Chapter 4

10 1 0
                                    

THIRD PERSON

Nanatili si Jack sa isang pasilyo ng studio nila. Normal na ang paghinga niya. Ang akala niya'y iyon na siguro ang katapusan niya nang maipit siya sa kasagsagan ng ulan kanina. Mabuti nalang talaga at ilang kilometro na lang ang layo ng studio at mabilis siyang nakatakbo. Pero takot na takot pa rin siya kanina habang tumatakbo sanhi rin siguro ng isang hindi magandang nakaraan.

Kahit na nahihilo pa siya ay pinilit niyang maupo mula sa pagkakahiga at impit siyang napahawak sa ulo niyang sumasakit na naman. Aarrgh... Tsk, tsk, tsk. He freed a deep sigh.

Ilang segundo ng lumipas at napagdesisyonan niyang lumabas ng kwarto. Masaya siya't ang una niyang nakita ay si Madi. He's so much grateful to her na kung hindi dahil sa kanya ay baka nawalan na talaga siya ng buhay kanina.

Sa tingin niya ay busy ito dahil seryosong – seryoso itong nakayuko at parang nagsusulat, siguro nagko – compose ng kanta. Hindi niya gustong abalahin ito kaya napagpasyahan niyang umupo sa likuran ng babae. He's sure na hindi siya nito napansin kaya hinayaan nalang niya ito. All he can do is stare at her from the back. Such a beauty. A beauty that all I could give is pain. Puro nalang sakit ang binibigay niya kay Madi, simula't sapol pa lang. Sometimes he would even ask himself kung deserving pa ba siyang magstay or he would leave again for good. Alam niya sa sarili niyang hindi niya kakayanin na umalis ulit ng hindi nagpapaalam dahil babalik at babalik na naman ang nakaraan. If only you knew.

MADI felt so uneasy while she's writing. She can feel that someone is staring at her and it's literally giving her goosebumps. Baka isa itong magnanakaw o kaya serial killer o kaya naman ay... multo?

Oh God, please help and keep me away from danger! Bata pa po ako, gusto ko pa pa pong magkaanak! T.T She prayed in silence na halata namang kinakabahan siya sa iniisip niyang posibleng mangyari.

Nagdadalang – isip kasi siya kung lilingon ba siya sa likod o manatili siyang kikilabutan habang ipinagpapatuloy nalang ang pagsusulat na parang wala lang. She did the latter pero nagulat nalang siya ng biglang bumukas ang pinto nang pagkalakas - lakas ng studio na siyang nakapagpakabog nang matindi sa puso niya.

"What the f*ck!" She yelled sabay tayo. "Bakit mo ginawa 'yon?!" singhal niya kay Ren na siyang nagbukas ng pinto. Kasunod nitong pumasok si Tristan.

"Oh sorry about that. Na – excite kasi ako bigla. Baka kung ano nang ginagawa niyo rito," sabi nito saka tumawa ng malakas. Nahihibang na talaga si Ren. Gagawin talaga lahat makasagap lang ng tsismis. Sometimes she wonders how she got a friend like him.

"Oy Jack, gising ka na pala?" sabat naman ni Tristan.

Ngayon lang niya napansin ang lalaki na nasa likuran lang niya. Si Jack lang pala yung kaninang naramdaman niya. How silly of her? Sila lang naman dalawa ang naroon sa studio kanina. Naparanoid pa siya sa kakaisip kung sinong serial killer o kaya multo ang naisip niya.

Tiningnan niya si Jack na ngayon ay naka – upo lang sa sofa. Mukhang okay na ang pakiramdam nito. Bumalik sa isip niya ang pangalang kinaiinisan niyang sinasambit ni Jack kanina. Actually, she's very persistent to compose the song dahil sa biglang pagkirot ng puso niya. She felt so betrayed by her own defenses na siyang naghudyat sa kanyang magsulat. She's already halfway the composition nang biglang bumukas ang pinto kanina. Alam niyang her song would sound so bitter pero sabi nga nila you'll be able to write because your own emotions at the time would translate to the music.

"Ahh yeah, kagigising ko lang," sabi ng lalaki saka inukulan siya nito ng tingin. "I don't want to disturb Madi from what she's doing so I stayed quiet."

"Alam mo bang tinakot mo ako? Akala ko may magnanakaw na gusto akong patayin sa likuran ko. You gave me literal goosebumps,"

"Sorry about that. And thank you,"

DeadWhere stories live. Discover now