Charlize POV
"Ang ganda mo!Ang haba ng pilik mata mo!Ang kinis mo pa!Bongga!" Nandito ako ngayon sa kwarto ko, at pinupuri ang magandang binibini na nasa harapan ko
"BWAHAHAHA"
Ang Ganda ko talaga sheytt hihihihi
"Charlize!! Maligo kanaaa!! Malelate kanaa! Kinakausap mo na naman ba ang sarili mo sa salamin?! Jusq Ginoo tabang!! Ang tigas ng ulo moo!"Haysst. Nubayan. Naguguluhan ba kayo kung sino yung sumigaw? Walang iba kundi ang maganda kong ina, siyempre nagmana kaya ako sa kanya hihihi
"Oo naaaa! Maliligo naa" kinuha ko muna yung towel ko at nagsimula na akong banlawin ang sarili ko
"Head in the clouds got no weight on my shoulders" teka. Tama ba tung lyrics? Ay bahala na si batman lakumpake "I should be wiser and realized that I've g-" napa sigaw ako ng bumukas ang pintuan ng cr namin
"Charlize! Ikaw na bata ka ang tigas talaga ng ulo mo! Sabi ng wag kang kumakanta habang naliligo dahil yan ang isa sa mga rason bakit palagi kang nalelate!!" Sheeyt! Akala ko marerape na ako, charot joke lang,Tama na nga. Back to reality ang highblood naman ni mader deer pinutol niya ang concert ko!
"Okay ma hehe" kaya ayun natapos na akong maligo kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Kinuha ko ang uniform ko. Simple lang ang uniform ko.May necktie siya na color blue at skirt na color blue.
"Perfect School Uniform? Check. Bag? Check. Pulbo? Check. Liptint? Check. " Aba sa ganda kong to pulbo at liptint lang sapat na!
"Charlize?" Mama
"Yes ma?" Hair flip akong lumingon Kay Mama
"Wala ka na bang nakalimutan na dalhin?" Except sa sarili ko Wala naman
"Wala na po ma. Aalis nako!" Na sa may kanto na ako ng nakalimutan kong hindi nga pala ako humingi ng baon kong pera kay mama
Sheytt na thizz
Nagmala kabayo akong tumakbo pa punta sa bahay
Huhu late iz real
Nakita ko si mama na winawagayway ang pera na naiwan ko, kaya ayun kumaripas ako ng takbo papunta sa gawi niya
"thank.. You...... Ma" malalagutan ata ako ng hininga
"Sa susunod wag kalimutan ang baon na pera chay ha?!"
"Okay ma hehe pramis " nakalimutan kong sabihin sa inyo na Chay ang nickname ko. Kyot no? Parang ako lang.Nag abang ako ng jeep. Sa awa ng Diyos saktung pag tapak ko sa gate ay siya rin nagsimula ang flag ceremony
"Good Morning students! I'm here in front to announce that blahh blahh blahh " Hindi na ako nakinig
"Antagal naman,bakit parang everyday nag aanounce si Dr. Sy" kanina pa kami nakatayo dito sa Gym nilalamok na nga ako dito
" Hayaan mo na Chay. Matanda na kasi " walang iba kundi ang magaling kong bestfriend na si Sarah
Kyot si Sarah pero masyadong maingay, nakakasira ng eardrums
May barkada kami kung tawagin ay Bayoyoy, Hindi namin alam Kung saan nakuha ni Quiara ang bayoyoy, pero kyot naman sa pandinig so okay nalang. May 5 akong besfriend.
Si Valerie Genereso -ang pinaka salbahe sa lahat, at mahilig mambara ngunit sa mga salitang binibitawan niya ,alam namin ang mga sakit na kanyang dinadala.
Si Aiyana Gabrielle Yu -ang pinaka slow sa aming lahat, gawin mo na lahat , explain here, explain there. Wala pa rin! Kung sa internet pa "loading " hayst
Si Sasha Lachica -kung maingay si Sarah pwes mas maingay sa Sasha nakalunok ata to ng microphone bata pa, pero kahit ganoon love parin namin siya. Sa aming barkada siya ang may boyfriend.
Sarah Kaye Jumawan -ang pinaka close ko sa lahat, kahit isip bata siya ay maunawain ito.
Quiara Telisha Ynzon -ang bully sa aming barkada, napapagalitan kami ni teacher dahil sa kanya. Pero kahit ganun mahal namin siya
Kaya ayun Back to reality
Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa classroom, naaliw kasi ako sa pagkwekwento
Nag uumpisa ng mag turo si Teacher pero heto ako ngayon naka tingin sa bintana
Malapit kasi ang upuan ko sa bintana at magkatabi kami ni Sarah
At sa wakas natapos na ang klase"Sar. Uuwi na ako" lumingon naman sa akin si Sarah with her famous teary-eyed
"Iiwan mo na ako, hindi muna ak-" hindi ko na siya pinatapos binatokan ko na siya para magising na siya sa kalokohan niya
"To naman. Di mabiro. joke lang yon! Ansakit mo namang mambatok!" Inirapan niya muna ako pero sumilay rin naman ang maganda niyang ngiti
"Hehe sorry na! Iloveyou!" Nag flying kiss pa ako sweet ko diba?
"Eww" napalingon kami ni Sarah sa kj na walang ibang ginawa kundi guluhin ang love namin para sa isa't isa
"Hi Val" kj talaga kaimbyerna
"Saan kayo pupunta mamaya?"
"Sa bahay ng baby shark ko hihi" si Sasha na walang ibang ginawa kundi ang amuhin ang baby shark nya
"Huh?" Si aiyana
"Pangatulog mo uy! Malapit na periodical exam" Val . Oo nga pala
3rd year high school na kaming mag babarkada, 1st year high school namin nabuo ang aming barkada. Galing si Sarah,Ako,Quiara sa public school. Si Valerie,Sasha,Aiyana ay nag-aaral sa Holy Cross High School simula bata.Ang school namin ay isang Catholic School,Chinese School,Private School ohh? Diba. Bongga! 3 in 1. Naging close kami at palagi kaming nagkakasundo.Noong una Dodoy talaga ang tawag namin sa barkada namin pero nung tumungtong na kami ng 2nd year high school iniba ni Quiara naging Dodoy to Bayoyoy real quick!
Matapos kong magpaalam sa mga bff ko ay pumara na ako ng taxi
"Kuya. Sa ************** street po." Tumango lang ito sa akin
Dumating na ako bahay . Bubuksan ko sana ang pinto ng may napansin akong parang may nakatingin sa akin at pinag-aaralan ang mga kilos ko. Kaya lumingon ako, walang tao maliban sa akin .Tinignan ko lahat ng sulok,wala talaga.
Kaya ayon. Binuksan ko na ang pintuan "Ma?" Sinalubong naman ako ni mama ng yakap "Okay ka lang ba chay?Sinaktan ka ba nila?" Huh? Sinong sila? Tatanungin ko sana si Mama pero parang iiyak na Ito
"Ma, pupunta na ako sa kwarto ko" Sino kaya yung tinutukoy ni mama
"Sige.tatawagin nalang kita pag natapos na akong mag luto "
Nasa kwarto na ako. Wala naman akong ibang gawin, kaya nanuod muna ako ng action movies.Diko namalayan nakatulog na pala ako
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceSi Sandra Charlize Balbuena isang babaeng nanangarap na makahanap ng "forever". May kalog,maingay,matapang at mapagmahal sa kapwa . Si Alexander Luis Garcia-magalang sa mas nakakatanda,snobber,tahimik. Paano kaya kung mag tagpo ang kanilang landas...