1 new message: bestpren! gudluck s duty m a? sana mdme kaung cases para mtapos m n dn ung sayo. D2 pla ako s nursery station nkaassign.
"Sino naman tong nagtext sakin, di man lang nagpakilala"
"May pinagbigyan ka ba ng number mo?" tanong sakin ng ka-group ko.
"Wala naman, baka wrong send"
1 new message: ay bestpren c luke nga pla to, hehe kinuha ko number m kay Joey. Wg k n sumimangot, ang ganda ganda m e bka pumangit ka, lalong lumaki ilong m, hehe.
"Kainiz! Nambubuset lang pala na tao"
"Kilala mo na kung sino? Sino daw?"
"Wala, yung kaibigan lang pala ni Joey. "
reply: salamat, o cge na, umagang umaga nambubuset ka.
1 new message: hnd ah, para nga akong si enrile eh, kasi gusto ko, happy ka, hehe. kamusta dr?
reply: sakto lng, wala pang nanganganak, 2 ang naglalabor. Me ganun? So bumabanat ka?
1 new message: hnd un banat no, gusto m b ng banat?
reply: ewan ko sau
1 new message: Si auntie ka ba?
reply: E luma naman na yang banat mo eh, hindi hindi ako si auntie.
1 new message: ah oo nga pala, hnd ka si auntie, ikaw lang si uncle. Uncle-lang sa buhay ko. :)
Napangiti ako. Medyo mababaw din kasi kaligayahan ko saka sensya ngayon ko lang nalaman yung banat na yun eh.
reply: haha! pwede2.. san ka ba ngayon?
1 new message: Sa puso mo..
reply: haha! che, feeling, ewan q sau.
1 new message: Hindi ka pa ba pagod?
reply: huh? Wala pa ngang nanganganak pagod na agad?
1 new message: Kagabi ka pa kasi tumatakbo sa isip ko, nagaalala lang ako baka pagod k n. :)
reply: haha! hay nku, kulitin m nlng c gf m nyan.
1 new message: e busy siya eh, ska ikaw gus2 q ktxt
reply: ang landi m
1 new message: iba ang friendly sa malandi.:) friendly ako. :) gus2 lng nmn kitang mapasaya kc nppsaya m ako.
reply: adik k b? e ang suplada q kya sau since khapon
1 new message: Ayos lng yan, parang ampalaya lng, khit anong pait m, ikaw prn ang sustansiya ng puso ko. haha
reply: haha! Ikaw tlga, tama n nga yang banat m, bka patulan na kita.
1 new message: hahaha! ed maganda, hnd nmn ako aangal kung papatulan m q, :)
reply: hnd un ibg q sbhn! hay! ewan q sau!
"Mia! Ui! Kanina ka pa ngumingiti diyan ah. Anong meron?" Nagulat ako ng tawagin ako ng ka-group kong si Ann
"Bakit? May manganganak na ba? Ako na ba circulating nurse?"
"Huh? Yuy! halatang wala sa sarili, sino yang katext m, ah? Parang kilig na kilig ka diyan kanina pa ah"
"WHAT?? Hindi no! Ano ka ba, nangtitrip lang kasi tong friend ko, wala atang magawa kaya yan. Tara na nga dun sa loob, papatayin ko muna phone ko."
4 normal deliveries and one in labor later, patapos na yung shift ko, paglabas ko ng delivery room para mag-ayos, gulat ako ng makita ko siya.
"Ui, bestfriend, sorry na, galit ka parin ba? Alam mo namang nagbibiro ako eh", grabe lalo siyang gumwapo nung naka-uniform na siya ng pang-nurse. May dala dala siyang jollibee na pagkain.
BINABASA MO ANG
Confessions of a Man Hater
Teen FictionDo you believe in destiny? In soul mates? And in fate? Well I believed all those b*llshits... before. Mula ng dumating si Luke sa buhay ko, tila ba lahat ng iyon naging isang malaking kasinungalingan nalang. I tried moving on, I tried giving up the...