Veracious Love (Part 1)

458 37 34
                                    

"Ahh!" sigaw ni Shiro habang nasa loob siya ng kanyang kotse at hawak-hawak ang brasong nabaril. 

Buti nalang nakasakay agad siya sakanyang kotse, hinahabol kasi siya ng isang lalaki kanina. Kapatid siya ng isang lalaki na kanyang binugbog at pinagtripan. Kaklase niya ang lalaking iyon at halos araw-araw binubully niya. Walang awa na kinukuha niya ang lahat ng laman ng wallet nito kahit madami naman ang pera niya. Sobrang depressed si Shiro kanina at dinala niya ang lalaking iyon sa isang abandonang gusali at doon binugbog dahil nga sa depressed siya at badtrip. Walang ginagawang masama ang lalaking sakanya. Sa katunayan sobrang kawawa ang lalaki dahil hindi siya makapagsumbong sa kakilala dahil takot siya sa binata na si Shiro, dahil sa financial powers nito. 

Nalaman na ng kuya ng lalaki ang ginagawa ni Shiro sakanya. Wala na maipalusot ang lalaki sapagkat masyado nang madami ang pasa at sugat na natamo niya . Ang kuya niya ay may lisensyadong baril, walang magawa ang lalaki dahil nagpumilit ang kuya nito na sugudin si Shiro. Si Shiro ay nasa abandonang gusali parin at nagmumuni-muni. Doon na siya sinugod ng kuya at nagtangka itong tumakas. Nabaril naman siya sa braso habang natakbo.

"Shit!" sigaw ulit ni Shiro dahil pinipilit niya lang talaga magmaneho kahit masakit ang kanyang sugat. Sa takot neto sa kuya ng binugbog niya nagpakalayo-layo siya ng konti at napadpad sa Maynila. Dumiretso siya sa isang magarbong hospital at doon niya pinagamot at pinatanggal ang bala ng baril sa kanyang kaliwang braso.

—————————————————————————-

Mananatili si Shiro roon ng ilang araw. Madidischarge lang siya pag magaling na ng lubusan ang kanyang sugat. Pabor naman kay Shiro iyon dahil nagtatago siya. Buti nalamang at malayo sa bituka ang natamong sugat niya kundi kelangan ito ipasabi sa magulang niya sapagkat siya ay minor palamang. Pinilit niya ang mga doctor na wag nalang ipasabi kahit kanino na siya ay nabaril. Wag narin din daw ito ipaimbistiga. Medyo natagalan bago niya nakumbisi ang mga doctor kulang nalang ay bayaran na niya ang mga ito. Sinabi niya na ayaw nalang niya ng gulo at siya rin naman ang may kasalanan. Napapayag din naman ang mga doctor sa huli.

Kasalukuyang nasa isang private room si Shiro sa may pinakataas na palapag ng hospital. Mayayaman lamang ang naandidito, pati narin yung mga pasyente na may malulubhang sakit na umaabot ng buwan-buwan dito.

Hanggang ngayon hindi alam ng magulang ni Shiro na naandito siya. Wala din naman itong mga paki sakanya dahil trabaho lang ang inaatubag nila. Alam naman ni Shiro na para sakanya din ang ginagawa nila, pero mali ang paraan nila sa pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa anak.

Cellphone lamang ang dala ni Shiro at malamang ngayon low-bat na ito. Wala din naman siyang dalang charger. May TV nga dito ngunit hindi naman siya mahilig manuod sa TV. Dahil sa inip nito kumuha siya ng maliliit na bato sa isang flower vase at pumunta sa veranda. Sinimulan niyang batuhin ang ang mga tao sa ibaba.

Ang mga kwarto ay may kanya-kanyang veranda, magkakatabi ito kaya kitang kita nila ng pasyente ang isa't isa. Maliit lang ang veranda, sapat na ang maliit na lamesa at mga hala-halaman.

"What are you doing?" tanong sakanya ng isang dalaga. Maganda ang dalaga, mapula ang labi, maputi, singkit at napakahaba ng buhok. Sobrang payat niya halatang may sakit siya ngunit nangingibabaw parin ang kanyang kagandahan. Mukhang matagal narin siya rito.

Napatingin ng masama na may halong pagkagulat si Shiro sa dalaga. Kasalukuyan siyang nakakatitig dito habang nakakunit ang noo. Ang dalaga naman ay napatingin sa kanyang likod dahil hindi siya sigurado kung sakanya ba nakatititig ang binata. Napagtanto niya din agad na sila lang ang nasa veranda kaya binalik na niya ang tingin niya sa binata at tinaasan ng kilay.

Veracious Love (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon