MAXIM ULTIMA

0 0 0
                                    

                  JANE

MABILIS ang takbo ko kahit pawis na pawis na ako. Lalo kong binilisan ang takbo nang makatapak ako sa huling baitang ng hagdanan. Bakit ba kasi ang lawak ng building?

"HOY IBALIK MO YAN!" naghihikahos kong sigaw. Nasa Westwing ako ng main building kaya tsak madadaanan ko ang room ng mga professor pero wala akong pake. Basta ang importante lang mahabol ko yung mokong na 'yon.

"HOY KAPAG NAABUTAN KITA BUGBOG AABUTIN MO!" patuloy ko pa ring sigaw kahit malapit na ako mapagod. Halos 20 minutes na kong tumatakbo para mahuli't mabugbog ang hinahabol ko.

"HAHAHA 'DI MO KO MAABUTAN" sagot niya nang hindi ako nililingon.

At talagang nakuha niya pang tumawa? Hindi ba siya napapagod? I swear if ever na mahawakan ko siya yari siya sa'kin.

"ARRGHHH!" Dahil sa inis na inis na ko, lalo ko pang binilisan. Mabilis siyang lumiko nang marating niya ang dulo ng corridor. Paliko na ko nang maramdaman ko na bumigat na ang paa ko dahil sa pagod pero...TULOY PA RIN!

Maabutan ko na dapat siya nang bigla ako nadulas! Napaaray na lang ako habang nakahawak sa bandang likod ko dahil sa sakit.

"HAHAHA! T.A.N.G.A!"

Gggrrrrr! Ginigigil talaga ako nang mokong na'to!

" BAKLA KA!" napasigaw ako sa inis dahil imbes na tulungan niya ako, nang-iinis lang siya! May lalaki bang ganun?!

Agad akong tumayo nang mapatay ko na siya para mapatahimik ko na yang maingay niyang bibig at makuha ang ninakaw niya.

"Bleh bleh bleh!" sabi niya with matching dila pa! Aba't ginigigil talaga ako ne'tong mokong na ito ha! Sige wala na akong pake bawal man o hindi pinilit mo ko!

Kumumpas ako ng saglit at sabay sigaw ng "BLINK!"

Everything went in a flash.

Ang kaninang hinahabol-habol ko ngayo'y abot kamay ko na.

*THUDS!*

Bigla akong nagteleport sa likod niya na sakto lang ang distansya para ma-flying kick ko siya. Sakto at tinamaan siya, ramdam na ramdam ko sa sapatos ko yung likod niya na medyo nakabend dahil sa pagkakatadyak ko.

"WAAHHHHHH!!!!"

*SHRING* <- (sound effect haha bear with me)

The next thing I saw was flying shattered glasses.

Tsaka ko lang napagtanto na na-flying kick ko pala siya papalabas ng bintana na naging dahilan ng PAGKAHULOG NAMIN NGAYON SA 3RD FLOOR NG BUILDING!

Gagamit na dapat ako ng "Blink" pero hindi na umabot.

*SPLASH*

*THUD*

May mga nakita akong lumapit sa akin.....

Kahit medyo lumalabo na ang paningin ko nakikita kong may bahid nang pag-aalala ang nga mukha nila....

And then there was darkness......

Asan na siya?!

E-eve?!

Jane!

Nagising na lamang ako sa ingay na narinig ko. Kung nasaan ako hindi ko alam kaya nilibot ko ang paningin ko. Kahit medyo malabo alam kong nasa clinic ako ngayon ng Academy. At base sa buhok nakilala ko yung dalawang sumigaw ng pangalan ko kanina.

"Ang ingay...."I muttered.

"JANE!"

"J-jane!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arzen Academy of MagiWhere stories live. Discover now