Playboy

35 1 0
                                    

Firstday of school. At first day din ng napaka samang araw ko dito sa pilipinas dahil sa kupal nalalaking bumanga sakin kanina. Nakaka-letche. Di manlang nag Sorry..
Buti nalang at may dala akong tissue para sa kamay kong sumalo sakin sa daanan. Sariling sikap ika ngaa.

Dahil sa madumi kong kamay, napag-isipan ko munang pumunta sa Restroom ng fastfood para maghugas. Tutal di pa naman ako late.

Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso na agad ako sa clase ko.

Pagpasok ko, asusual wala akong kakilala. Kakalipat ko lang naman kasi sa school na to ee. Galing akong Canada, bakasyon lang ako umuuwi ng pilipinas dahil dun ako nag-aaral. Nandun na rin kasi buhay nila Mommy, dahil nandun yung trabaho nila.

Kung tinatanong nyo kung mayaman ba ko? Unfortunately NO.
Kaya kami nakatira sa Canada dahil OFW si Daddy. Dun sya natanggap kaya after 3years inasikaso na nya yung papeles namin para makuha na nya kami ni mommy. 4 apat kaming magkakapatid. Although ako yung bunso kaya ako lang yung nakuha ni Daddy. Malaki na kasi sila kuya Jiron.

Kaya ako umuwi ng pilipinas dahil wala na silang pampa-aral sakin. Si Ate Monic yung panganay kong kapatid ee nakapangasawa na agad. So hindi nakapagtapos. Si Kuya Lester? Ayun. Adik sa babae. Playboy si Letche.. Pangalawa kong kapatid. Tapos si Kuya Jiron. Ok naman, sya yung pinaka close ko sa lahat. Kaming dalawa nalang kasi yung nag-aaral. Si kuya Lester graduate na, kaya ayun nakikipag-laro nalang sa babae.

Nakikitira ako ngayon kay ate Monic. Sa condo nila ni kuya Vince. Yung asawa nya. Mabait naman si kuya Vince, mayaman, gwapo, matangakad na maputi. Man of my dreams ko nga ee. Kaso na kay ate na. Close din sila ni mama at papa, pati ng dalawa kong kuya. Kaya ayun. Nung nabuntis ni kuya Vince si ate. Pumayag nalang sila papa. Mabait naman daw si kuya eee at gusto din ng pamilya ni kuya Vince si ate.

*back to reality.

Nasa tapat na ako ng napaka laking school na papasukan ko ang 'Brench High Academy' sabi ni ate dito daw grumaduate si kuya Vince kasi maganda yung teachingskill nila dito. Private. Oo private. Pero si Kuya Vince yung nagbabayad ng Tuition ko.

Ang laki. Ang ganda. Ang linis. Perfect lahat. Ultimo mga student nila ang gaganda at ang gwa-gwapo. Naligaw ata ako na school ee.

Pumasok na ako at dumiretso sa room ko. Bago ako pumasok sa pinto, huminga muna ako ng malalim. Pag pasok ko, nandun na yung ibang mga classmate ko. Nakuha ko yung atensyon ng iba.

'Ganda tol oh. Sakto. Classmate natin'- sabi nung classmate kong lalaki nung napatingin ako sa kanya habang nakatingin sya sakin.

'Baliw. Pa-score-in nyo muna si Yzan'- sabi naman nungn isa. Sabay tawanan nila.

Di ko nalang muna pinansin at umupo ako dun sa bakanteng upuan bandang kaliwa sa likod.

10 minutes nakong nakaupo ng biglang dumating yung prof. namin.
Si Mr. Marasigan.

'GoodMorning Class'-sir.

'GoodMorning sii--'

'I'M SORRY. I'M LATE.'-Naputol kami sa pagsasalita ng biglang nagsalita ang isang lalaking nakayuko sa tapt ng pintuan.

'Oh. It's OK. Go get your seat'-sabi ni Sir.

Naglakd na yung lalaki papunta sa likod na upuan ko.

'Hoy Yzan. Letche bro. Late ka nanaman, kahit kailan talaga di ka nagbabago'-sabi nung lalaking kasama nung nakatitiganko kanina. Nagsitawanan naman sila.

Napatingin ako sa kanila sa sobrang lakas ng tawanan nila at napatingin ako dun sa lalaki kanina. Pamilyar sya ee. Di ko makita yung mukha. Napaka misteryo naman nitong lalaking to.

Playboy ~ one shot storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon