Addict

33 2 0
                                    

"Tara Starbucks."

Na naman?

"Anong na naman? Nagrereklamo ka?"

Nakataas ang kilay habang naka-krus ang mga kamay. Ang pose na na kinaka-ayawan ko. Ang pose na kinakatakutan ko.

"Wala Beh, sabi ko tara na nga. Libre kita." Isang pilit na ngiti o baka ngiwi. Na naman, lagi naman.

"Talaga Beh? Lilibre mo ako? Pwedeng Venti ang size?" Nakapulupot ang kamay sa braso ko habang hinihimas ito.

Sino ba naman ako para tumanggi, ako lang naman ang boyfriend niya. Oo palagi, hindi pwedeng, hindi ang sagot. Lalo na kapag mag-aaya sa Starbucks.

Unlike other girls, if their favorite place is shopping malls, boutiques and make-up stores... well my girl, her haven is Starbucks.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. She smiled. That smile, everytime I opened the Starbucks door for her. That's how we first met. That smile that took my heart away.

"Hi! Isang coffee frappe. Venti. Sayo Beh?"

"Isang coffee lang."

"Coffee daw sa kanya."

"One Coffee Frappe and one coffee. For take-out Mam?"

"Yes please." she smiled.

Nung nakita kong namula ang pisngi nung crew ay tumikhim ako. Pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya at hinila siya palapit sa akin.

"A-ano p-pong name M-mam?"

Tss. "Andrei." I answered, staring directly at his eyes.

Umalis naman kaagad sa harap namin ang napahiyang crew.

"Tinakot mo siya." kinurot niya ang tagiliran ko habang may pilyang ngiti sa labi niya.

"Ang ngiti mo akin lang 'yan, ayaw ko na may iba kang nginingitian. Simula ng makita ko ang ngiting 'yan akin na 'yan. Madamot ako Beh, at alam mo 'yan."

"Sir Andrei?! Order for Sir Andrei."

I stand up. Siya naman ay nakangiti na parang pinakitaan ko siya nang Unicorn.

Tss. Girls.
---

"Tara Starbucks."

Na naman?

"Beh, kakapunta lang natin doon kani-kanila lang. Kakaubos mo lang nung Venti size na coffee frappe. Beh naman."

"Exactly Andrei, ubos na! Wala na ako maiinom kasi ubos na. Kaya tara na sa Starbucks at bumili ng bago."

Patay! Andrei na, plus may kasama pang kinakatakutan kong pose.

Oo nga lang Andrei diba? Oo lang hindi pwedeng umangal.

"Tara na Beh, tara. Ano ba gusto mong size? Grande? Dalawang grrande kaya bilhin natin, para hindi na tayo pabalik-balik." inosenteng suhestyon ko, pero para ata sa kanya ay insulto at reklamo.

"Anong ibig sabihin mo Beh, matakaw ako? Na kaya kong umubos ng dalawang trenta?! O baka naman tinatamad ka ng samahan ako?!" She asked me teary-eyed.

"Sige sabihin mo lang kung nagsasawa ka ng samahan ako sa Starbucks. Maghahanap na lang ako ng iba." dugtong pa niya.

Doon ako naalarma. "Uy, uy Beh, wala namang ganyanan. Hindi ako magsasawang samahan ka, kahit gaano pa kalayo 'yang Starbucks na 'yan." I hugged her by the waist, and kissed her head and temple.

"Kung nagsusuka ka lang ngayon iisipin ko, buntis ka eh. Sayang."

Natawa naman siya bago ako siniko. "Gago. Hindi ako magpapabuntis sayo, hanggat hindi tayo kasal."

Nginitian ko lang siya yung pinaka-matamis.

----

"Here's your Coffee Frappe, for Sir Andrei and Mam Lexie. Enjoy your drinks Sir, Mam." nag-bow ang crew bago umalis sa harapan namin.

"Ang sweet nung crew no, parang gusto ko kitang ipagpalit sa kanya."

"Aba't. Gusto mo ba na mawalan ng trabaho ang crew na yun ngayon? Ha Lexie?"

"Ang corny mo! Parang jino-joke ka lang eh," she said pouting. Halikan ko 'yang labi mo eh.

"Pagka-ubos ko nito, umorder ka ulit ng isa pa para sa akin, malapit ko na ito maubos oh."

Totoo nga, nangangalahati na ang kanya habang ang akin ay halos hindi pa nababawasan. Haay. Mamumulubi ako nito kapag napangasawa ko 'to. Tama ba ang naging desisyon ko?

"Ang adik mo sa kape no? Alam mo ba na ang kape ay may caffeine na isang uri ng drugs? Therefore I conclude isa kang drug addict." Natawa ako sa sarili kong biro. Shit ang corny ko.

Nag-angat ako ng tingin ng pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Si Lexie pala ang sama ng titig sa akin, yung parang nag-aapoy na ang mga mata?

"Ako adik sa kape! Ikaw?! May tinatago ka rin no? Kaya siguro pinagbibigyan mo ako kasi may kasalanan ka! Ano sagutin mo ako."

Ano raw? Ako may babae? Maliban sa Mama ko siya lang ang babaeng naging malapit sa akin.

Kwinelyuhan na niya ako at nilapit sa mukha niya, sa sobrang lapit pwede ko na siyang halikan.

Tsup.  Edi, tahimik ka.

Lumuwang ang kapit niya sa kwelyo ko kaya nagawa kong makalipat sa tabi niya. Pinaupo ko siya ng maayos, hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan ko ang mga mata niya, para makita niya na seryoso ako at hindi nagbibiro.

"Beh, sayo ako naa-adik. Adik na adik na ako sayo Beh. Hindi na kita kayang pakawalan Beh. Hindi ko kayang makita na nakikipagngitian o tawanan ka sa iba, na may hahatakin kang iba para samahan ka dito sa Starbucks. Sayo ako naadik Beh, at hindi ko na kayang umahon. Pakasal na tayo Beh."

Lumuhod ako sa harapan niya, hawak ang singsing na binigay ni Mama, family heirloom daw. Ewan. Basta ang mahalaga makapag-propose ako.

"Beh, naa-adik ako sayo. Mababaliw ako kapag mawala ka sa paningin ko. Ayaw ko magpa-rehab gusto ko ma-high lang ako sa pagmamahal mo. Kaya Beh, tanggapin mo itong sing-sing at ikulong mo ako sa puso mo."

Lahat ng camera ng mga customers sa Starbucks ay sa amin nakatutok. Nakakangawit pero okay lang, kung ang matamis na 'oo' naman ni Beh ang magiging kasagutan.

Kung hindi ko lang nakikita na tumataas-baba ang dibdib ni Beh, iisipin kong naestatwa na siya, tuloy-tuloy ang pagluha niya pero walang boses na lumalabas sa bibig niyang nakabuka.

"Gago ka ah! Gago! Gago! Pakasalan mo na ako ngayon na, bago pa mahalata ang tiyan ko. Gago ka! Akin na nga 'yan."

Inagaw niya sa akin ang singsing at siya mismo ang nagsuot sa sarili niya. Hindi na ako naka-angal dahil sa sobrang gulat. Magiging isang pamilya na kami?

"Wuhoo! Tatay na ako! May fiancée pa akong maganda."

I hugged her and spin her around. I am so happy. Ngayon napatunayan ko na okay lang mag-adik basta sa taong mahal mo at hindi sa droga.

Drug Addict (Completed/One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon