Kei's POVNandito ako sa bahay ngayon. Walang pasok kaya nakatambay lang ako dito.
Naalala ko si Precious bigla. Buti nalang at okay na siya. Hindi na nga ako nakadalaw sa kaniya dahil hindi ko akalaing ang dami ko palang kailangang gawin.
Nanuod lang ako sa TV at umupo. Nagulat ako ng makita ko si Brennan sa tv! Waaaahhhhhh ang gwapo niya!
Ang gwapo niya sa TV! Naisip ko namang ang swerte ko dahil nakikita at nakakausap ko siya sa personal.
Habang nanunuod biglang nag ring yung cellphone ko.
"Yow yow yow!" Bungad ko kay Brennan.
["Hi Kei. Nasan ka?"]
"Sa bahay. Pinapanuod ka hihihi."
["Hahaha. May lakad ka ba ngayon?"]
"Wala naman,bakit?"
["E kayo ni Preston? May lakad ba kayo?"]
"Wala ren. Bakit?"
["Pwede mo ba akong samahan mag-Mall?"]
"Huh? O sige."
["Yes. Thankyou Kei!"
"Hahaha sige. Babush!"
["Bye Kei."]
Pinatay ko na rin yung tawag at pumunta sa kwarto para mag handa ng susuotin ko.
Nag text si Brennan at sinabing susunduin niya daw ako ng 5pm.
Tumingin ako sa cellphone ko.
2pm palang naman eh. Manunuod nalang muna ako.
Napa simangot ako ng bigla kong naisip yung mukha ni Preston na nagagalit.
Yung lalaking yun talaga. Sayang si Preston noh mga prend? Ang gwapo niya,sobra. Hindi ko naman maitatanggi yun dahil kitang-kita naman eh. Kaso ayoko sa ugali niya.
Masyado siyang bored kasama. Hindi nagsasalita. Pag kinakausap mo pa tatanguan o iilingan ka lang. Minsan nga iniisip ko na mas okay pang pipi siya dahil pag ganun maiintindihan ko pa.
Tapos laging mainitin yung ulo niya. Laging galit. Konting galaw ko,kinakainisan niya. May toyo talaga ata yung lalaking yun.
Hindi katulad ni Brennan na laging naka ngiti,masiyahin,masarap kausap hindi yung tango at iling lang ang ginagawa.
Maya maya nag handa narin ako ng susuotin kong damit at naligo na.
Nagsuot lang ako ng white shirt at pantalon. Pag tapos ko mag bihis lumabas na ako ng bahay.
Napangiti ako ng makita ko si Brennan na naka abang sa labas ng bahay. Ngumiti siya saken at binati ako.
"Hi Kei." Nakangiti niyang bati saken.
"Hello Brennan!" Masiglang bati ko ren kaya mas lalong lumapad yung ngiti niya.
Nilapitan niya ako at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Nabigla ako ng pag buksan niya ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Подростковая литератураMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3