Ako si Miko... Hindi ako kagaya ng ibang bata nung maliit pa ko. Nung bata pa kasi ako, sakitin ako, kaya madalas sa bahay lang ako. Noong 5 years old na ako, lumipat kami ng parents ko sa isang village, sa Quezon. Nung una ayaw ko pa dun, pero nung tumagal na, nasanay na rin ako.
Minsan, na bored ako sa bahay namin. Kaya yun, naisipan kong lumabas saglit, pinayagan naman ako ni mama, kasi sabi ko pupunta lang ako sa park, malapit lang naman yun kaya pinayagan ako. May malapit na bahay sa park na yun, parang walang nakatira, kaya di ko na lang pinansin. Edi nag-swing muna ako saglit dun sa park, nung na-bored na ako, naisipan ko nang umuwi, wala kasing ibang nandun eh, nung lumalakad na ako, may narinig akong tunog, hinanap ko kung saan nanggaling yung tunog, dun pala sa bahay na parang walang nakatira. Edi pumuna ako dun, tapos pinakinggan ko pa ng maigi yung tunog, piano medley pala yung narinig ko. Natandaan ko naman agad yung tunog, di nga naalis sa isip ko eh, dahil gusto kong makita kung sino ang tumutugtog nung piano medley, dumungaw ako sa bintana kung saan pinaka-malakas yung tunog nung piano. Pag-sulyap ko dun sa bintana nung bahay, may nakita akong batang babae, kasing edad ko lang yata siya. Napansin ako nung batang babae, tapos, tinigil niya ang pag-pindot dun sa piano at nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya, pagkatapos nun, umuwi na ako, hindi ko maalis sa utak ko yung ngiti nung batang babae, di rin maalis sa isip ko yung piano medley.
After a year, pumunta na kami ng parents ko sa USA. Mas maayos kasi ang mga gamit nila dun, mas bibilis daw ang pag-galing ko sa mga karamdaman ko. Kahit na pumunta na ako ng USA, di pa rin naalis sa isip ko yung batang babae.
Lumipas ang 10 years, balik Pinas ulit ako, yung mga sakit ko naman, nawala na, malakas na ang katawan ko ngayon, kaya medyo nagagawa ko na ang mga gusto kong gawin. Pag-balik namin dun sa bahay namin sa Quezon, dali-dali akong pumunta dun sa park, pero laking gulat ko na lamang nung dumaing ako dun. Yung bahay kung saan ko nakita yung batang babae nun, napag-iwanan na ng panahon. Nagtanung-tanong ako sa mga dumadaan na tao dun kung nasaan na ang mga nakaira sa bahay, yung iba kong pinag-tanungan, hindi daw alam kung ano na ang nangyari sa mga nakatira dun, yung iba naman ang sabi nila nag-abroad na daw yung mga nakatira dun. Nalungkot ako bigla, di ko na kasi makikita yung babae nun, kumusta na kaya siya?
Sa sobrang lungkot ko, naisipan kong sumulyap ulit dun sa bintana noon, pag-tingin ko, naalala ko bigla yung medley na tinutugtog nnung babae nun, naalala ko rin nung nginitian niya ako. Nakita ko yung piano dun sa kwarto na sinulyapan ko, sa di ko malamang dahilan, naisipan kong pumasok dun sa bahay. Buti na lang nandun yung nagbabantay nung bahay, kaya yun, nagpaalam ako sa kanya kung pwede bang pumasok, pumayag naman siya. Pagka-pasok ko, dumiretso agad ako dun sa kwarto kung nasaan yung piano, di naman ako naligaw. Sinubukan kong tugtugin yung piano, nagkapag-aral ako sa USA ng Muical Arts, kaya alam kong kalikutin yung piano, sinubukan kong tugtugin yung medley na narinig ko nun, tumama naman yung mga nota ko. Pero, nanghinayang ako bigla, yung piano kasi, ang ayos pa, iniwanan lang nila ng ganun-ganon na lamang.
Araw-araw akong bumibisita dun sa bahay, nananalangin na bumalik na yung mga nakatira dun, na makita ko ulit yung babae noon. Pero, di dumating yung araw na yun, di na sila bumalik sa bahay na yun, nawalan na rin ako ng pag-asa na babalik pa sila, kasi pinagiba na yung bahay, may naka bili na daw kasi nung lupa, yung piano naman naibenta na daw sa isang shop sa may Pasay.
27 na ako ngayon, may asawa at anak na rin ako. Ang pangalan ng asawa ko ay Lyn. Nakilala ko si Lyn nung bumalik kami ulit sa USA, nakaklase ko siya sa Musical School, naging malapit kami sa isa't-isa dahil pareho kaming Pilipino, tulad ko, mahilig din siyang mag-piano. Tapos, nanligaw ako sa kanya, sinagot naman niya ako, hindi ko inasahang tatagal ang relasyon namin, hanggang sa, tapos na kaming pareho sa pag-aaral at may mga matino ng trabaho, naisipan na naming magpa-kasal. Mahal na mahal ko si Lyn. Pero di ko pa rin malimutan yung batang babae na nakita ko nun, siguro, totoo nga ang kasabihan na "First Love Never Dies". Ni minsan di ako tumigil sa pag-hiling na makita ko ulit yung babaeng yun, kahit na may pamilya na ako ngayon, gusto ko pa rin siyang makilala, di kasi ako nabigyan ng chance nun, di kasi ako nag-salita.
Minsan, birthday ni Calvin, yung anak ko, naisipan ko siyang regaluhan ng electric keyboard para sa 5th birthday niya. Lagi kasi niya kaming naririnig ng mama niya na nagpi-piano kaya yun, nakahiligan na rin niya ang pag-pipiano, at isa pa, maaga ko rin siyang naturuan na mag-piano, kaya naman nung naipakita ko na sa kanya yung piano, tuwang-tuwa siya.
Isang araw, umalis si Lyn, si Calvin naman nasa school pa, ako, nasa bahay lang kasi nilagnat ako, kaya lumiban muna ako sa trabaho ko. Naisipan ko na lang bigla na tugtugin yung medley na narinig ko nung bata pa ako. Memoryado ko pa rin ito kahit ilang taon na ang lumipas, nakatatak na kasi ito sa puso ko. Habang tinutugtog ko ito, di ko narinid na bumukas ang pintuan, nagulat na lamang ako nung may biglang yumakap sa likod ko, si Lyn pala naka-uwi na galing sa pinuntahan niya. Tapos inalis niya ang yakap sa akin at umupo siya sa tabi ko. Tapos tinanong niya ako.
"Bakit alam mo yung medley na yun?" -L
Kinuwento ko sa kanya ang lahat, kung bakit alam ko yung medley na yun, at kung sino ang first love ko. Tapos bila niya kong niyakap ulit. At may binulong siya sakin.
"Nahanap din kita." -L
Nagulat ako sa sinabi niyang yun, pero, alam ko na ang ibig sabihin nun. Si Lyn, ang asawa ko, ay ang babaeng minahal ko na noon pa. At masaya ako, dahil ang babaeng pinapangarap kong makita at makilala noon pa ay nasa tabi ko lang pala. Siya pala yung babae na nagpi-piano noon. Ang babaeng una kong minahal. Ang first love ko.
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
"Ang Piano" -A Story Of First Love-
RomanceFirst Love Never Dies, bahala kayo kung maniniwala kayo dito, basta ako hindi. JOKE! naniniwala ako dito :D Enjoy reading my short story (short story daw)