Everything in this story is fictitious (malamang fiction nga eh xD)
All rights reserved hart hart
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°°~°~°~°~°~°~°~°~°~
☞☆ PROLOGUE☜☆
May 2,1990
"Mrs.Jeon,patawarin nyo ko pero kung hindi kayo makahahanap ng donor ng puso para sa inyong asawa...wala na talaga kaming....ginawa na po namin ang aming makakaya" sambit ni Dra.Gonzalez na tila dismayado din dahil kanyang kaibigan at dating kasamahan sa trabaho ni Karolina na isa din doktor.
Pilit nyang pinipigil ang kanyang pagluha sa harap ng asawa kahit napakabigat na ng kanyang loob.
"Rafael,hindi ako papayag na ganito na lang matatapos ito nangako ka sakin na walang iwanan.......gagawa ako ng paraan" pagkasambit nya nito ay agad siyang lumabas sa silid at kinuha ang cellphone mula sa sachel.
"Hello?"pambungad niya sa kanyang kausap "asan ka ngayon?"dali dali siyang nagtanong"ahh ganun ba?magkita tayo sa lobby" agad niyang binaba ang tawag at dali dali tinunton ang lobby upang makipagkita kay Dra.Gonzalez.
"Hindi!mali talaga kahit sa anong paraan ko isipin eh....alam kong desperado na tayong lahat para makahanap ng donor para kay Rafael pero hindi naman makatarungan kung gagawin natin yan" mahinang sagot ni Dra.Gonzalez ngunit dama ang kanyang matinding pagtanggi sa alok ni Karolina.
"Handa akong magbayad!" Hindi na napigilan ni Karolina na magtaas ng boses dahil ilang beses niya na inulit ngunit hindi niya pa din napapayag si Dr.Gonzalez.
"Napakadali lang naman ng gagawin mo ah...kukunin mo lang naman ang puso ng donor ng pasyente mo.Diba't sinabi mong hindi pa nila alam kung paano nila babayaran ang bills nila?Kung gusto mo pa babayaran kita katumbas ng sahod mo ng sampung taon!" Tila wala na siyang pakialam kung may makarinig dahil kinabukasan na kailangan ang operasyon.
"Gagawin ko ang aking makakaya..." sambit ng doktora na nakapagpakalma kay Karolina.
°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~
BINABASA MO ANG
Undestined
HumorAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...