"Di Bale Na"

6 0 0
                                    

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang pagkabiyak ng aking pusong labis na nasaktan.
Nasaktan nang dahil sa aking kahibangan,
Kahibangan na kailan may hindi magiging katotohanan.

Isang gabing puno ng hinanakit
At sa sarili'y aking nasambit, "Kailan pa ba?"
Kailan ko pa ba hinayaan ang sarili kong masaktan, magsakripisyo para lamang sa kaligayahan ng iba?
Kailan pa ba?

Dati kasi noong bata pa ako, kahit ni isang pirasong kendi ipagdadamot ko.
Sa tuwing may umaway sa akin, babantaan ko pa na, "Isusumbong kita sa tatay ko!"
At higit sa lahat kapag nadapa o di kaya'y nasugatan ako, gusto ko mawala agad ang hapdi nito.
Pero ngayon wala na, wala na akong pakialam sa sarili ko.

Tandang-tanda ko pa noong una kong masilayan ang iyong mga mata,
Flag ceremony nun sa may pathway banda.
Medyo nalate ako kaya sumingit sa pila.
Sabi ko pa nga sayo, "Makikiraan lang ha?" at ngumiti ka pa.

Doon na, dun na nagsimula ang lahat.
Nagkakilala tayo dahil sa kaibigan mong apat.
Akala ko hanggang dun na lang yun
Pero dumating pa pala sa punto na parang magkapatid na ang ating turingan.

Sa tuwing gigising ako sa umaga,
Ang ngiti ko'y abot tenga
Na tila hindi maipinta
Ang kasiyahang iyong ipinadama.

Dumating ang araw na tila ako'y kumakapit na lang sa isang kahoy na mukhang mababali na rin
At yun, di nagtagal nahulog na talaga ako sa bangin.
Nahulog na talaga ako sayo sinta
Pero ang masaklap hindi mo naman ako sinalo bigla.

Nahulog ako sa bangin nang puno ng bali sa katawan.
Ay mali pala, ang puso ko ang labis na sugatan.
Ang hirap ng aking pinagdaanan
Sa bangin na ngayo'y akin ng kinakatakutan.

Nalaman kong mayroon ka palang nililigawan
Kaya ayun isinantabi ko na muna ang sarili kong kaligayahan.
Hindi pa rin ako nagpatinag sa aking nararamdaman,
Nagpatuloy pa rin ako't hindi ka binitawan.

Kailan pa ba?
Kailan ko pa ba sinanay ang sarili ko sa mga katagang "di bale na"?
Di bale na, di bale nang magmukhang tanga na habol ng habol kahit alam kong may mahal kang iba.
Di bale na, di bale nang masaktan basta't makita lang kitang masaya kahit sa piling niya.

Di bale na, di bale nang magpanggap ako.
Oo, tama ang narinig niyo nagpapanggap lang naman ako.
Nagpapanggap na bato kahit na ang totoo isa na lamang akong salaming basag na nagkanda pira-piraso.
Pag ikaw nabubog, ewan ko na lang sayo.

Pero wag kang mag-alala mahal, pilit kong ipaglalaban ito.
Pilit kitang mamahalin sa ayaw o sa gusto mo.
Di bale na, di bale nang masaktan
Kesa matalo nang hindi man lang lumaban.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Di Bale Na"Where stories live. Discover now