Rain, Rain, Don't Go Away

97 4 5
                                    

Tag-ulan nanaman. Wala akong payong.

*Drip. Drop. Splash.* (ang sosyal naman nung sound effects nung ulan, english pa talaga! Hayaan niyo na nga, tinotopak yung nagsulat eh.)

Hinihintay kong humina yung ulan pero lalo pang lumakas. Nandito ako ngayon sa may waiting shed sa tapat ng school. Habang nag-aantay ng tricycle na mapadaan ay inaliw ko muna ang sarili ko sa pakikinig ng music, sinuot ko yung earphones ko at di nagtagal ay napapasama na ako sa kanta. Napalingon ako sa lalaking tumatakbo papunta sa shed. Basang-basa na siya at muhkang pagod na pagod. Nakita kong may hawak-hawak siyang payong. May payong pala siya, ba't di niya ginamit?

Nag-ngitian lang kami ni kuya. Infairness ha, gwapo siya... Hay! Ano ba naman... hindi na nga ako maka-uwi kasi ang lakas ng ulan tapos humaharot pa ako!

Pero dahil sa curious ako at likas na sakin ang pagiging madaldal ay tinanong ko siya, "Ummm... Kuya, ba't di mo ginamit yung payong mo?"

Tumingin siya sakin at sinabi, "May kalakihan kasi 'tong payong ko eh. Kaya medyo nahihiya akong gamitin, hehehe..." napakamot nalang siya ng ulo sabay ngiti.

"Pero dapat ginamit mo parin, baka mamaya magkasakit ka." ano ba 'tong pinagsasasabi ko, aber?! Daig ko pa nanay niya kung makapag-alala.

"Hehehe..." sabi lang niya ulit.

"Anong oras na pala, hindi pa humihina yung ulan." sabi ko na sobrang nag-aalala. Wala na atang balak na pauwiin ako nung ulan.

"Kung gusto mo... s-share tayo sa... payong..." sabi ni kuya ng nakayuko. Aruuu!! Hiya pa si kuya.

Pero sa WALANG HIYA ako, "Sige kuya, oks na oks lang sakin!" at feeling ko nagti-twinkle pa ata yung mata ko sa sobrang tuwa. Eh sino ba naman kasi ang gustong ma-stranded sa lugar na 'to?!

"Gusto mo ihatid na kita? Baka kasi mamaya mapahamak ka eh. Baka ako pa gawing primary suspect pag nangyari yun!" natawa nalang ako. Ayoko sanang pahatid sa kanya kasi sabi nga nila, "Beware of Strangers" daw. Pero may tiwala naman ako kay kuya eh, mas maganda narin sigurong may kasama kesa wala.

"Uhh... S-Sige" kaya yun. Binuksan na ni kuya ang kanyang magiting na payong at umarangkada na kami. Nagke-kwentuhan lang kami habang nasa daan, nagtutulakan pa nga kami eh, tapos ilapit daw ba ako may dun sa big froggie, ewwww....

At sa wakas ay dumating na kami sa final destination namin, uy! Di pa kami patay ha! Nakarating na kami sa bahay.

"Samalat ng marami kuya ah!" sabi ko.

"Wala yun! Basta ikaw!" biro niya sakin at nagtawanan nalang kami.

"Sige, bye!" paalam niya sakin.

"Ikaw rin, ingat ka sa daan ah!"

"Oo!" yan ang huling sinabi niya at pumasok na ako sa gate ng bahay.

"Anak! Jusko, nag-alala ako sayo. Saan ka ba galing at ang tagal mong umuwi!" salubong sakin ni mama at niyakap ako kahit medyo basa ako.

"Hindi kasi ako nakapag-dala ng payong, Ma. Buti nalang at may nagmabuting loob na shi-nare sakinyung payong niya." sabi ko kay mama.

"Sige pala, magbihis ka na at baka magkasakit ka." sabi ni mama at pumasok na kami sa loob ng bahay.

.

.

.

Naging ma-araw ang mga sumunod na araw. Hindi narin siya napadaan ni minsan sa waiting shed na kung saan kami unang nagkakilala.

Dati ayaw ko ng ulan kasi bigla-bigla nalang dumarating.

Pero pagkatapos ng araw yun,

Parati kong sinasabi sa isip ko na...

Rain, Rain, Don't Go Away...

Rain, Rain, Don't Go AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon