3:00 am

866 30 3
                                    

"Babyy~" mahinang sabi ni Irene sa akin, "inaantok pa ako." she yawned.

Bumangon naman ako habang kumukusot ng mata, "sige, ako nalang ang magpapatahan kay baby." I sighed. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta dun sa duyan ng anak namin. Napangiti ako nang makita ko ang kabuuang mukha ng baby namin ni Irene.

"Aww, baby, buti nalang cute ka." I chuckled while staring at her, she looked like an angel. Biyaya sya.

"Hmm, matulog ka na," I kissed her forehead. Pinainom ko sya ng gatas at hinele hanggang sa makatulog sya.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Kamukha nya si Irene sa labi, ilong. At kamukha nya naman ako sa mga mata ko. At masaya ako na dumating sya sa buhay namin… kahit na pareho kaming babae ni Irene.

Binaba ko na sya sa duyan nya at mahimbing na nga syang natutulog.

Bumalik na din ako sa kama namin ni Irene at pagkahigang pagkahiga ko, niyakap nya ako sa bewang. "Sorry, baby, alam kong ako dapat ang magpapatulog sa kanya ngayon… pagod lang kasi talag ako," Irene sighed.

Hinawakan ko naman ang mukha nya. "It's okay, baby, hindi naman bigdeal yun. Ok na sa akin na isinilang mo ang napakagandang bata na kagaya nya." I smiled at her, "our daughter."

Sumiksik sya sa akin at hinalikan ako sa labi, "thank you sa pagintindi sa akin. I love you."

Niyakap ko sya at kuntentong ngumiti. Wala na akong mahihiling pa. "I love you too."

3:00am || seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon