So guys, this is it.
Sa mga naghihintay at di nagsasawang sumuporta ito na po user38011309
user12629772 IshiteruWoAINi 💕~
Third Person's POV
Pagdating ni Chad, naglabas si Ivan ng beers and hard drinks.
"Inuman na to! Whooo!" tinaas pa ni Ivan ang mga drinks tsaka inilagay sa center table.
"Daming big revelation ngayon ah. Mahaba habang inuman to este usapan to mga bro." natatawang sabi ni Paulo tsaka nagbukas ng hard drinks.
"Seryosong seryoso silang apat Paulo. Lets start." nagbukas naman si Ivan ng beer.
"Ang tagal na ulit natin 'di nakakainom. Woo! Inuman na! Cheers!" itinaas ni Paulo ang hawak-hawak niyang glass.
"Cheers!" tinaas din ni Ivan ang beer na binuksan niya.
"Yung totoo nagkakagusto ka na ba sa kapatid ko, Reyes?" seryosong tanong ni Nico at tumingin kay Chad ng seryoso. Ganyan talaga si Nico pag seryoso na talaga, naiinis, o nagagalit tinatawag niya na sa surname.
While Paulo and Ivan parang napahiya naman kaya sila na lang ang nagcheers at uminom.
"I even fcking don't know. I'm really confused." simpleng sagot ni Chad. Naglagay na din sya ng hard drinks at tsaka ininom.
Hinampas ni Nico ang table sa sobrang inis.
"T*ngina naman Reyes. Napagusapan na natin to diba?!"
Ang pad nila ay sa isang mamahaling condominium. Sila Paulo at Ivan napatigil naman sa paginom at pagtatawanan, may sarili kasi silang mundo. Sila Kent and Mike naman umalis at pumuntang rooftop.
Sa 5 years nilang magkakasama ngayon lang nila nakitang nagalit nang ganyan si Nico na animo'y itim na itim ang aura nya at para syang sinapian ng demonyo.
"Alam ko. Alam ko Nico. Hindi ko na din alam. Gulong gulo na ako." ginulo ni Chad ang buhok niya sa sobrang frustration na nararamdaman niya. "Sa oras na gusto ko na talagang sabihin sa kanya may pumipigil sakin, alam mo yun ayaw ko siyang masaktan, hindi ko kaya. Fck. May gusto na ata ako sa babaeng yun!" napasabunot sya sa kanyang buhok tsaka niya ininom ang hard drinks straight.
"Gago ka talaga Reyes." uminom na din si Nico. "Bakit kasi kapatid ko pa ang napili mo? At talagang nung nakausap mo na siya tungkol sa pagpapanggap na yun dun mo pa lang nalaman na kapatid ko siya. Shet lang diba? Ano pang magagawa ko? Pustahan natin to pumayag tayo dun dahil para din sa atin ang sasakyan na yun. Pero bakit sya pa?! Bakit ang kapatid ko pa?! Mahal ko yun eh. Yung mga pag-ngiti niya, pagtawa niya, alam ko, alam ko na dahil sayo yun Reyes! Alam mo ba yun ha?! Sht lang talaga! Minalas pa at kapatid ko pa talaga ang kapalit. Ayaw kong masaktan ang kapatid ko Reyes. Ayaw na ayaw ko. Pero bullsht talaga!"
Noong mga panahon kasi na yun, sobrang immature pa talaga nila kaya in-accept nila ang bet na yun.
Tumungo si Nico tsaka nagkuyom ng kamao at huminga ng malalim. Tumingin siya kay Chad ng sobrang seryoso. "Siguro ang magagawa ko na lang at magagawa mo, wag ka na lang masyadong maging malapit at maging sweet sa kapatid ko. Para hindi na mas lumalim pa ang nararamdaman niya sayo. Kaya mo naman maging cold sa kanya diba? Alam kong kaya mo." tumayo si Nico at nagpamulsa.
"Pero Nico ------" pinutol na ni Nico ang sasabihin ni Chad.
"No buts Reyes. Kung may gusto o mahal mo na talaga si Princess, pumili ka na lang. Ang kapatid ko? O si Angel at yung pinapangarap mo/nating sasakyan? Thats the only way you can do Chad. To choice." ngumisi si Nico ng palihim. "Ganun talaga Reyes. Bawal kang pumili ng dalawa. Kailangan isa lang. Kailangan mong magsakripisyo. May masasaktan at masasaktan talaga. Mahirap oo. Pero kayanin mo, ikaw din ang may kasalanan niyan. Kaya tanggapin mo."
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Novela JuvenilI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...