Part 11: In love

4.1K 111 2
                                    

"Mag iingat ka Sister—este Mary" nag sitawanan naman ang lahat sa sinabi ni Sister Rebecca. Kahit naman ako.

"Oo nga. mamimiss ka namin dito, lalo na ang mga bata. Wala nang mag babasa ng storya sa mga bata bago matulog" sabi naman ni Ms Lovely.

"Naku, marami pa naman pong iba diyan" sabi ko naman

"Pero mas gusto ko po ikaw Sister Mary! Ayoko sa iba. Ikaw gusto ko. wag ka po alis" singit ni Daisy at yumakap sa bewang ko.

Ngumiti ako at kinarga ito, bahagyang binigyan ito ng halik sa pisngi. "Palagi pa din ako dadalaw sa inyo Daisy. I'm sure of that, I'll never forget you guys"

"I love you po Sister Mary" aniya at napaluha

"I love you too Daisy.."

Ilang araw bago ko napa desisyunan ito. Ang pag alis sa kumbento, I know my Mom wouldn't like it, pero ito ang gusto ko. I can still follow God with a family. At panatag na ako sa desisyon ko na ito.

Nag paalam pa ako sa iba kong mga kasamahan. Pati na din sa ibang mga bata at mga kaibigan sa kumbento. I'm going to miss them. Napakunot naman ako nang hindi makita ang hinahanap ko.

"Nasan po si John?" I asked

"Nandun sa kwarto niya, nag kukulong, aalis ka na daw kasi eh, nag tatampo ata" sagot ni Ms Lovely

I sighed, nag paalam ako upang puntahan si John sa kwarto nito. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob sa pinto nito. And there I saw him lying on his bed sobbing. Umupo ako sa gilid ng kama nito and gently brushed his hair with my fingers.

"John?" tawag ko "Are you okay?"

"No! Go away! I don't need you! You're just like them, you're going to leave me too" singhal nito saakin at humihikbi pa.

"Hindi ako tulad nila John, hindi ako mawawala. I will still visit you from time to time John, yes, I'll be gone, pero pansamantala lamang iyon—"

"No! Go away! Go! I don't need you!"

bumuntong hininga naman ako. Hinalikan ko muna ito sa ulo bago umalis. I'll be back John I promise. babalikan kita, and when I came back? You're going to have a family again.



I bid my last goodbies before heading out. I breathed heavily and stared at the orphanage. Hay.

"Are you ready?" tanong ni Saint

"Yes.." sagot ko dito. Pinag buksan ako nito ng pinto katabi lamang ng driver's seat. Agad niya iyong sinarado pagka pasok ko't umikot papunta sa driver's seat.

Hindi pa nito agad sinimulan ang makina at tumingin pa saakin.

"Bakit? may dumi ba sa mukha ko?" natatawang sagot ko

"I just can't believe that you chose to be with me" aniya

Bigla naman akong natawa sa sinabi nito "At talagang kampante ka na ikaw ang dahilan kung bakit ako nag quit sa kumbento huh?" sabi ko naman

"Oo naman! sa pogi kong ito? tsk.. " nag pogi sign pa ito. I pinched his nose

"Ang pilyo mo talaga!" I laughed "Pwede bang simulan mo na ang makina upang tayo'y makaalis na dahil paniguradong traffic nanaman"

"Masusunod aking mahal. Gusto mo bang tayo'y dumaan sa isang manehong-papasok?"

Nag taka naman ako sa sinabi nito "Anong manehong-papasok?" tanong ko

"Drive-thru"

"Hahaha!" biglang tawa ko sa kacorny-han niya. "I never thought you could be this corny Mr. Montenegro"

"Ang lalim ba naman ng tagalog mo kanina eh!"

"Oo na! mag maneho kana at baka traffic sa EDSA"



Pumunta kami sa condominuim unit ni Saint just near BGC. sobrang yaman pala ni Saint! akalain mo yun, siya ang may-ari nitong Condo. He's blessed.

Dito daw muna kami sa unit niya hanggat hindi pa alam ni Mama na umalis na ako ng kumbento. Natatakot ako kung paano ko sasabihin sakanya. Ang hirap. Dahil alam kong matagal na niya itong pangarap para saakin.

Umupo ako sa sofa "You live here alone?" I asked

"Yeah, I don't want to depend on my parents. Kaya bumukod na ako" aniya

tumango ako "It's beautiful"

"Thank you, and Mary?" he called kaya napalingon ako dito "I-I have only one room, you stay on my room and I'll sleep here on the couch"

kumunot ang noo ko "Naku Saint ayos lang wag na. Ikaw na duon sa kwarto mo dito nalamang ako sa sofa. Nakakahiya, pinatira mo na nga ako dito ako pa mag stay sa kuwarto—"

"Don't bother Mary ayos lang ako"



Nang gabi din iyon ay ako na ang nag luto ng gabihan. Niluto ko ang paburito niyang caldereta, mabuti nalamang at mayroon siyang mga stock ng pagkain sa unit niya. Ako na din ang nag hugas ng mga pinag kainan namin.

"Saint.. matutulog na ako, sure ka ba na diyan ka lang? Pwede namang tabi nalang tayo" suggest ko ngunit umiling lamang ito "S-sige.. good night"



Time check. 11:30 pm, malapit na mag alas dose ng madaling araw. At heto ako ngayon hindi makatulog dahil inaalala si Saint. Nakatulog ba siya ng mabuti? may kumot at unan ba siya duon? T-teka.. naka lock ba ang pinto? Pano kung may makapasok?

Agaran akong tumayo at pinuntahan si Saint sa salas. Naka baluktot na ito dahil sa lamig. Lumapit ako dito at ginising siya.

He slowly opened his eyes "Mary? what are you doing here? A-anong oras na ba?"

"11:30 na, duon kana sa kuwarto matulog. Malaki naman ang kama at kasya tayo dun. Sige na" pilit ko dito

"I-I'm fine—"

"Please Saint? the bed is big" sagot ko. Napilit ko naman siya sa huli.


We share the bed. Yumakap siya saakin mula sa likod habang kami'y naka higa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaksyon ko. Kikikigin o ano?

Ang alam ko lang ay.. I felt safe in his arms

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon