Gusto kita sobra!hindi ko lang masabi sa yo ang nararamdaman ko. Yan ang mga katagang nasa isip ko habang nakatingin ako sa kaibigan kung si Jeff. Si Jeff ay kasamahan ko sa trabaho dito sa Cebu, matangkad, maputi, tantalizing eyes, maganda ang katawan, hawig na hawig niya si Dominique Roque,lalaking lalaki sobrang taas ng sex appeal kaso nga lang engage na sa long time GF niyang si Matilda. Hindi ko mawari sa isip ko kung bakit ko siya nagustuhan, hindi naman siya yung ideal guy ko at kaibigan ko pa. Pero sabi nga sa kanta " KAPAG TUMIBOK ANG PUSO, WALA KA NG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO" kaso natatakot akong umamin kasi ayoko masira ang pag kakaibigan namin, kaya minahal ko na lang siya sa tago.
Ako nga pala si Cris isang beki simple, cute, petite seductive ang mga mata( sabi ng mga kaibigan ko hahahah!) at hindi ko pinapahalata na isa akong beki loner at nerd, pero hindi naman papatalo sa hitsura. Cris yosi muna tayo, inaantok na ako,sabi niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Jeff since highschool pa at lagi kaming magkasama sa inuman, galaan at kahit anong kabulastugan kaya nagkakasundo kami sa maraming bagay. Alam naman ni Jeff na isa akong beki tanggap naman niya ako at ang hindi niya alam ay minamahal ko siya sa tago. Isang araw nakita kung malungkot siya at parang wala sa sarili, kaya tinanong ko siya kung anong nangyari pero ang sabi niya "wala ok lang ako gusto ko lang muna mapag isa. Kaya hinayaan ko na lang muna siya baka kailangan niya talaga mapag isa. Pero ilang araw ang lumipas ng namalayan ko na lagi siyang absent sa trabaho kaya nag aalala na ako. Jeff anong problema bakit lagi kang absent hinahanap kana ng manager natin, Pasensya na Cris ha, may pinagdadaanan lang ako ngayon ika niya. Pwede mo naman akong pagsabihan ng problema mo at makikinig ako sabi ko.
Doon ko nalaman na yung fiancé niya ay sumama sa isang Matandang Mayaman na Australyano, plano na sana nila magpakasal sa susunod na taon, pero matagal na pala siyang niloloko ni Matilda. Naawa ako sa kaibigan ko kasi ang tagal na niyang pinaghandaan ang araw ng kanilang kasal.
Cris samahan mo ako mamaya pagkatapos ng shift natin, day off naman bukas eh, huh? Bakit saan tayo? Tugon ko. Samahan mo ako, gusto ko lang makalimot sandali sa nararamdaman ko. Kaya bilang kaibigan sinamahan ko na lang si Jeff kahit sobrang pagod ako ako sa trabaho. Pumunta kami sa isang acoustic bar dito sa Cebu. Umorder muna kami ng 1 bucket ng beer. Tagayan, biruan at kantahan ng gabing yun. Doon ko nakitang masaya ulit ang kaibigan ko. Cris tagay pa sige pa! Marami pang darating na order hahahah! Hanggang sa dumami ng dumani ang order ni Jeff, lasing na lasing na lasing na ako halos mawala na ako sa ulirat ko. Hindi na ako gaano makalakad
Ano ba naman yan Cris, lagi na tayong nag iinuman dati ngayon kapa na lasing? Hahahahah. Tawa siya ng tawa habang naka alalay sa aking paglalakad. Tado mo! Wala ako sa kondisyon ngayon humanda ka sa susunod! Sinamahan niya ako maka uwi sa apartment ko at dun na ako nawala sa ulirat ko.Pag gising ko sa umaga sobrang sakit ng ulo ko dahil may hangover pa ako kagabi at nakita ko si Jeff natutulog sa sofa at naka boxers lang kami pareho. Tang ina anong nangyari kagabi, teka may nangyari ba sa amin? Sabi ng isip ko. Ang daming tanong na nasa isip ko nung umagang yun kaya Dumiritso ako sa kusina para mag kape, binalewala ko muna ang mga tanong na nasa isip ko kasi sobrang sakit ng ulo ko. At hindi ko na ginising si Jeff kasi sobrang himbing ng tulog niya.
Good Morning Princess!!! Nagulat ako sa sinabi niya. Tado! Anong princess suntunkin ko yang mukha mo. Magkape ka na lang para mawala yang hangover mo, sabi ko. Pagkatapos naming magkape ay tinanong ko siya. Jeff anong nangyari kagabi? Hindi niya ako sinagot at tumawa lang siya ng tumawa at may nakakakilabot ng tingin. Kinulit ko siya ng kinulit pero ayaw niyang sabihin ang nangyari, kahit naiinis ako hinayaan ko na lang.
alis na ako PRINCESS! Ha kita tayo mamaya tagay ulit tayo, ingats! Mwahhhh! paalam niya. Nahihiwagaan ako at kinilig sa mga kataga niya. Bakit niya ako tinatawag na Princess at iba ang awra niya ngayong umaga parang wala siyang pinagdadaanan. OMG! Baka nasabi ko sa kanya na gustong gusto ko siya? Tang ina ka Cris sobrang landi mo, yan ang nasa isip ko. Pero bakit iba ang reaksyon niya? Inisip ko na lang na baka nagkabalikan na sila ni Matilda. Good for him kung ganun at least hindi na maapektuhan ang trabaho niya. Masaya ang kaibigan ko, masaya na rin ako. Pero pag dating ko sa trabaho namin......