka lang dito nuh?" Sabi mo habang tinatanggal mo yung headphones mo.
Sa sobrang tulala ko, di ko tuloy nasagot yung tanong mo. Hanggang sa pinitik mo yung noo ko sabay tawa ng malakas.
"Ano ba!" Sabi ko habang hawak yung noo kong mahapdi. Wala kang ginawa kundi tumawa lang. Di ko tuloy napigilan yung ngiti ko dahil sa sobrang singkit ng mata mo kada tawa na ginawa mo. Sa sobrang saya mo napahawak ka na nga sa tiyan mo eh sabay sabi,
"Tangina! Nakakatawa ka!" Tapos bigla kang tumigil tas tinitigan mo ko. Parang gulat na gulat ka sa nakikita mo. Para ngang nakalimutan mong huminga eh. Yung titig mo parang ako lang nakikita mo. Tas biglang may nagsalita,
"Kamusta ka andrew?" Unti unti akong lumingon kung san nanggaling yung boses. Puti at makinis na balat ang sumalubong sakin. Manipis na labi, itim at mahabang buhok, bilogin ngunit sumingkit dahil sa pagngiti na mga mata, ang ganda niya, bulong ng isip ko.
"Ui audrey! Ok lang naman ako. Sige ah babye alis na kami" sabay higit niya sakin. Sobrang bilis ng pangyayari. Di ko alam kung pano ako magrereact. Tumigil ako sa paglalakad ko dahilan ng pagtigil niya sa paghila niya sakin.
"Ui san tayo pupunta?" Sa sobrang gulat niya ay mukhang di niya rin alam ang ginagawa niya. Napatahimik kaming dalawa sa magkaibang dahilan. Mukhang hinahanap niya ang sagot sa katanungan ko.
"Pasensya na. Nabigla lang ako. Tara kain tayo" aya niya sabay pasok sa jollibee na di ko namalayan ay nasa tabi na pala namin
Umupo kami sa malalambot na upuan sa sulok. Tumayo siya sabay sabing "treat na kita since pinasok kita sa gulo"
Napanganga ako sa mga sinabi niya pero knowing me, di ko tinatanggihan ang grasya. pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko na siyang pabalik kasama ang 2 lalaking staff ng jollibee at may tatlong hawak na tray ng pagkain. Spaghetti, burger steak, chicken joy, coke floats, ice cream rin, tas french fries.
"Kakatayin na ba tayo bukas?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Ngiti lang inigawad niya sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ko.