Chapter 20

25 5 1
                                    

Hello everyone!

Here's the new update for you. Please vote and follow!

Enjoy reading!!!

**********************************************************

JOLINA'S POV

I just put the key in its hole when Carl suddenly opened the door for me.

We stared at each other for a moment.

"Why you didn't tell me na si Sean Nicolai Ignacio ang boyfriend mo? Bakit wala ka man lang nababanggit sa 'kin about him." He asked with a furrowed forehead.

Pero 'di ko yun pinasin. Pumasok ako at kaagad sumalampak sa sofa.

I shook my head at him. Hindi ko na nakuha pang i-correct ito na hindi ko boyfriend si Sean. Isa pa hindi rin naman ito naniniwalang hindi kami.

"De ja vu!" I said looking at him. "Nangyari na 'to. Kanina lang." I jokingly said without the intention to make him laugh.

"Teka nga muna!" Placing my hands on my waist.

"Bakit close ba tayo para magkwento 'ko sa 'yo? Excuse me!" I crossed my arms on my chest and looked at him intentionally.

"What's with the two of you? May galit ba kayo sa isa't isa?"

"May pinag-awayan ba kayo? Bakit ganyan ang tono ng tanong ninyo sa 'kin?" Sunod sunod na tanong ko.

Carl shook his head and raised a brow inquisitively.
"What?"

"Ano naman kaya ang pinag-awayan nyo? Alangan namang pagkain?"

"Teka, masyado palang mababaw at di kita sa magaganda nyong katawan." I said softly and he smirked a little.

"Hindi siya nagpakopya noon? Or ikaw ang 'di nagpakopya kaya bumagsak ang isa sa inyo kaya kayo nag-away?"

He rolled his eyes.

"Ambabaw pa din!" I touched my chin.

"Aah, babae?" Sabi ko raising a finger up in front of me.

He turned his back at saka matalim ang mga matang hinarap ako nito.

"It's none of your business okay!" He said then he paused for a minute.

I shrugged my shoulder and stood up. I sauntered towards my room but before reaching the door he began to talk again, in a soft and pleading voice.

"Can you.. can you just break up with him?" He muttered.

I raised my right brow.

"You know what! Whatever grudges you have against each other is none of my business! So stop bossing me around. Hirap sa 'yo, you expect everyone to just bow their heads sa lahat ng sasabihin mo. And I so hate you for that!" I turned my head and opened the door to my room.

"Huh kaya pala mag-asawa tayo ngayon kasi nasunod ang gusto ko! Tama ba?" He said sarcastically.

I faced him as I heard him stepping a little closer to where i'm standing.

Medyo natameme ako.

"Well, umn, I guess except for that one." Sabi ko propping my forearm on the knob of my door while looking at him.

"E yung nakatira ka rito? Ako ba ang nasunod do'n?" Lumapit pa ito.

"Except for that, too." Sabi ko sabay tingin sa malayo to avoid his gaze.

Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko kaya napaurong ako.

"A, baka pati yung pagsakay mo sa kotse ko at yung budget ng bahay ko na ngayon ay hawak mo, ako yung nasunod." Sabi nito at mas lalo pa itong lumapit sa akin.

At para iwasang dumikit siya sa akin ay iniharang ko ang kamay ko which apprently touches his chest.

His hard bulging chest.

Gosh! May muscles pala sa dibdib ang unggoy!

Napakurap ako ng mata habang marahan itong itinutulak mula sa akin. Pero tinitigan lang ako nito at inilapit pang lalo ang mukha nito kaya napapikit ako at pinilit h'wag gumalaw sa takot na baka kung saan mapadampi ang mukha nito sa kung saang parte ng mukha ko.

Sandali lang ay nakaramdam ako ng marahang palo sa ulo ko at pagdilat ko ay naglalakad na palayo si Carl.

Nilingon ako nitong saglit.

"Are you thinking that I'll be kissing you?" He smirked whilst I flustered a little.

"Well, dream on, mentalist!" Pahabol na pang-aasar nito habang naglalakad palayo sa akin.

"Ang kapal mo! Manigas ka! Napapikit lang nagpapa-kiss na! Sira ulo!" Galit na sabi ko humarap ito at saka nagpamewang.

"At saka hoy! Yung sa paghahatid mo sakin kala mo masaya ko?! Mabuti pang naglakad ako e! Halos isang kilometro pa kaya ang layo ng pinagbababaan mo sa 'kin! At saka, ilang araw mo na kong hindi inihahatid ah, ang yabang nito!" huminga muna ko ng malalim

"Tsaka ikaw kaya may gusto no'n." Habol ko rito.

He raised his brows nonchalantly before walking away.

"Bu-volunteer volunteer ka sa lolo mo tapos ngayon nagrereklamo ka! Puro ka lang pahangin!" Sabi ko.

Iiling iling pa ang ulo na pumasok ito sa kwarto.

"Ang yabang nito. Akala mo kung sino!"

I angrily murmured while I entered my room and closed the door.

"Sino siya, para mag-utos siya ng gano'n?!"

"BULLY!" Sigaw ko sa harap ng nakasaradong pinto.

"Ako pa talaga pinapahiwalay niya! Wala pa nga kaming.. hindi pa nga kami..." I breathed deeply.

"Wala pa nga e! Hindi pa nagiging kami! Gusto niya hiwalay agad! Mamaya mo dyan mausog, lalong hindi matuloy! Kainis!" Reklamo ko habang padabog na naupo sa bed.

"Napakayabang talaga!"  Sabay bato ko ng unan sa may pinto.

"Akala mo kung sino! Uutusan niya pa 'ko. Bakit di siya gumawa siya nakaisip! Siya kaya makipag-break sa jowa niya! Hmp! Kung maka... sino ka ba?" Natigilan ako sa sarili kong tanong.

Natahimik ako sandali. Bago muli ay napabulong.

Asawa, asawa ko, lang naman siya!

With that thought in my mind nanahimik ako ng matagal sa pagkakaupo ko sa kama.

Napabuntong hininga ako ng maraming beses at saka mangiyak ngiyak na dumapa sa kama at inihilig ang ulo sa braso ko.

Asawa ko nga pala siya.

May asawa na nga pala ako.

Kaya tama lang yung sinabi niya. Tama lang na iwasan ko na si Sean. Hindi na 'ko dapat nakikipagkita pa kay Sean. At kahit ano mang feeling ang meron ako sa kanya, dapat ay maputol na.

Bigla ang pagpatak ng luha ko.

Bakit gano'n?!

"Hindi! Hindi pwede! Ayoko!" Maktol ko habang para akong baliw napinagdiskitahang ihampas hampas ang mga unan sa kama ko.

Nang mapagod ay nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pangyayaring ito sa buhay ko na naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon.

Paano na ko? Paano na ang mga plano ko?

Sabihin ko na kaya Sean..

Pero tatanggapin niya kaya 'ko? Kung matanggap man niya, makakapaghintay ba siya sa 'kin hanggang sa matapos ang sa 'min ni Carl?

E paano naman kung hindi? Oh no!

Nakatulugan ko ang pag-iyak at ang sangkaterbang tanong sa utak ko. Mga tanong na wala namang kongkretong sagot akong maapuhap sa ngayon.

One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon