Annyeong guys ^_^ . eto po ang pinakauna ko na one shot. sana po magustuhan niyo. Enjoy reading :-)
--------
Annikka's POV
Hayyyyyyy .. ang boring boring naman ... buti pa itong katabi ko hindi nababagot eh.
"okay guys, ichecheck ko na ang attendance niyo, say present kapag nandito kayo ok?" sabi ni Maam Mariano ang adviser namin ...
"Avendano- Present!, Arandia-- Present!" and the roll call goes by
ayos itong katabi ko ah .. may sariling mundo ata.
"Ferendesco?" Ay. wala pa din naririnig tong katabi ko. "Ferendesco? is Ferendesco here?"
"Uy Miko, tawag ka na ni maam"
"Ako na ba? Ay Maam! Present po!" at pagkatapos nun ay balik na naman siya sa ginagawa niya, kinalikot na naman niya yung papel -_- . Kung hindi ko lang crush to baka nasapak ko na to.
Opo. tama kayo ng basa, crush ko yung katabi ko, pero hindi ako super OA na magtititili, sanay na ako eh, sanay na akong kasama siya kasi laging nakabuntot yan sakin.
"Oy! Miko! ano meron sa papel na yan?" pagrereklamo ko ..
"Wala. basta." ay grabe. anong nangyare sa lalaking to? -.-
"Nako. pasalamat ka talaga at wala si Mam ngayon dahil nasa meeting, kasi kung nandito yun, napalabas ka na nun." sabi ko. pagkatapos kasi ng roll call eh umalis na si Mam dahil sa faculty meeting.
at aba. hindi man lang ako pinansin ng payatot na to, sige pa din siya sa pagtupi tupi nung papel, kung pwede lang pagselosan ang papel .. hayy.
Vacant na pagkatapos nung klase namin na yun, pero kinailangan ko na magmadali sa pagkain kasi kailangan pa naming magpractice ng presentation for the next subject, and since ako ang leader eh ako ang namomroblema .
nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng mapansin ko na hindi pa din kumakain si Miko at sige pa din siya sa pagkalkal dun sa papel..
"Oy Miko, kumain ka nga muna.. kanina ka pa busy sa papel na yan ah .. sobrang halaga ba nyan ha?"
"oo, sobrang halaga ng pagbibigyan ko nito!"
"Paki ko? ah basta kumain ka nga muna!" tumaas na ung boses ko buti nalang binaliwala na lang niya.
"Pauleen! eto na oh, sayo na muna" sabi niya sabay bigay kay Pauleen nung box na papel at dumiretso na sa canteen ..
Ahh .. so si Pauleen pala ung sobrang mahalaga sa kanya .. maganda si Pauleen, mabait at masiyahin din .. bagay sila ni Miko. Pero bakit ganito? bat parang may masakit .. sa bandang Chest ko.. ah. ewan. baka mini heart attack lang ito.
pagkatapos ko kumain at ng ilang kagroupmates ko, magsisimula na sana kaming magpractice, kaso si Miko na kagrupo ko ay sige pa rin siya sa pagtupi tupi dun sa papel. siguro kung buhay yang papel na yan, napatay ko yan -.- .
nilapitan ko siya ..
"Miko! practice na natin, mamaya na nga yan!"
"Wait lang Aykaa! tatapusin ko na to, 5mins. na lang." Ayka ang tawag niya sakin, hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yun eh, trip daw niya, ay ewan. at dahil mabait ako eh binigyan ko muna siya ng time.
Tinuro ko na sa kanila ung steps, sayaw kasi ung gagawin namin sa MAPEH, modern dance kaya madali lang siya.
after ko maituro ung steps, aayusin ko na ung formation, at muntik ko na makalimutan si Miko na nandun pa din sa pisting mga papel na sige sa tupi, at aba nagugupit na din siya ngayon ah.
"MIKO! ANO BA! FORMATION NA! AKALA KO BA 5mins LANG?" out of control na ako.
"Ahh . eh.. hindi pa ako tapos eh, pwede ba last 5mins ulit?" at aba ! hihirit pa tong payatot na to!
"ANONG 5mins PA? GUSTO MONG ATAKIHIN AKO HA? AKIN NA NGA YANG LESHENG PAPEL NA YAN" sabay hablot ko dun sa papel na para daw kay Pauleen -.- .
"Teka! aykaa! may tamang pagbigay dyan!" hah? ano daw? may tamang pagbigay? eh? nahihibang na ba siya?
"ANONG MALI? OY MIKO NAHIHIBANG KA NA BA? KUNG ANO ANO PINAGSA--- OY . TEKA. BAKIT KA LUMULUHOD DYAN?" natigilan ako kasi bigla siyang lumuhod sa harap ko, ung para bang nagpropropose? ay ewan. baka trip lang niya to .
"Annika Maria Perez--"
"Oh? alam ko pangalan ko? kailangan ipagsigawan?"
"Eh? ayka naman eh. wag ka nga sumabat dyan!" at aba! sumusobra na to ah.
"Annika Marie Perez, babaeng panget, babaeng---" pinatigil ko ulit siya. nangiinsulto eh.
"OY. MIKO FERENDESCO! For your information! alam ko ang pangalan ko! hindi kailangang paulit ulit! at alam ko din na maganda ak-- HMMMPP" ashskdldlsjxbsj. may naglagay ng Packing tape sakin. si Dave! ung isa pang kaibigan ni Miko! aba! masakit un ah!
"Oy dave! baka naman grabe ung pagkakalagay mo sa Packing tape at nasaktan si Ayka ko!" Ayka Niya? at kelan pa ako naging sa kanya hah? aba readers (kung meron man) naging kanya ba ako? hindi naman dibaaaa? ano pinagsasasabi nito? wushu. kinikilig ka lang Ayka eh. chusi ka pa (sabi ng isang imaginary reader)
"Ayka, can I court you?" o_O ano daw? dadalhin niya ako sa basketball court? Hah?
then may nilabas siyang isang papel na box, eto ung kanina pa niya kinakalikot eh, akala ko ba kay Pauleen to? -.- binuksan niya ung Box at may laman na kwintas..
"Ayka? Will you be my girlfriend nalang pala, hindi ako marunong manligaw eh" abat. Loko talaga to ah. and before I knew it, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Uy Ayka! sumagot ka naman!" Shunga talaga to. kita ng naka Packing tape ung bibig ko eh!
"Bro! ung Tape!" sigaw ni Dave
"Ay. oo nga pala!" tinanggal ni Dave ung Tape, tapos bigla nalang ako napaiyak..
"Hala! Dave! Loko ka! Masakit ata ung pagkatanggal mo!" sigaw ni Miko
"Yes." ewan ko ba. yan ung lumabas sa bibig ko eh.
"Oh. tingnan mo. yes daw ibig sabih-- ano? Sina--sagot mo na ako ayka?"
"Obvious ba? -.-"
-------
And that PaperBox.. change my life...
---THE END
Thanks For reading ^_^
BINABASA MO ANG
Paper Box (one shot)
Teen FictionIt hurts .. it hurts to see your special one falling with other girl .. pero paano kung mali pala? paano kung Maling Akala ka? at paano kung binigyan ka niya ng PaperBox? Would you .. accept him?