Prologue

123 5 1
                                    

Masakit pala.

Masakit pala kapag yung mahal mo ay may mahal ding iba.

Umasa ako.

Umasa akong ako ang mahal niya pero hindi pala.

Ang tanga ko.

Ang tanga ko kasi naniwala ako sa mga matatamis na salitang binibitawan niya sa tuwing magkasama kami.

"Gela"

"hmmm?" tipid na sagot ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa direksyon niya.

"Bakit hindi mo na ako kinakausap?" nagulat ako sa tanong niya. Napansin niya pala 'yun.

Isang linggo ko na siyang iniiwasan simula nang malaman ko na naging sila ulit ng ex-girlfriend niya.

"H-Ha? Anong ibig mong sabihin?" pinakalma ko sarili ko. Ayokong mahalata niyang apektado ako sa mga nangyari.

"Hindi mo na kasi ako kinakausap eh napansin ko lang. May problema ba?"

Oo. May problema nga. Ayaw muna kitang makasama. Kasi sa tuwing magkasama tayo walang oras na hindi mo binabanggit saken yung pangalan ng girlfriend mo! Hindi mo ba alam na nasasaktan din ako? Nakakainis ka talaga! Daig mo pa ang walang pakiramdam sa sobrang manhid.

"Ano ka ba" pagsisimula ko. "Pasensya ka na medyo busy lang hehe" nagpapakamartyr na naman ako. "Babawi nalang ako pag medyo hindi na ako busy" pilit kong ngiti habang titinignan ko siya. 

Nasa classroom kami ngayon. Magkaklase kami kasi pareho din naman kami ng kursong kinuha kaya malabong hindi kami magkasama sa mga major subjects.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo?" matanong talaga 'tong kumag na toh eh. Alam kong hindi ako tatatantanan nito hangga't hindi niya nalalaman kung anong pinagkakaabalahan ko.

"Basta wala ka na dun!"

"Ano nga kasi?"

"Basta nga!"

"Baka pwede kitang tulungan. Hindi naman ako busy eh."

Talaga? Halata namang busy ka sa girlfriend mo ngayon eh. Tapos sasabihin mo tutulungan mo ako? Huwag na uyy!

"Hindi okey lang, kaya ko pa naman eh. Tsaka malapit na rin naman akong matapos."

May tinatapos akong project sa isa sa mga minor subjects ko na feeling major kaya medyo busy talaga ako. Mas okey na rin yung ganto para hindi ko siya lageng naiisip.

"Sure ka?" ang kulit talaga niya noh? Hindi ba siya titigil. Sasapakin ko na talaga toh 'pag hindi ako nakapagpigil.

"Oo nga." diniinan ko yung pagsagot ko baka sakaling hindi na niya ako kulitin.

"Teka lang magsi-CR muna ako saglit medyo naiihi ako eh" sabay tayo tsaka mabilis na lumabas ng classroom.

Hindi naman talaga ako naiihi eh. Dinahilan ko lang yun para umiwas sa kanya. Ayoko muna talaga siyang kausapin sa ngayon. Masyado akong naging apektado sa pagkakabalikan nila ng ex- niya.

Naiinis ako sa sarili ko. Ba't ba ako nagkakaganto eh wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa.

Magkaibigan lang kami. Lagi ko naman 'yang sinasabi sa sarili ko pero nangingibabaw pa rin talaga 'yung nararamdaman ko para sa kanya.

Mas minahal ko siya nang higit sa kaibigan lang. Pero hindi ako umamin sa kanya kasi baka masira 'yung pagkakaibigan na matagal na naming binuo.

Mas mahalaga sakin 'yun.

Ang hindi ko lang kasi maintindihan bakit pinaramdam niya saken noon 'yung pakiramdam na "Parang Kami" tapos bigla-bigla nalang silang magkakabalikan ng ex- niya. Ang unfair niya naman sakin.

Ganto naman talaga problema sa mga babae eh. Madaling ma-fall kahit hindi naman sigurado na sasaluhin.

Hindi ko namamalayan na nakarating na pala ako sa CR. Pumasok ako sa loob. Sa Female Section. May malaking salamin sa loob tsaka apat na cubicle kaya medyo malawak ang lugar. Sinadya talagang lakihan para maiwasan ang pagsisiksikan sakaling madaming estudyante ang magbabanyo. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Kahit hindi naman ako naiihi o ano, gusto ko lang munang magpalipas oras sa loob.

Papasok na sana ako ng biglang narinig kong nagsara ang pinto.

Sinilip ko kung sino 'yung huling pumasok at nagulat ako sa nakita ko.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Hindi ko alam kung malakas lang ba ang trip ng lalaking toh kasi bigla-bigla nalang pumapasok ng banyo eh alam naman niyang female section toh. Sinusundan niya ba ako?

Imbis na sagutin ang tanong ko eh unti-unti siyang humakbang papalapit sa direksyon ko.

"H-huyy! H-hindi mo ba alam na trespassing 'yang ginagawa mo? M-may CR naman kayong mga lalaki eh ba't hindi ka 'dun magCR."

Hindi pa rin niya ako sinasagot. Konting hakbang nalang sobrang lapit na niya saken.

Ewan ko pero ramdam ko na naman na bumibilis ang bawat tibok ng puso ko. Ano ba? Kailan ba siya titigil?

Feeling ko matutunaw ako sa mga titig niya. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inches nalang ang layo naming dalawa. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nya. One wrong move, at magkakahalikan na talaga kami.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" seryoso niyang tanong at hindi pa rin niya inaaalis ang mga titig niya sakin.

"H-ha? H-hindi ah! B-ba't naman kita iiwasan? anubayan nauutal talaga ako kapag gantong kaharap ko siya nang malapitan.

"Talaga?" mas nilaliman niya ang pagtitig sa mga mata ko na tila gusto niyang manigurado sa bawat isinasagot ko kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"O-oo naman!" tila sasabog na ang puso ko. Hindi na ako makakatagal sa ganitong posisyon naming dalawa.

At bago pa ako makaisip ng paraan para makatakas sa kanya ay hinapit na niya ang beywang ko palapit sa kanya.

Nagulat ako at aakmang itutulak siya pero huli na ang lahat dahil mas nagulat ako sa sunod na nangyari.

Hinalikan niya ako.

Tila kuryente na dumantay ang mga labi niya sa mga labi ko at mas lalo akong nanigas sa kintatayuan.

Parang tumigil saglit ang pagtakbo ng oras at ang tanging naririnig ko lamang ay ang nakakabinging tunog ng bawat pagtibok ng aking puso. Nakakapanghina.

Kung hindi lang nakasuporta ang mga braso niya sa likod ko ay sigurado akong kanina pa ako natumba sa sahig.

Pero pinilit kong mag-ipon ng lakas at sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mas malakas siya sakin kaya wala akong nagawa dahil mas lalo niyang hinigpitan ang paghapit sa beywang ko at mas nilaliman niya ang halik na namamagitan sa aming dalawa.

Pareho kaming naghahabol ng hininga matapos ang halik na 'yun.

Parang nagising ako sa realidad at nasampal ko siya na kanya namang ikinagulat.

Angel's note:

I will be busy with my studies sooner because second semester is near. So yeah, I will be updating this story every once a week.

Please leave your comments if you want any updates.

Your votes are highly appreciated.

Thankyou for reading and pls. don't forget to follow me.

The next part of this story will be published on Oct. 24, 2017.

The Bad Boy (Maris Racal and Iñigo Pascual)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon