Panaginip (One Shot)

178 8 4
                                    

Narito na naman ako sa lugar na ito,wala paring pinagbabago..Tulad ng unang pagkakataong marating at matuklasan ko ito,napakaganda parin..

Punong-puno ng iba't ibang bulaklak sa paligid,mga ibong humuhuni,mga punong hitik na hitik sa bunga,mga makukulay na paru-paro na nagliliparan sa paligid at ang malamig na simoy ng hangin..Isang paraisong maituturing..

Ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin..

Maya-maya pa'y naramdaman kong may mga kamay na yumakap mula sa aking likuran..Mahigpit..Tila hindi na ako nais pang pakawalan..

"Alliyah..", rinig kong banggit niya sa aking pangalan..Binanggit niya iyon ng nakadikit ang kanyang labi sa aking tainga..Ramdam ko ang kanyang paghinga at tila nakiliti ang aking tainga sa ginawa niyang pagbanggit sa aking pangalan..Parang may kung anong bagay na nagwawala sa aking kaloob looban.Hindi ako mapakali..

"Alliyah.." ulit niya..Puno ng paglalambing ang kanyang tinig.Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso.Animo'y nakikipagkarera.Hindi na naman ako mapakali..Ano ba 'tong nararamdaman ko??

"Alliyah.." ulit na naman niya ngunit nanatili akong nakapikit at walang kibo..Hinihintay na kumalma ang nagwawala kong puso..

Maya maya'y naramdaman ko ang pagkalas niya mula sa pagkakayakap sa akin at unti-unti akong iniharap sa kanya..Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at kasabay ng unti unting pagmulat ng aking mga mata ang pagbigkas niya sa mga katagang kaytagal kong hinintay na kanyang sabihin..

"Mahal kita.... Alliyah.."

Diretso lang akong nakatingin sa pares ng tsokolate niyang mga mata..

Ang kanyang mga mata,waring nangungusap at punong-puno ng pagmamahal..Naramdaman ko na naman ang bagay na nagwawala sa aking kaloob-looban..Parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng aking tiyan..

Nakahawak parin siya sa aking magkabilang pisngi,parang hindi pa nakuntento at idinikit pa ang kanyang noo sa aking noo..Naramdaman ko ang pag iinit at pamumula ng aking pisngi na naging sanhi upang mapangiti siya..

"Mahal na mahal kita Alliyah.......at akin ka lang...."

Nagulat naman ako nang bigla siyang maglaho...At unti unti kong napagtanto na 'PANAGINIP' lang pala ang lahat.. 

****
"Uy Alliyah!!" nagulat nalang ako nang may biglang tumapik sa balikat ko at tumabi sa akin.Napatingin naman agad ako para tingnan kung sino yun..

Si Mylene pala..Isa sa matatalik kong kaibigan..Bahagya ko naman siyang nginitian at tsaka ibinalik ang aking tingin sa mga taong abalang abala sa paghahanda para sa foundation day bukas..Kakatapos lang naming ayusin ang booth namin kaya pwede na kaming magrelax..Marriage booth nga pala ang sa amin..

"Kanina pa kita tinitingnan,napansin ko lang na parang ang lalim ng iniisip mo..Ok ka lang ba??"

Napatingin naman ako kay Mylene nang tanungin niya ako..

"Ok lang ako,may iniisip lang talaga ako.." sagot ko at inalis na ulit ang tingin ko sa kanya..

"Iniisip?Wag mong sabihing si Maze na naman yan?"
 
Mabilis akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalang yun..

"Pwede ba Mylene.Hindi si Maze ang iniisip ko.." inis kong sabi sa kanya.Nakita ko namang napataas ang isa niyang kilay..

"Talaga lang Ally ha..Tapatin mo nga ako,may nararamdaman ka pa ba para sa lalaking yun??"

"Yung sa amin noon,wala na.Kahit kelan hinding hindi na maibabalik ang mga bagay na natapos na.Tanggap ko na , na hindi talaga kami para sa isa't isa.."

Panaginip (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon