Chapter 34

232 14 0
                                    

(TaeHyung's P.O.V)

Martes... Martes na pero parang Lunes pa rin...

Pumunta ako sa isang branch ng kompanya namin dahil inutusan ako ni Papa.

Mag-aasikaso ako ng mga files dito dahil lumapit ang management na sila ay nahihirapan na.

Haaay, sakit sa ulo...

Nang matapos ako sa pag-aasikaso ng mga pangunahing papeles ay tinawagan ko si Sanyel.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later,"

Sabi ng nakakairitang boses. Muli ko syang dinial.

"The numbe-"

"Um!" In-end call ko na agad dahil naiirita talaga ako sa boses ng nagsasalita, nakakainis kaya.

Nakailang dial na ako pero wala talagang sumasagot.

"The number you have dialed is out of coverage area, please try your call later. The number you have dialed is out of coverage area, pleasr try your call later," pagsabay ko nalang

Bakit naman hindi sya sumasagot?

Nag-aalala na ako, baka mamaya inatake na iyon o ano.

Dadaanan ko na nga lang kahit saglit sa bahay. Kinuha ko ang ilang mahahalagang files at lumabas.

"May meeting lang ako ha," sabi ko sa manager, tumango naman sya at umalis na ako

Kumusta na kaya si Baby? Isang araw palang akong wala pero nag-aalala na agad ako sa kanya.

Nang marating ko ang bahay ay walang nagbukas ng pinto, buti at dala ko ang susi ko.

"Baby!?" Tawag ko pero walang tumugon

Tinignan ko ang sala, kusina, banyo at kuwarto niya pero wala sya.

"6:00 na ah, asaan na iyon?" Tanong ko sa sarili

Tinawagan ko naman ang number ni A-Ches pero walang sumasagot.

Lumabas ako ng bahay at lubos kong ikinagulat ang nakita ko.

Sammy at Jungkook...

"Ang sarap ng Jungcookies," rinig kong sabi ni Jungkook, ngumunguya pa sila ng bahagya, ano iyon?

Magkahawak-kamay sila habang naglalakad palayo na may dalang bike.

B-Bakit sila nandito?
B-Bakit magkahawak-kamay sila?

Inis, lungkot, selos, kaba, naghalo-halo na ang nararamdaman ko habang palapit sa kanila.

"Ang bilis mo naman akong ipagpalit Sammy"

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon