Prologue

20 0 0
                                    

"Dr. Finley! Wake up already!!!", ang nakaririnding sigaw ng kapatid ko. Iminulat ko ang mata ko at ininda ang sakit ng ulo ko dulot ng hangover.

"Yeah. Yeah. Shut your mouth already", I groaned as I move my body away from bed. I did my morning routines and went downstairs to eat breakfast.

"Good morning, Mom and Dad. Good morning, Alfred", I greeted. They greet back and I sit on my chair. What do we have here? Bacon, eggs, hotdog, and fried rice. And oh-- a cup of coffee.

"Manang, sumabay na po kayo dito", sabi ko at itinuro ang mga bakanteng upuan.

"Ay ser. Mamaya na ho kami", nahihiyang sabi ng matanda. Tumingin ako kay Mommy saka ngumiti.

"Sige na, Manang. Minsan na nga lang umuwi si Mix ay hindi mo pa pagbibigyan?", nakangiting sambit ni Mommy. Wala namang nagawa ang mga kasambahay at sumabay na sila sa akin.

Teka. Parang may kulang. Hmmm. Nasaan si Letlet!?

"Mom! Where's my baby Letlet?", naghuhurimentado kong tanong. Tinignan ko pa ang ilalim ng mesa pero wala siya dun. Ang nadoon lang ay si Mimi, ang alaga kong pusa.

"Isinama ng ate mo sa pagjo-jogging niya", singit ni daddy. Haist. Bakit naman kaya isinama ni ate si Letlet? Aish.

"Ah. Sige po", sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. Nasa lap ko si Mimi at talagang gustong gusto niyang naglalambing. Sinusupuan ko siya ng hotdog at grabe sobrang cute niya.

"Good morning~~", someone chanted so I turned my head and saw my sister. Dala-dala niya si Letlet. Tumayo ako at kinuha si Letlet.

"Good morning din ate", sabi ko at bumalik sa upuan. Kumain ulit ako habang nakikipag cuddle sa dalawa kong alaga.

Kumain kami habang nagkukwentuhan. Nang matapos kami, agad akong nagtungo sa garden dala dala ang mga alaga ko. Binuhat ko si Letlet, and shi tzu kong alaga. Nag-wawacky ako sa mukha niya pero napansin kong wala ang dog tag niya.

"Wahhhhhh!", sigaw ko. Nawawala ang dog tag ni Letlet!

"Oh bakit!? Ano bang nangyari!?", hysterical na tanong ni Ate.

"Nasaan ang dog tag ni Letlet!?", tanong ko. Parang nagulat din si ate. Alam niya kasi kung paano ako mag-react kapag may kaugnayan sa mga alaga ko.

"T-Teka! Hahanapin ko dito sa bahay! Ikaw, hanapin mo sa labas!", utos niya.

--x

"Nasaan na ba yun?", ungot ko habang palinga-linga. Narito ako sa park at hinahanap ang dogtag ni Letlet. Couple kasi kaming lima ng tag; ako, si Letlet, si Mimi, si Dexi (alaga kong parrot), at si Mei (alaga kong Guinea pig).

"Aray!", daing ko nang may makabunggo sa akin na lalaki. Medyo matangkad siya na nakahood.

"Mianhamnida", he said at tinulungan akong makatayo. I looked at his face pero iniiwas niya ito. Tumakbo siya paalis at parang naiilang. Haist. Ang weird niya.

Binalewala ko ang lalaki at pinagpatuloy ang paghahanap pero di ko talaga makita. Inabot na ako ng tatlong oras pero nganga pa din. Haist.

Umuwi na ako at naghanda sa pag-alis ko. May imi-meet kasi ako ngayon. Mga 12: 45 na nang makarating ako sa resto kung saan kami magkikita. Nakita ko naman siya kaya lumapit ako.

"Wow", ang nasabi ko. Handa talaga. Ang daming pagkain na nakahain! Hahaha.

"Ehem. Good morning, Dr. Finley", sabi niya nang puno ng professionalism.

"Ano ka ba naman, Jessica! Lei na lang", sabi ko sa kanya at nilantakan ang pagkain. Magkaibigan kami ni Jessica simula college. Nagkita kami kasi may request siya.

"Di ka pa rin nagbabago. Ang takaw mo pa din", sabi niya at tumawa. Nag-pout naman ako.

"Hindi ah. Binawasan ko na nga ang pagkain ko eh. By the way, sabihin mo na ang request mo", sabi ko.

"Ah. Yeah. I almost forgot", sabi niya at umayos ng upo. "Papunta akong Seoul next week. May request sa akin na maging surgeon ng isang businessman doon. Tatanggalin daw ang tumor sa may utak niya. Kaya Lei! Tulungan mo ko!"

"What the heck!? Malaking request yan!", sabi ko. Professional ako pero umiiwas ako sa mga ganyang kaso.

"Sige naaaaaaaa! Tsaka, ayaw mo nun? May chance kang makita ang mga kpop idols dun!", sabi niya at wala na. Tuluyan na akong nashunga dahil sa kpop. Pumayag ako nang walang kahirap-hirap.

Wahhhh! Paano na yan!??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Maknaes Fall in LoveWhere stories live. Discover now