Sa highway.
Samu't saring mga bagay ang makikita dito.
Sa isang tabi may mga tiangge, sa isang tabi mga kainan, sa isang tabi mga nakaparadang sasakyan at hindi mawawalan dito ng mga taong iba't iba ang destinasyon na pupuntahan.
Bilang isang estudyante kailangan ko makita ang mga ito araw-araw, kahit Sabado-Linggo kapag may lakad at kung ano pa man. Araw araw kong nadadatnan ang mga hangin ng polusyon, mga binibentang mga Class A na earphones, mga nagbebenta ng kendi't yosi sa tabi tabi. Kabisado ko na kung san sila nakapwesto.
Ako si Leo Julius Paras, 4th year high school student sa isang paaralan sa bayan. Nag-aaral ako sa medyo malayo para naman makatakas ako sa boring na realidad sa bahay. Isa akong loner kung tutuusin, mag-isa sa school pero may kaibigan naman. Silent Prince tawag nila sa'kin dahil sa pakikitungo ko sa iba't estado ko sa buhay.
Dati.
Lahat ng iyon ay nagbago noong may nakasabay ako sa Jeepney.
Ang aking prinsesa.
.....
"Manong bayad ho, isang bayan lang, estudyante."
Isang bagong umaga, nakakatamad na araw para pumunta ng klase. Lunes, sadiyang nakakabuang lang talaga yung araw na ito. Maguumpisa nanaman ang isang linggong puro stress, sakit sa ulo, gawain.. Linggo na malamang mauumay uli ako. Byahe dito, byahe doon, tropa dito, tropa doon. Minsan nga nagtataka ako kung bakit pa ako nagaaral eh. Mayaman naman kami, pero tuloy tuloy pa rin ako sa pag-aaral. Siguro dahil sa isang simpleng bagay kaya patuloy pa rin ako sa pag pasok..
Baon..
"Bayad, bayan, estudyante, kuya paabot po."
Magkano ba uli baon ko ngayon? Hmmm.
"Umm, kuya paabot po."
Uy, 400 pesos plus yung 5 na napulot ko kanina. Swerte.
"KUYA!"
"Eh?" Ako pala yung tinatawag, lakas ng loob ng babaeng 'to ah. Kapareho ko ng uniform, tch siguro baguhan lang. "Sorry." Iritadong sabi ko.
"Sorry din kung nasigawan kita. Umm, medyo natetense po kasi ako kasi kaschool kita." Inangat niya yung kamay niya, para makipagkamayan sa'kin. "I'm Celia, Celia Jennifer Timbang."
Tinignan ko yung kamay at mata niya nang dahan-dahan ngunit walang ekspresyon ang mukha, pero nakipagkamayan na lang ako. "Leo Julius Paras."
"Anong year ka na po kuya?"
"4th."
"Ah talaga? Kabatch pala kita! Bago lang kasi ako dito sa Philippines, pero adventurous ako kaya ngayong umaga hindi ako nagpahatid sa driver ko. Nagjeep lang ako para maexperience ko uli. Nagmigrate kasi sila Daddy sa Canada noong 6 years old ako tapos ngayon naman nandito ako para magaral uli kasi medyo nagkaproblema sa bahay namin doon.. Tapos alam mo ba.."
Ang daldal.
"...Glad na glad ako ngayon kasi may nameet ako agad na schoolmate. Sana maging kaklase kita! Para naman may makakausap ako sa klase hindi lang yung imagina- Kyaaa!"
Nagulat na lang ako nung palipad sa'kin yung babaeng yun dahil sa pagpreno ni manong. Nasalo ko siya't ngayon ay para bang nakaakbay lang ako sakanya. Nakatingin lang siya sa'kin at parang namumula, nagugustuhan niya ba 'to?
"Thank you."
"Namumula ka."
"Eh? H-Hindi!"
"Wag ka na magdeny, bababa na rin tayo.. Manong para!"
BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen Fiction"Love comes unexpectedly." Ika nga nila. Hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi tulad niyan. Kahit sa "Love" mismo hinding hindi ako naniniwala. Pero nagbago ang lahat noong nakasabay ko siya sa Jeepney. Isang umaga, dito ko natagpuan aking prinse...