Chapter 1

136 16 3
                                    


Killian's POV

"Aray! Natutulog yung tao eh! "
Sigaw ko dahil Sinipa ako ng ate ko sa paa

"Una sa lahat di ka tao at pangalawa bumangon ka na Dyan at first day of school mo! bilisan mo at kumain ka na sa baba!" sermon nya sabay bagsak ng pinto ng kwarto ko

Langya naman oh!

First day of school ko nga pala ngayong 4th year at katratransfer ko lang

Tsk.  katamad PA naman bumangon... pero wala akong magagawa kaya naligo na Lang ako at Mabilis na nag bihis ng plain black V- neck at pantalon sabay suot ng converse na sapatos na black din.

Pagkatapos kong gumayak ay agad na kong bumaba para mag breakfast

"Oh bunso kumain ka na at baka Malate ka pa" sabi ng mommy ko at sabay bigay sa akin ng Plato at kutsara't Tinidor

"Mommy naman kaya nagiging tamad yang bata na yan eh binibaby nyo"Singit ni kuya

"Bakit baby PA din naman tong Si bunso ah"sagot ng mommy ko

"Mommy naman"sabi ko habang naka nguso

"Hoy bata panget ka na nga ngumunguso ka PA! Ikaw mag huhugas ng pinagkainan mamayang Gabi at wala ka ng tinutulong dito sa bahay!" sermon nanaman ng ate ko

Sungit talaga Sarap Saksakin ng tinidor

"Oo nga naman Lian di ka na nga pala naglilinis dito sa bahay! Ako nanaman nag linis dito kahapon"Segunda ni mommy (Lian Nickname ko kase nga *killian)

Hay nako napag tulungan nanaman ako...

Ayaw kasi ni mommy na mag katulong para daw maobliga na kami ang gagawa ng gawaing bahay at Hindi lumaking Batugan at walang alam sa gawaing bahay

"Opo na po mamayang Gabi na" sagot ko at tumayo para ilagay ang Plato ko sa lababo at Saka nag toothbrush

Bumalik ako sa dining area at nag paalam na sa Kanila

"Mommy,ate,kuya,daddy Alis na ako" sabi ko at Akmang Aalis ng may maalala ako Hehehe akala nyo makakalimutan ko noh

No way!

"Mommy baon ko pala" sabi ko at may ngiting  nilahad ang palad ko sa kanya

"Akala namin makakalimutan mo na eh" sagot ng mommy ko

"Pwede ba naman yun? Hahaha" sabi ko

"Oo na dun ka manghingi sa daddy mo" turo nya Kay daddy

"Da baon na ah malelate na po ako" sabi ko pagkalapit ko sa Kanya

"Oh ayan magtipid ka" sabi nya sabay bigay ng 500

"thank you for the love hehe" sabi ko at bumalik Kay mommy para humalik

"Bye bye everyone!" pag papaalam ko sa kanila

" Lian Mag ingat sa pag dridrive ha!" sigaw nila sa akin

"Opo!!!" sigaw ko

Kinuha ko na ang bag ko at Tumakbo na palabas

Paglabas ko ay sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ito

On the way na ako sa university na pinasukan ko kaso mukhang malelate ako dahil sa sobrang traffic kainis!

After ng isang dekada Salamat naman at papasok na din ako sa gate ng Hilton's University 
 
Nag park na ako at lumabas na dala ang bag ko

Pumasok na ko at nag lakad... naku hahanapin ko PA pala ang room ko tsk

Habang hinahanap ko ang room ko bigla na Lang may tumawag sa akin

"Lian repa!!!" sigaw ng tumawag sa akin

Hays parang ayaw kong lumingon at makakakita ako ng multo

Kaya tumakbo ako pero Nahuli nya agad ako

Aba nice! Lagot na

"Repa naman bakit lagi mo kong tinatakbuhan? Alam mo namang miss na miss na kita eh..." sabi nya habang pinipisil ang magkabilang pisngi ko

"Lintek aray! Rina tigilan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya

" Teka May kasalanan ka pala sa akin! Di mo sinasagot yung mga tawag ko nung bakasyon! Hayup ka Halika nga dito!" sigaw nya ulit at akmang kukutusan ako pero biglang nag ring bell

KRING!!!  KRING!!!

"Ayan kasi eh! Di ko pa tuloy alam yung room ko! Tsk ang daldal mo kasi eh" paninisi ko sa Kanya

Mag lalakad na Sana ako ng bigla nya akong hilahin

"Ano??!!" sigaw ko

"Wait Lang alam ko na room mo hehe... Magkaroom kase tayo eh,  halika na at late na tayo" pagkasabi nya nun ay hinila na nya ako Kung Saan

Kung minamalas ka nga naman oh kaklase ko PA tong Si Zarina napaka kulit PA naman nitong babae na to Hayss.......

Pagkatapos nya kong Hila hilahin huminto kami sa isang pinto na mukhang room na namin

Binuksan nya ang pinto at bumungad sa amin ang estudyanteng nag papakilala sa harapan

"Good morning ma'am sorry we're late" sabay naming sabi at umupo sa dalawang bakanteng upuan sa gilid tapat ng bintana

Nang Matapos na mag pakilala ang mga classmates namin ay kami naman ang nag pakilala

Unang tumayo Si zarina at pumunta sa harapan

"Good morning! My name is Zarina Leigh Thompson, Rina for short and I am 17 years old" pagpapakilala nya at agad ng umupo sa Tabi ko

At ako naman ngayon ang susunod kaya pumunta na ako sa harap at nag salita

"I am Killian Jean Smythe,
17 years old" pagpapakilala ko at umupo na din agad

Lumipas pa ang ilang subject na puro Lang pagpapakilala

Dibale first day pa Lang naman eh

LUNCH BREAK

Inaya ako ni zarina sa cafeteria para mag lunch pero siya Lang ang pinakain ko dahil busog PA naman ako

"Repa Hindi mo ba talaga kayang mag kilos babae?" tanong ni Rina sa akin habang kumakain ng spaghetti

Ano bang pumasok sa Utak nitong babae na to at dito pa talaga naisipang itanong yang bagay na yan

"Alam mo Rina Hindi dapat dito pinag uusapan yang mga bagay na yan" sabi ko sa kanya

"Alam mo naman Siguro yung salitang privacy diba?"pahabol
Ko pa

"Oo naman, ito na nga eh tatahimik na" sagot nya at nag patuloy na Lang sa pagkain

Napaisip tuloy ako sa tanong nya

Kaya ko nga ba?

Oo naman pero wala namang masama sa kinikilos ko eh

Bakit ba napaka big deal nun para sa kanila

Aish! dapat Hindi ko ito iniisip eh itong zarina kasi na to napaka daldal ang daming alam puro kalokohan naman tsk.

A/N:

Thank you for reading

Don't forget to vote and comment!

Babush!😘👋

His Boyish Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon