Kabaliwang Hindi Ko Inakala

144 1 0
                                    

"Hoy panget umayos ka! Yung camera oy! Pambihira naman oh!"

"Akala mo naman kung sinong maganda! Oo eto na! Buset!"

Ito ang araw kung saan mamatay ako. Kaya kinukuhanan ko ang death note ko. Sosyal diba? De,charot lang.

Blogger ako kaya ngayon namin kinukunan ang research ko. Tungkol ito sa iba't ibang klase ng joker,palabiro,o kung ano pa ang tawag sa kanila. Basta yung nagpapatawa. Jusko mga bakla! Pinagpawisan ako sa pagpapaliwanag ah.

Siya nga pala, yung sinigawan ko kanina ay si Cooper Martinez,katulong ko bwahaha.

Ayan,tatanga-tanga kasi ang lalaking yan. Biruin niyo,noong isang araw naglibot ako dito sa resort. Hawak-hawak ko yung camera ko. Nanlaki ng bongga ang mga mata ko dahil sa napakagandang tanawin dito sa resort. Kuha dito,kuha doon. Para na nga akong asong ul*l kakangisi sa mga nakukuha kong larawan.

Meh! Sayang naman kasi. Okay rin 'to 'no. Mai-post sa Facebook at Insta account ko. Bwahaha. Samakatuwid,di ko inaasahan na may mababangga pala ako. At ang mas nakakagulat pa ay si Cooper 'yun. Nabitawan ko yung camera ko atsaka nabasag sa lupa. Grabe talaga ang impact nung pagkahulog ng camera,basag agad eh. Mahulog ba naman,eh aware naman na walang sasalo sa kanya. Tililing talaga meged.

Sinigawan ko siyempre yung tao. Alangan iyakan diba? Para naman akong shunga pag ganun. At oy mga bakla! Nag-away pa nga kami! Muntik ko na siyang isumbong sa pulis kapag hindi niya ako sinamahan ngayon sa ginagawa kong pagsasaliksik.

Napakadami kong sinabi sa kutong lupang lalaking 'yun para mapapayag siya. Gusto ata akong paluhurin sa harap niya. Aba't hindi pwede! Ang kapal naman ng apog niya kapag ganun! Nevaaaahh!

Mabuti naman dahil napapayag ko siya. Isang araw lang naman eh. Nagawa pa niyang mag inarte. Yun nga lang napakatigas ng bungo niya. Ilang beses ba inire ng nanay niya ang lalaking 'yun? Kumukulot bangs ko sa pinaggagawa niya eh.

Bandang hapon ko naisipang gawin ang proyekto ko. At eto kami ngayon,balik sa una. Sana naman gumana na 'to. Tatanggalan ko talaga ng buhok sa singit ang lalaking 'yan pag hindi! Argh!

At kung tinatanong niyo kung paano ko nalaman ang pangalan niya,aba paano namang hindi?! Ex-crush ko kaya ang gag*ng 'yan. Mga teh, di kami tinadhana kung yan na naman ang iniisip niyo,sadyang ang panget niya lang talaga. Mga echoserang 'to! Kung ano iniisip! Tanggalan ko kaya kayo ng buhok sa singit?!

1,2,3 action!

"Ang pag-ibig parang isang joker. Bakit? Di ko alam. Chos! Para siyang joker kasi paiba-iba ng klase. Mayroong seryoso meron ding hindi. *thumbs up* (ting!)"

"Hello everyone! This is Amber101. And for this video,aalamin natin ang iba't ibang klase ng joker.J-O-K-E-R. Palabiro. Joker. HAHAHA!"

"And yes! Di na natin patatagalin 'to! Umpisahan na ang botohan! Charot! Bwahaha. Here's, TYPE OF JOKERS!"

Sinenyasan ko si Cooper na ihinto muna yung video recording. Jusko mga dai,nauhaw ako dun ah.

"Matagal pa ba matapos 'to Amber? Bukas na ang alis ko." Kunot noong tanong niya. Para siyang bruha. Kung makatingin para naman akong papatayin.

"Malamang Cooper panget! Kakasimula pa nga lang diba? Jusko naman,may alzheimer's ka na ba?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus nagsimula na ulit kami. Inikutan pa ako ng mata. Tsh! Aba,di lang ata siya ang may gustong matapos 'to! Feeling naman niya.

"Number 1! The Corny Joker! ito yung mga nagbibiro na matatawa ka na lang sa kamaisan. May-ari ata ng hacienda ang mga joker na iteyy. In English, meh! Corny mo koya! Kadalasan umaandar ang pagiging corny ng tao kapag---inlove daw. Kung ano-anong pinagsasabing kacornihan. Jusko ambabata pa eh,landi landi na agad. Meged. Sarap patayin ano? Chos. Totoo yan,mwahahaha."

Kabaliwang Hindi Ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon