Natigil ang lahat dahil sa isang McLaren P1―ang isa sa pinakamahal na sasakyan ngayon. Huminto lang naman sa harap ng bulwagan ang sasakyan kung saan nagaganap ang isang malaking pagtitipon o grand reunion ng Ford International University. Kung saan ang mga mag-aaral doon ay mga mayayaman, anak ng mga artista, at anak ng mga prominenting tao hindi lang sa bansa, maging ng buong mundo. Gayon pa man, tanga lang ang bibili niyon sa sobrang mahal ng autong iyon kaya ganun na lamang din ang kanilang pagkamangha. Iniisip nilang sobrang yaman siguro ng may-ari niyon.
Malayo man ay tanaw na tanaw nila iyon mula sa loob. Kaya naman, takang-taka ang lahat. Marami ang nagbulong-bulongan. Nagugulohan marahil. Bagaman, iisa lang ang tanong, sino, ang nagmamay-ari nang naturang sasakyan?
Biglang umandar ang sasakyan paabante at naiwan ang isang babae. Nakatalikod ito sa kanila. Nakasout din ito ng kulay ginto na gown. Nakapusod ang buhok nito kaya kitang-kita ang kaniyang makinis at magandang likod. Hapit na hapit din ang kaniyang suot na gown kaya naman hulmang-hulma ang kaniyang katawan na siyang lalong nakaagaw ng kanilang atensyon.
Unti-unti itong humarap. Subalit, malayo pa rin kaya hindi agad nila nakilala ang misteryosong babae.
At nagsimula na nga itong maglakad papasok sa bulwagan. Kaniya-kaniyang kilos ang mga tao roon. Ang iba'y nagkukunwaring may ginagawa ngunit ang totoo'y inaabangan ang babae. Ang iba nama'y panay ang tsimis sa katabi. At higit sa lahat, ang ibang mga lalaki ay palihim kung mag-ayos ng sarili upang sa pagdating ng babae ay lalandiin.
Subalit! Habang papalapit ito ay siya ring paglinaw ng mukha ng babae. At hindi! Hindi sila pwedeng magkamali sa kanilang nakita. Ang bababeng iyon ay walang iba kundi si Felicidad Cruz.
Ang babaeng pinagpalang makapasok sa FIU.Subalit isinumpa nang tuluyang makapasok sa nasabing paaralan. Mabait naman ito subalit inaayawan pa rin siya ng mga kaklase at kamag-aral dahil mahirap lang siya. Nakapasok lang siya roon dahil nakapasa siya sa napakahirap na scholarship exam at entrance exam. Palagi din binu-bully ng mga ito.
"Hi, guys!!!Kamusta kayo?"aniya sa mga ito.
"Felicidad Cruz?!Ikaw ba iyan?Yung-yung yuck na katabi ko noon?"tanong ng isang babae na katabi niya di umano noon.
"Yes it's me. But please, ang haba ng Felicidad.And it's so makaluma. Fely will do."giit ni Fely at matamis na ngumiti sa kanilang lahat.
"No!!! This is not so true! I'm just having a nightmare, right?" maarteng komento ng isa ulit babae na isa sa mga nagpahirap sa kaniya noon.
Nilapitan pa siya ng isa sa mga alipores nito at piningot-pingot ang kaniyang matangos na ilong.
"Shocks, Bes! Totoo nga! Hindi siya pinagawa!" sumbong nito sa amo niya.
"No!!!Hindi ko matatanggap ito!!!" wika ng amo at nagwalk-out.
"Go on, sabihin mo na ang gusto mong sabihin.Pero hindi mo pa rin mababago ang katotohang nagbalik na ako.I am Felicidad Cruz, and I am your sweetest nightmare!" pahayag niya. "And oops, by the way, bago ko iwan ang napaka-engrande at glamorosang silid na ito, gusto ko lang sabihin sa inyong, Ako ang sponsor ng okasyong ito at napadaan lang ako upang testingin ang bago kong laruan. Good night everyone!"dagdag niya bago tuluyang iniwan ang bulwagan.
Nagsisigawan at naghe-hesterical pa rin ang iba dahil hindi pa rin nila matanggap ang kasindak-sindak na katotohanan.Habang siya naman ay patuloy na naglalakad. Saka lang din niya naalala ang mga nangyari noon. Kung gaano siya nagtyaga at nagsikap mag-aral. Kung gaano niya ginawang araw ang gabi upang mapagsabay ang trabaho at pag-aaral. Kung gaano niya tiniis ang mga panglalait, pagmamaliit ng kaniyang pagkatao at pagpapahirap sa kaniya noon.
Napangiti siya ng mapait. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya tanggap ng mga ito kahit siya na ang pinakamayaman sa kanilang lahat, sa kanilang buong batch. Nalulungkot siyang isipin na sa kabila ng pang-aapi nila sa kaniya noon ay tanggap at napatawad na niya ang mga ito habang sila ay patuloy at abot-langit ang pagkamuhi sa kaniya.
Malapit na sa siya sa pinto nang magpakita ang kaniyang sekretarya.
"Maam, hinihintay napo kayo ng mga bata sa Little Angel's Orphanage"
Nginitian at tinanguan niya ito saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Hayaan na ang mga taong inggitera. Kung ayaw nila sa akin, edi wag. Hindi naman ako sardinas para makipagsiksikan sa mga taong ayaw sa akin. Bagkus, itutuloy ko na lang buhay ko upang gumawa ng kabutihan sa mundo."bulong niya sa sarili.