Opposites Attract - Episode 18 - Jealous?

2.1K 57 9
                                    

A/N Gusto kong sumigaw pero di ko magawa...haist...wala lang emotera lang ako these past few days...hahhaha...wala na kong maisip na pwedeng pampakalma sa mga nerves ko...

may books ba kayo na pwede i-recommend o di kaya story dito sa wattpad...gusto ko may pagkabalahan tong utak ko eh..kelangan ko ng inspiration...!!!!!

Pero bago yun eto na muna ang update!

ENJOY!

___________________________________________________________________

<XANDER's POV>

Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Tin....akala ko kung hindi ko siya makikita mawawala na 'tong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya...pero ano 'to habang tumatagal na hindi ko siya nkikita at nakakausap mas lalo ko yata siyang naiisip? Nakakainis na huh?! Imbes na andito ako at sinusubsob ang sarili ko sa trabaho eto ako ngayon naiisip na naman siya...ano na ba ang nagyayari sa'yo X? Kelan ka pa naging ganyan kahibang sa isang babae. 

Kahit naman nuon kay Hanna hindi ako naging ganito pero bakit pagdating kay Tin hindi yata dumadaan ang araw na hindi ko siya naiisip...na hindi nakukumpleto ang araw ko pag di ko siya nakikita...na hindi siya ang laman ng utak ko bago ako matulog at pagkagising ko sa umaga. Am I losing my mind? 

Habang pilit kong hindi siya isipin mas lalo ko lamang pinapahirapan ang sarili ko...pagod na kong tumakbo sa nararamdaman ko...I might as well face this attraction and get it over with...kung saan man to hahantong..bahala na si Batman...Alam ko naman maiiintindihan ako ni Hanna. 

Matagal na panahon din akong nagluksa...marami mang babae ang dumaan sa buhay ko alam ko sa sarili ko na si Hanna pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko..nagyon lang nagbago...para bang unti-unti nawawala na yung sakit ng pagkamatay niya at ng sana ay anghel namin...

Alam ko ito yung gusto niya ang magmahal ulit ako ng iba...ang buksan ko ulit ang puso ko para maging masaya...kaya ngayon susundin ko na kung ano ang isinisigaw ng puso ko and ngayon si Tin ang isinisigaw nito so to hell with the consequences...

Lumabas na ko ng office para sana yayain si Tin na makipag-lunch sa'kin pero wala na siya sa table niya. Oh well I guess dinner it is...I decided to just eat out alone baka pagbalik ko nakabalik na rin si Tin from her lunch out and this time hindi ko na siya ipagwawalangbahala. 

Pero ako ang nagulat pagbalik ko I saw her happily chatting with my nemesis...hindi ko napigilan ang bugso ng emosyon na pumaloob sa'kin ng mga oras na yun... 

"WHAT ARE YOU DOING HERE NATHAN?!" my anger real apparent in my voice. 

"O X, nandiyan ka na pala...kanina pa ko naghihintay kaya dito...buti na lang you have such hospitable and really efficient secretary...you of all people should know na hindi dapat pinaghihintay ang mga kliyente diba?" he said and ang gago nakuha pa talaga kong ngitian. Pinaglololoko ba ko nito? 

"Forgive my memory lapse Nathan pero wala kong natatandaan na naging kliyente ka namin." I said still gritting my teeth. If not for the place kanina pa nakahandusay ang pagmumukha ng lalaking to sa sahig eh! 

"Ano ka ba naman X, kliyente mo hindi mo man lang maalala? You made a deal with the Del Castillo Realties dba? I'm their representative. Oh, sorry hindi ba nasabi ni ninong sa'yo na ako ang maghahandle ng deal between your company and his company? Oh I guess ganyan na talaga ang tumatanda." he said still grinning na para bang friends kami at binabalita lang niya sa'kin ang ulat panahon. Tsk.

"Kung ganung kliyente kita can we now proceed with the business at hand. Hindi yang nakikipaglandian ka sa secretary ko. Can we go now in my office Mr. Dominguez?" I said gesturing my hands towards the office.

"Can you bring us coffee afterwards perhaps Tin...and one more thing you're not allowed to flirt with the client. It's against company policy." I said and painted a sarcastic grin in my face.

<NATHAN's POV>

Ang sarap talaga paglaruan nitong si X kahit kelan. Hindi ko naman talaga sinasadya yung mga nangyari kanina. It just happens na napaaga ako ng dating. Pagdating nila Tin at nung kasama niya alangan naman na deadmahin ko noh kaya naman nakipag-kwentuhan na muna ko. Hindi ko inaasahan na magagalit si X dahil dun. Oh well, kahit na magalit siya hindi ako titigil sa panliligaw sa gusto ko noh!

<KEISHA's POV>

Grabe ang haba lang ng hair ng bestfriend ko...pagkaguluhan ba naman daw ng dalawang papable and no less than the BOSS pa mismo ang nabingwit ng bruha.

Grabe lang ang sweet ng eksena kanina. Akalain mong seloso pala si Sir Xander? Nakikipagkwentuhan lang naman sa'min si Sir Nathan pero ganun na katindi yung reaksiyon niya. Grabe! Excited na tuloy ako sa mga susunod na pangyayari.

<TIN's POV>

Nakakagigil talaga nag walanghiyang lalaking yun. Ano ba ang tingin niya sa'kin pumapatol sa mga kliyente? The nerve! Akusahan ba naman ako? ANo ba talaga ang problema niya sa'kin? Humanda ka mamaya Xander...dahil pagkatapos ng meeting mo...

...MAGTUTUOS TAYO!!! HINDING HINDI MO NAKO MATATAKASAN NGAYON!!!

___________________________________________________________

A/N Hala ka Xander...hahahaha...

Oo nga pala hindi ko sure kung kailan ako makakapag-update ulit...siguro once a week na lang pag-weekdays at once naman pag-weekends...

Magsta-start na kasi ako with my new work and I need all the time I have para makapag-adjust kasi hindi siya yung trabaho na usual kong ginagawa...kailangan kong mag-focus talaga...ayoko ngang mapahiya...

Anyways..have a Happy Weekend...

P.S. may trabaho din pala ako ng Saturday kaya Sunday ko ita-try mag-update...

Love,

Princess_Yannie

Opposites Attract ~ Drunken Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon