Sisiw (one-shot)

20 0 0
                                    

"Uy, Denny." Tawag sakin ni Luke. Lumingon ako sa likod ko at nandun nga sya, nakatingin saakin at nakaluhod sa harap ng isang tindero at isang cardboard box. "DENEH."

"GRABE KA NAMAN MAKA DENEH NARINIG KITA." Naglakad nalang ako pabalik sa best friend ko at natawa nalang sa nakita ko. May mga sisiwmsa loob ng cardboard box. Yung tipong kinulayan. Sa totoo lang ayaw ko buipmibili ng mga ganyan dahil pakiramdam ko animal cruelty, pero sa ngiti na binibigay ngayon saakin ni Luke parang di ko na yata matatangihan pag pinklit niya akong bumili.

Ako so Denica Silverio. 17, at may best friend slash boyfriend. Oo, si Luke yun, at oo, boyfriend ko na din siya. Nagtapat kami sa isa't isa nung 15 palang kami. Pumayag naman ang mga magulang namin dahil kilala na namin ang isa't isa simula pagkabata palang.

"Tara bili tayo."

"Ha? Wala akong pera ngayon. Mauubusan ako ng pamasahe."

"Grabe eight pesos lang! Bilis na!"

"Eh!" Naghahanap talaga ako ng dahilan para hindi ako makabili dahil nga sabi ko ayaw kong bumibili niyan.

"O sige." Tumayo siya mula sa pagkaluhod niya at ngumiti sa manong. "Manong pabili po ng dalawa. Yung wala pong kulay." Si manong naman kumuha ng isang maliit na box at nilagay ang isang puting sisiw. Ilalagay na niya sana yung isa pa pero tinigil siya ni Luke. "Ay, pakihiwalay po. Ito po bayad. Salamat po."

Nagtaka ako kung bakit pinaghiwalay ni Luke yung mga sisiw. Nang makalayo layo na kami sa manong, tumigil siya sa paglalakad. "Uy, ba't ka tumigil?"

"Eto o." Ngumiti si Luke habang binibigay saakin yung isang box. "Kunin mo. Binili ko dalawa para isa sayo at isa sakin."

"Ah-" sa totoo lang ayaw ko talaga tanggapin kasi nahihiya ako at ayaw ko magpalaki. Baka mamatay lang agad. "Sige na nga. Thank you ah." Ngumiti siya at yinakap ako. Muntikan ko na mabitawan ang box pero nahawakan ko din ng maiigi.

"Sign to' ng pagmamahal natin sa isa't isa." Hindi siya umalis sa yakap.

"Ha? Eh-"

"Sign to' ah. Pag namatay, ibig sabihin may hindi kagandahang nangyari sa pagmamahalan natin."

"Pag namatay?!"

Humiwalay na siya sa yakap at pinindot ang ilong ko. "Oo. Pag namatay. Kaya alagaan mo ng mabuti! Ayun na pala bahay mo, malapit lapit na. Tara."

Pag namatay? Pano kung namatay? Hindi na ako mahal ni Luke? May ibang babae si Luke? May masamang nangyari kay Luke? Putcheng sign naman na to' eh!

Pero...kapag nabuhay....

Ibig sabihin kaya nun, nagmamahalan talaga kami ng sobra-sobra?

***

It's been months.

Buhay pa yung sisiw. Oo sisiw parin haha. Medyo lumaki na at nahahalata na ang pakpak, pero nonetheless, sisiw. Yung kay Luke din buhay pa.

Graduatin namin malapit lapit na, at ayaw ko ngang maggraduation eh.

***

"Denny, may kailangan ako sabihin sayo." Kumakain kasi kami ng dirty ice cream sa labas ng school namin nun. Pinaguusapan namin kung ano ang gagawin namin pagkatapos ng graduation. Gusto ko sana maging lawyer. Si Luke naman, hindi pa alam.

"Mm?" Hindi ako makapagsalita kasi may ice cream pa sa bibig ko,

"Denny, aalis ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sisiw (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon