Chapter II

19 0 0
                                    

Pero pag dating ko trabaho namin, nakita ko si Jeff nag aantay sa elevator at naka smile sa akin. Hi Princess kamusta ang tulog mo? Wala ka na bang hang over? Sabi niya. Tado mo bakit mo ba ako tinatawag na Princess ha? Gusto mo suntukan?
Wow ha, marunong kang makipagsuntukan? Sige nga suntukin mo ako sa mukha. Ika niya. Naiinis ako at kinilig sa pag tawag niya ng Princess sa akin. Naiinis ako kasi ayokong malaman ng ibang tao may gusto ako sa kanya, nahihiya ako tuksuhin at wala pa akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. Kinikilig ako kasi feeling ko babaeng babae ako. Uie Cris mamaya kain tayo sa labas treat ko. Aya niya, wow anong meron ngayon? Bakit parang masaya kana ulit? May magandang balita kaba na hindi sinasabi sa akin? Tanong ko.
Hindi na siya nag salita pa. Patuloy kami sa trabaho namin. Hanggang dumating ang lunch.
Cris tara dun tayo sa Mcdonalds mag lunch. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. At pansin ko talaga na parang sumaya na siya pag katapos ng gabing nag inuman kami, kaya natanong ko sarili ko ano kaya ang nangyari nung gabing yun. Tinanong ko siya ulit kung anong nangyari kasi wala talaga akong maalala. Pero hindi niya ako sinasagot at nakatingin lang sa akin. Jeff? Nagkabalikan na ba kayo ni Matilda? Kasi ang saya mo ngayon iba ka last week.
Tanong ko. Alam mo Cris wala na talaga kami ni Matilda at tanggap ko na, na hindi na kami magkakabalikan, masaya lang ako kasi naka move on na ako sa kanya at naiisip ko na dapat wag kung sayangin ang mga masasayang bagay na dumarating sa akin, sagot niya. Pero naguguluhan parin ako kasi bakit iba ang awra niya at bakit Princess tawag niya sa akin. Hindi niya ako sinasagot pag yun na ang mga tanong ko.

Uie Cris may team building tayo this weekend sama tayo ha, aasahan kita, sabi ni Brix. Si Brix ang ka team ko. Matangkad, matipuno, maganda ang mga muscles, makinis at hawig na hawig niya si Marlon Stockinger, habulin ng mga babae at beki sa building namin, matalino, mabait, lahat na ata ng katangian ng ideal na lalaki nasa kanya, kaya di malabo na walang magkakagusto sa kanya. Sure sama ako, basta libre mo ako ng pamasahe hahahahah, sagot ko. Pagkatapos ng trabaho uuwi na sana ako at nag aabang ng jeep ng may biglang humila ng braso ko. Mamaya kana umuwi samahan mo muna ako sandali sabi ni Jeff. Hindi muna ako iinum ngayon Jeff pagod pa ako next week na lang pwede ba? Wag lang ngayon, sagot ko. Hindi naman tayo iinum mag pupuntahan lang tayo sandali tapos hatid na kita pauwi. Sumang-ayon ako sa kaibigan ko. Habang nasa loob kami ng sasakyan niya, tahimik lang siya at wala akong ideya kung saan kami pupunta. Nang nakarating kami dun ko nalaman sa TOPS LOOK OUT kami,

first time ko sa lugar na ito kaya sobrang saya ko nung gabing yun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

first time ko sa lugar na ito kaya sobrang saya ko nung gabing yun. At tinanong ko si Jeff kung bakit kami andito. Dito ko dinala si Matilda dati at dito rin ako nag propose sa kanya, itong lugar na ito ang saksi sa kaligayahan ko nung nag YES si Matilda sa akin, hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na ito. Dito ko dinala ang pinakamamahal kung tao sa buhay ko, sabi niya. Nalungkot ako sa sinabi niya kasi parang hindi pa talaga naka move on ang kaibigan ko pero iba ang reaksyon niya, masaya siya at hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya. Gusto mong malaman kung ano ang nangyari nung gabing yun diba? Tanong niya. Lumiwanag ang mukha ko kasi gustong gusto ko malaman ang nangyari.
Lasing na lasing ka nun pag uwi, suka ka ng suka sa daan, pag dating sa apartment mo suka ka pa rin ng suka. Kaya di kita maiwanan, sabi niya. Kaya tinanggal ko ang damit mo at pinunasan kita ng maaligamgam na tubig para kahit papaano mawala ang tama ng beer sayo. Dugtong niya. Nahiya ako sa mga sinabi niya parang ayoko ng ipagpatuloy ang ibang nangyari pero nagsalita pa siya. Habang pinupunasan kita, nagsasalita ka. Ang sabi mo sa akin, na mahal na mahal mo ako, paulit ulit yun hanggang sa nakatulog ka na nang mahimbing, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung gabing yun, hindi ako sigurado kung totoo ba yun o dala lang ng kalasingan, ika nga nila " IN WINE THERE IS TRUTH" sabi niya sa akin.
Natameme ako sa mga sinabi niya hindi ako makapaniwala, lutang ang isip ko sa nga katagang pinagsasabi niya. Ayoko kung masira ang pagkakaibigan namin. Ayoko kung itakwil niya ako. Halo halo ang nararamdaman ko sa mga sinabi niya, aalis na sana ako sa sobrang hiya pero pinigilan niya ako. Oh saan ka pupunta? Hindi pa nga ako tapos mag kwento, akala ko ba gusto mong malaman ang nangyari? Bakit aalis ka agad? Tanong niya. Jeff sorry sa mga sinabi ko, lasing lang ako nun, wag mong isipin yun dala lang yun ng tama ng beer, pasensya talaga, sagot ko sa kanya. Lasing? Talaga? Bakit mo nasabi ang mga katagang yun? Ibig sabihin mahal mo talaga ako? Kasi hindi mo naman sasabihin yun kung hindi totoo diba? Ngayon mo sabihin sa akin na mahal mo ako para malaman ko kung totoo ba o hindi, utos niya. Nahihiya na ako at naiiyak gusto ko nang lamunin ako ng lupa.
Oo Jeff mahal na mahal kita dati pa, pero tinago ko ang nararamdaman ko dahil ikakasal kana at ayaw na ayaw kung masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa punyetang pag ibig na nararamdaman ko para sayo, masaya na ako na makita kang masaya, sapat na sa akin yun, pasensya kung nalaman mo na mahal kita, hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ko sayo, sapat na sa akin ng mahalin kita sa tago, ang sagot ko. Akma na sana siyang sasagot pero umalis na ako ng tuluyan dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Hindi na niya ako sinundan. Pag uwi ko sa apartment hindi ako diritso nakatulog sa dami ng iniisip ko. Hindi ko siya kayang harapin, nahihiya ako feeling ko traydor ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Sorry Jeff sorry talaga,bakit sa lahat ng tao sa kaibigan ko pa ako nagkagusto? Bakit siya pa? Punyeta ka naman kupido bakit siya ang pinana mo para sa akin, pwede namang iba or si Brix na lang kaya, si Jeff pa talaga?  ika ko sa sarili ko. Hanggang sa nakatulog na ako.

Ang daming text at miscalls ang nakita ko sa cellphone ko lahat kay Jeff,hindi na muna ako nag reply hinayaan ko muna,papasok na ako sa trabaho nakita ko si Jeff hinahabol niya ang elevator......

Why HimWhere stories live. Discover now