SUICIDE - One Shot

58 3 0
                                    

SUICIDE
By: Ysh Caño Pangilinan

First day of school. Kabado, nanginginig at balisa akong naglalakad patungo sa klase ko.

Wala pang limang minuto ng makarating ako sa classroom. Mula sa blackboard nakita ko ang salitang SUICIDE.

Naglakad ako patungo sa likod ng aming room at umupo.

"Since late ka Ms. Trinidad. Kindly explain or give your opinion about suicide." Sambit ng aming professor.

Nagtungo ako sa harap lahat sila nakatingin. Lahat sila nagtataka. Lahat sila ay tinitigan ko sa mga mata. Kabado man ay pilit kong ikinalma ang sarili ko.

Nagsimula na akong magsalita.

"Suicide, pitong letra isang salita. Mahirap paniwalaan pero nagagawa ito ng iba. Sa paanong paraan?"

Isinulat ko ang salitang, PROBLEMA.

Nagbulong bulungan ang iba. "Oo problema, hindi nila kinaya ang problema. Madami klaseng problema. Maaaring sa pamilya, karelasyon, sa sarili at sa kaibigan."

Mula sa harap ko ay tumayo ang kaklase ko.
"Lahat naman ng tao nakakaranasan ng problema ah. Bakit nila kailangan gawin yun? Napakababaw."

Ngumiti ako at muling nagsalita. "Hindi ito napakababaw. Oo lahat ng tao nakakaranas ng problema pero hindi lahat ng ito madali. Hindi lahat mabibigyan mo ng sulusyon."

Sa pagpapatuloy ko sa pagpapaliwanag napansin ko ang professor kong nakatitig sakin.

Sa muling pagpapatuloy ko isinulat ko ang salitang RAPE at pinagmasdan ko silang lahat. Nakita kong pawisan na din ang professor ko.

"Rape, hindi natin sila masisisi kung bakit nila nagawa yun. Mabigat na problema ang rape. Pinagsamantalahan ng walang kalaban laban. Binaboy, mahirap ito." Banggit ko.

Mula sa likod nagtanong ang professor ko.
"Bakit hindi sila magsumbong sa awtoridad."

Napangiti ulit ako at tinitigan sya.

"Paano ka lalaban kung binantaan ka na papatayin ang pamilya mo kapag nagsumbong ka?"

Naiwang nakatunganga ang professor ko.

Sa huling salitang isusulat ko ay unti unting nanginig ang kamay ko. PANGHUHUSGA.

Muli ay nagbulungan sila.

"Nais kong ibahagi ang kwento ni Krisha. Isa syang simpleng babae. Matalino at hinahangaan ng iba. Top student at kilala sa pagiging magiliw. Isang araw bigla na lang sya nawala. Hinanap sya ngunit ni magulang nya hindi alam ang nangyari sakanya." Sambit ko. "Alam nyo ba kung anong nangyari sakanya?" Tanong ko.

Gulong gulong ang mga kaklase ko.

"Makalipas ang dalawang buwan ay bumalik sya. Ngunit buntis na sya. Lahat ng tao hinusgahan sya. Ang iilan ay sinasaktan pa sya. Sinabihan syang malandi. Nasa loob ang kulo. Dahil doon nagawa nyang saktan ang sarili nya. Naglaslas sya. Hindi nya na naisip ang nasa sinapupunan nya" Dagdag ko.

Dahil sa panghuhusga ng tao. Nagagawa ng iba ang magpakamatay. Oo sila mismo ang pumapatay sa kapwa nila tao hindi man direkta pero sila ang dahilan.

"Napakahina nya. Dahil lang sa panghuhusga nagpakamatay sya?" Sambit ng kaklase kong babae.

Napangiti ako at naglakad sakanya.

"Nirape sya. Kaya sya hindi nagpakita ng dalawang buwan dahil nirape sya. Hinusgahan sya ng hindi alam ang dahilan. Hinusgahan sya ng karamihan na hindi naman alam lahat ang pangyayari." Sambit ko.

Bago ko tapusin ko ang pagpapaliwang ko tinignan ko ang professor ko.

Dahil sa paghuhusga ng hindi nila alam ang dahilan hindi nila alam natatapakan nila ang dignidad ng tao at pinapatay nila ang pagkatao nito.

Ngumiti ako sakanilang lahat.
Btw "I'm Krisha Trinidad" at binuksan ko ang cellphone ko nakita ko mukha ng anak ko.

Mula sa likod tinitigan ko ang professor ko. Ang taong gumahasa sakin. Malamang di nya ako nakilala dahil sa naka drugs sya ng panahong gahasain nya ako. Pero ako hinding hindi ko sya makakalimutan.

Nag-ring na ang bell at lumabas na kami ng klase.

SUICIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon