Sorry Na (One-shot)

563 21 4
                                    

"Sorry Na" 

written by eyporil

Matagal na. Mula nung huli ko syang nakita.

Hanggang ngayon masakit padin sa kin yung nangyari. Na nabaliwala lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa isang tao.

Pero ano pa nga ba yung magagawa ko? Ako lang naman yung may pakialam sa mga "Pinagsamahan" namin e.

At ang taong sinisisi ko......... ay yung nag-iisang tao na PINAKAMAMAHAL nya.

"Hoy!!! Joven!!! Nandyan ka ba??!"

"Joven.. yoohoooo..."

Narinig kong may tumawag sa kapatid ko. Sino na naman kaya yun? Baka manghihiram lang ng basketball, hapon na kasi at malilim na at dahil malapit yung court samin, nasanay na silang manghiram ng bola sa kapatid ko. Kaya hindi ko nalang pinansin. Isa pa nagbabasa ako sa wattpad eh. Tulog pa yung kapatid ko at sure akong magagalit sya kapag pinahiram ko yung bola nya.

"Joven?? Joven.... *tok tok tok*"

=____________=

okay? Ayaw parin nilang tumigil. Buti nalang nagising yung kapatid ko. Dun kasi sya natulog sa may sofa.

"Oh! Ngayon lang kayo napadalaw ulet ah."- Joven

"Ang tagal mo! Kanina pa kami tawag ng tawag."

"Nandyan si ate?"

*dugdug dugdug*

Kilala ko kung kaninong boses yun at sya lang naman sa barkada ng kapatid ko yung tumatawag sakin ng 'Ate' eh. Bakit ba hindi ko narealize kanina na sya yung tumatawag sa kapatid ko? O baka dahil, alam ko namang hindi na yun pupunta pa dito. Pero.........

Nandito sya.

Pinagpawisan ako ng malagkit. Shete! Ano bang nangyayari sakin?!

Kinakabahan ako. Hindi ako ready. Wala akong ayos. Hindi ko naman alam na may bisitang dadating eh.

Since nakaharap ako sa computer, nasa likod ko lang sila. Hindi ko nililingon kasi........ Ewan, ayoko syang makita. Or ayoko lang masaktan ulet.

"Nandito pala si Haven eh. Musta?", si Jake. Tinap nya yung balikat ko. Isa sya sa mga kaibigan ng kapatid ko. Tumango lang ako bilang sagot, kunwari busy sa ginagawa ko. Classmate ko si Jake nung 3rd at 4th year pero classmates sila ng kapatid ko nung 2nd year at sila ang magbabarkada talaga.

Sorry Na (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon