Shooting Star
-
Minsan talaga, maiisip mo na may perpekto sa mundo kapag sobrang saya mo. Katulad ngayon, iniisip ko na napakaperpekto ng relasyon namin ni Marco. Biruin mo, mag-fo-four years na kami bukas.
Masaya kasi alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Sino bang hindi sasaya sa ganun? Siya nga nagpatunay sakin na hindi pala ako hopeless romantic.
Madrama, super madrama ang love story namin. Dahil nung una, hindi nila tanggap ang relasyon namin, hindi tanggap ng mga magulang ko, hindi tanggap ng mga kaibigan ko. Lagi nilang sinasabi na peperahan niya lang daw ako.
Naguguluhan ka ba kung bakit sinasabi nilang peperahan niya lang ako? Dahil magkaiba kami ng estado ng buhay ni Marco. Ang tatay ko ay isang sikat at tanyag na doktor na nagmamayari ng halos isang daang mga ospital sa buong mundo, samantalang ang nanay ko naman ay ang nagpapatakbo ng kompanya namin na ipinamana pa sakanya nila lolo. Sila Marco naman ay nagmamayari ng malawak na bukiran dito sa amin, dito sa lugar namin. Ano bang mali dun? Wala naman hindi ba?
"Malapit na Gail." Bulong sakin ni Marco.
"Shhh....magpahinga ka na lang okay?" Sabi ko sakanya.
Noong una, pinilit kaming paghiwalayin ni Mommy at Daddy, but guess what? Handa si Marco na ibigay ang mga lupaing ipinangalan sakanya ng kanyang mga magulang. Syempre, nagulat sila Mommy, maski ako. Di ko inaasahan yun. Kayamanan nila yun, pero para lang mapatunayan na hindi pera ang habol ni marco, handa siyang ibigay yun. Dahil dun, pinabayaan na ako nila mommy, pinabayaan na kami.
Una kaming nagkita ni Marco sa palengke. Mapayapa akong namimili nun, suot suot ang mga ngiti sa aking labi. Akala ko mapayapa at masaya din akong makakauwi noon, kaso hindi eh. Nadapa siya, nadaganan niya ako, at naibuhos sakin ang mga itlog galing sa tray na hawak niya.
*flashback*
Ano pa ba nakalimutan kong bilhin?
Tinignan ko naman ang listahan ko. Inutusan kasi ni Mommy si Manang Roselle malengke ngayon, ngunit, nagpaalam ako na ako nalang ang bibili. Ang boring kaya sa bahay.