Prologue
“Papa...”
Nasa sala kami ngayon at kaharap ang mama at papa ko.
“Bakit Raffy? At sino tong kasama mo?”
Kinakabahan ako, paano ko ba sasabihin?
“Sir, ako po ang boyfriend ng anak niyo.” tinignan ko siya at tinignan niya lang din ako.
Napakunot ang noo ni Papa. Mukhang hindi magandang plano tong ginawa namin.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Papa
“Rafael John Enriquez po.” sabi ni Raf kay Papa.
Tinignan naman ako ni Papa medyo hindi na maganda ang aura niya.
“Raffy, totoo ba na boyfriend mo siya?!” sabi ni Papa na medyo tumaas ang tono ng pananalita.
Hindi ako makapagsalita, natatakot ako. Ano ba kasi tong napasukan ko? Bakit ba ako nag-agree sa planong to?!
Biglang hinigpitan ni Raf ang pagakakahawak niya sa kamay ko.
“Opo...” napayuko na lang ako parang hindi ko kaya tignan yung reaksyon ni Papa.
“Raffy bakit ngayon mo lang sinabi to ha?! Alam mo naman na nai-arranged marriage ka na namin...” dismayang sinabi ni Papa.
“Sorry Papa kaya ko lang nasabi sa inyo ito dahil...” tinignan ko si Raf at tumingin din siya na para bang sinasabi niya sa akin na magpalusot ako. “... natatakot ako na hindi niyo kami tanggapin.” oo alam ko parang walang kwenta palusot ko kasi di naman ako sanay magsinungaling sa parents ko.
“Anak, kung sinabi mo na sa amin na boyfriend ka na sana hindi ka na namin in-arranged marriage.” sabi ni Mama, si Mama tutol siya sa arranged marriage na yan dahil gusto niya na magingmasaya ako kung sino man mamahalin ko kaso hindi siya makatanggi dahil si Papa ang masusunod.
“Hindi rin! Dahil mas makakabuti kung kay Edward siya mapupunta.” kontra ni Papa
“Mahal hayaan mo ang anak natin. Kung masaya siya sa boyfriend niya tanggapin na lang natin.” sabi ni Mama kay Papa pero mukhang ayaw ni Papa.
Tahimik lang kaming dalawa dahil mukhang failed ang plano namin.
“Mahal niyo ba ang isa't-isa?!” biglang tanong ni Papa.
Ayoko mang sabihin to pero kailangan...Hay.
“Opo!” sabi naming dalawa
“Sige kung mahal niyo ang isa't isa...magpapakasal kayo!”
“Po?!” sabay pa kami
Nabingi ba ako o talagang sinabi yun ni Papa?
“Oh? Bakit? Mahal niyo ang isa't isa di ba? O iyan na Raffy sa kanya kita ipapakasal.”
Patay?! Hindi naman kasali sa plano to eh!
“Tawagan mo ang magulang mo para mapag-usapan namin ang kasal niyo.” utos ni Papa kay Raf.
Double kill! Hindi pa alam ng parents ni Raf ang 'relationshipnamin. Hmmp! Paano na yan?
“O-opo...” sagot ni Raf habang nag-dada-dial, napatingin ako sa kanya na 'bakit-ka-pumayag-hindi-pa-alam-ng-parents-mo look.
Tinawagan na ni Raf ang parents niya at kita sa mukha niya ang takot kaya natatakot na rin ako.
Eto na to! Kailangan naming panindigan to... kahit wala sa plano.
BINABASA MO ANG
The Unplanned Marriage [ ON HOLD and EDITING ]
RomanceMaria Serafica Armida at Rafael John Enriquez ay kilalang magkaaway pero sa isang sitwasyon na gusto nilang takasan ay nagkaroon sila ng plano na magpanggap bilang magkarelasyon. Pero sa hindi nila inaasahan na pangyayari na kung saan mag-lelevel up...