Nagkakilala Sila

77 4 2
                                    

<Nasabi ko na sa titulo ang mangyayari kaya wag mo na itong basahin.



Bakit ba ang kulit mo?


Ang sabi ko, wag mo nang basahin.



Mapilit ka talaga?



Handa ka bang masaktan?



Tumawa?



Mainis?






Magalit?





Sige. Mapilit ka eh. Hindi mo ito kwento. Kaya wag kang asado.




Ito ay kwento niya.







Oo, siya nga...







Kilala mo ba siya?







Siya nga pala si (wala akong maisip na pangalan ng babae kaya ikaw na magdagdag).







Isang babaeng nung naghulog yata ng katangahan sa mundo ay mulat na mulat.







Oh siya, mapilit ka di ba? Tunghayan mo ngayon ang kaniyang istorya.







Limang minuto.
Ito na yata ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay ni (babae). Hinihintay niya na idismiss na sila ng Math teacher nila. Paano ba naman ay wala naman siyang maintindihan dito.

"when you get the value of x..."

Bakit nga ba kasi kailangan alalahanin pa ang x... Eh kaya nga ex kasi tapos na hindi ba?

Ay, iba bang ex ang tinutukoy ng titser niya? Sorry naman. Bitter ang nareytor ninyo.

Pero habang pumapatak ang kada segundo ay tila ba humahaba naman ito. Napakamot sa ulo si (babae), pilit kinakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng malate sa gig niya.

........kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnggggggg......

At ayun na nga ang matamis na tunog ng bell. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng pinto. Sa kanyang pagtakbo sa hallway ay nasalubong niya ang kaibigan niyang si Ayra.>

"Hoy, (babae) bilisan mo mahuhuli na tayo! Magagalit na naman si Manager X niyan eh." humahangos na sabi ni Ayra.

"Wait lang, tsong. Madadapa na ko nito eh."

"Bakit ba kasi yanh Math teacher ninyo sinasagad talaga ang turo sa inyo, as if naman may natututunan kayo."

"Trut. Yaan mo na. Tara!"

(sumakay ng jeep)
(nag123)
(bumaba sa Owl's View Cafe)
(Pumasok sa pinto)

"OI MGA BRUHA BAKIT NGAYON LANG KAYO HA? ANDAMING KOSTOMER DOON. BILISAN NINYO! MGA BRUHANG TO!"

"Yes po, Sir Xander."

"BRUHANG TO! IT IS MANAGER X. HMP!"

(umakyat ng stage)
(sinet-up ang gitara at mikropono)
(umupo)

<gusto mo bang mafeel? Patugtugin mo yung "Malaya" ni mareng Moira>

"Ito pong kanta na 'to ay para sa mga nagmahal, nasaktan, ngunit patuloy na umaasa."

//parang ako.// <naisip ni (babae)>

Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

<Kagaya ng mga cliché na pelikula at kwento, syempre bumalik sa kanyang alaala si Rob. Oo, tama ka. Yung ex jowa niya sa loob ng siyam na taon na pinagpalit siya sa isang mukhang seafood na babae.>

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

(insert flashback ng date nila sa Baguio)
(insert binyag ng anak ng kapitbahay nila)
(insert pagkain ng pishbol sa kanto with matching subuan moments)

Baka sakaling makita kitang muli

//asa pa ko. May iba na siya...// <sambit ni (babae) sa sarili>

Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

//babalik? (curses in all languages) yan! Pinagpalit na nga ko sa mukhang hito na yun tapos babalik? Kapal niya!//

Malaya ka na, Malaya ka na...

<Gusto naman na talagang palayain ni (babae) ang kaniyang nararamdaman. Bukod kasi sa toxic, nahihirapan na din siya. Matapos kumanta, napansin niyang hilam ng luha ang kaniyang mga mata.>

(nagpalakpakan ang mga tao)
(may pastanding ovation si mayor)
(with matching sipol on the side)

"Kung may request po kayo na kanta, pwede kayong lumapit sa entablado. Gayun din po yung mga gustong maki-jam samin."

<Bigla siyang nakarinig ng bulung-bulungan at impit na tili mula sa mga nasa loob ng coffee shop/ gig bar na iyon.>

(insert spotlight)
(lumabas mula sa kawalan ang isang anghel este tao pala na mukhang anghel)
(natulala ang ate mong girl)

"Miss... Uhm... May I sing? You said that anybody could perform..."

"Ah! Yes, sir. Anong kanta?"

<Ang damuhong lolo mo, lumapit kay Ayra at bumulong. Nakangisi naman siyang tinignan nito.>

¤Writer's Corner¤

Ano kaya ang kakantahin ng bago nating fafa...

Este, tauhan sa kwentong ito?

Abangan...

O pwede ring wag na...

Sa susunod na kabanata ng...

SOCO... JOKE!

fin.

Hindi Sila NagkatuluyanWhere stories live. Discover now