♛ Gateway 1♛

55 3 1
                                    

**********************

Raegan's POV

I'm standing in front of the golden gates of Preston University. The top most prestigious school here in the Philippines. There are no more students wandering around the campus because class has already started and yet, here I am standing outside the gates. My head is aching due to the jetlag, and the trembling of my hands is not helping. Hayy buhay parang life, shet.

Maglilimang minuto na ako nakatayo sa labas ng university pero, hindi ko pa rin kayang igalaw ang mga paa ko. Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung wala akong maging kaibigan? wag naman sana. I was broken out of my reverie when I felt a hand touch my shoulder.

"Wala ka bang plano pumasok?" tanong ng lalaking matangkad at may maitim na buhok suot ang isang pilyong ngiti. Kung hindi ko lang toh kaibigan, binangasan ko na toh.

"Meron, wait lang." sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko sa noo

" Em- este Raegan, ganyan ba talaga ang hitsura na ipapakita mo sa university?" tanong naman ng isang lalaking matangkad rin at medyo brownish ang buhok habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Tiningnan ko naman ang sarili ko at medyo baduy nga dahil pang nerd ang dating. Isang t-shirt na may mga flower print at skirt na malapit ng umabot sa sahig. May suot pa akong fake braces, wig na brown ang kulay ng buhok at malaking eyeglasses dahil kunwari malabo ang mga mata ko. Parang nakakahiya nga pero wala eh nabili ko na atsaka para mas exciting. Hahaha!

"Oo, Sige na alis na kayo dahil papasok na rin ako." sabi ko with matching "shoo-shoo" sa kanila. Ngumiti nalang silang dalawa sa akin at tumango. Sumakay na sila sa kotse at humarurot paalis. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na papasok ng eskwelahan. Agad kong tinungo ang reception upang kumuha ng schedule.

******

First period ko ang History, twenty minutes na akong late pero hinanap ko pa rin ang room at pumasok. Bumungad sa akin ang isang matandang babae na nagdidiscuss sa front at ang mga tipikal na estudyante. May nagchichismisan, may natutulog, may nagsasound trip, may nagbabasa ng libro at may nakikinig sa professor. Nang masarado ko ang pinto ng malakas na hindi ko sinasadya ay napalingon sa akin ang buong klase pati na ang professor.

"Who are you?" tanong ng matandang prof.

"I am a new student ma'am" may galang na pagkakasagot ko.

"Oh. You may address me with Ms. Palmer or Professor Palmer. Introduce yourself here in front." sabi ni matandang prof.

Sinunod ko naman ang utos ni Prof. Palmer. Habang naglalakad ako papunta sa front, dinig ko ang kanilang pagtatawanan at may isang babae na sinadyang iharang ang paa sa gilid para pagdaan ko ay maghalikan kami ng sahig. Buti nalang at hindi ako stupida tulad ng babaeng yon, at iniwasan ko ang kanyang paa.

Nang makarating ako sa harapan, pinsadhan ko muna ng tingin ang buong klase at nagtaka dahil meron pang isang row ng upuan ang hindi nagagamit. Hindi ko na ito binigyang-pansin at binigyan sila ng malamig na tingin at nagsimula nang magpakilala sa kanila.

" Raegan Parker" Malamig kong saad. Tiningan naman ako ng Prof. na para bang nagtatanong kung may iba pa ba akong sasabihan. Pero tiningnan ko lang ito.

Nang maramdaman niyang wala siyang sagot na makukuha sa akin ay sinabihan niya nalang akong umupo sa bakanteng upuan sa likod ng klase.

"Eww! Nerd!" sigaw nung babaeng stupida sabay naman nagtawanan ang lahat.

"Look at her! She's so ugly. Yuck!" sabi nung babaeng mukhang gorilya. Pweh! Kay panget naman ng babaeng ito.

Mas lalong nagtawanan ang buong klase. Sumigaw naman si Prof. Palmer at sinabihan silang manahimik. Napatigil ang lahat sa pagtawa. Nagdiscuss ng sandali si Prof. at dinismiss na agad kami. Sabay non ang pag ring ng bell bilang hudyat na tapos na ang first period. Nauna ako sa kanila lumabas at pumunta sa locker upang magpalit ng libro. The day went by in a blur at sa wakas, last subject na.

Tiningnan ko ang schedule ko at Business Math ang last kong subject, finally. Agad kong tinungo ang room at nakitang konti pa lang ang tao. Umupo ako sa second to the last na row sa may tabi ng bintana. Tumingin ako sa labas at kitang-kita ang buong campus sa pwesto ko.

Napadako ang mata ko sa isang malaking puno nang makita ko ang biglang pagtago doon ng isang lalaking naka itim. Damn! Pati ba naman dito. Tsk.

Maya-maya marami ng mga studyante, nagintroduce muna at pagkatapos ay nagsimula na ring magdiscuss si Prof. Garcia.

Pinasadhan ko ng tingin ang buong klase at napansin kong mayroon ulit isang row na bakante. Binalewala ko nalang ito at tumingin nalang sa labas ng bintana. Alam ko na ang lahat na tinuturo ng Prof. kaya hindi muna ako makikinig atsaka pagod ako.

Sa gitna ng pagtuturo ni Prof. Garcia, pabalyang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang pitong gwapo -- no, gwapo is an understatement. They are the complete epitome of gods. But only one guy caught my attention.

He was standing there wearing a black v-neck shirt and jeans paired with rubbershoes. He was expressionless. His face was void of any emotion. Maybe because of the weight of my stare that he suddenly looked at my direction.

I froze when his piercing cerulean blue eyes met mine. His eyes are the kind you could get lost in. Umiwas na ako ng tingin dahil wala yata itong plano magpatalo.

"Why are the seven of you late?" Mahinahon na pagkakatanong ni Prof.

"Why do you care? You're not our father to monitor us. So shut the fuck up, and just do your job" singhal nung lalaking may highlights na blue ang buhok.

Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana at nagbingi-bingihan sa naganap sa klase. Narinig ko ang pagyabag ng mga paa papunta sa aking likod at naupo naman silang pito sa bakanteng row ng upuan.

Naramdaman kong patuloy akong tinitingnan ng lalaking iyon at para ako kinikilatis nito. Hindi ko na nakayanan at nilingon ito.

"It's rude to stare, mister"

Napalingon naman sakin ang iba niyang kasamahan at nagulat pa ako nang makita ko ang isang pamilyar na tao sa kasamahan niya. Katulad ko rin ay nagulantang din ito nang makita ako. Bakas ng katanungan ang kanyang mukha pero tinapunan ko lang ito ng masamang tingin.

Napatawa naman ito sa inasta ko at binalik nalang ang tingin sa harap. Bakit ko ba toh hindi napansin kanina. Tsk. Nilingon ko ulit yung lalaki at nakita itong nakatungo sa lamesa at natutulog. After classes, I went straight home not minding the weird stares of their group.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-SheWasGoodForNothing

Gateway To HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon