CHAPTER 46

63 18 1
                                    

"Stay away from him... He's a criminal..."

"Devin has no heart. He is killing not only for fun, but he is kiling because of power..."

"I know him better than you do. You can't trust him!"

"Just stay away from that criminal, Queenie! He will soon kill you believe me!"

"I love you, Devin..."

"You are... Important to me..."

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Ano pa nga bang aasahan ko? Akala ko paggising ko nasa bahay na ulit ako, na normal na ang lahat, na wala ako rito. Pero nandito ako ngayon sa malamig na sahig... Nakahiga, walang magawa at maga ang mata.

Naramdaman kong tumulo ang luha mula sa lapag na pinag-hihigaan ko. Ramdam ko ang puso ko na sumasakit. Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay ang sumuko. Para bang wala ng kwenta ang lahat. Sila Mommy at Daddy... Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon at hindi ko alam kung ano nang ginawa ni Devin sa kanila.

Naging sunod sunod ang pagpatak ng luha ko sa sahig. Wala na akong pakelam kung pati ang sipon ko ay tumulo na rin. Hindi na sa'kin importante yun. Mamamatay din naman ako... Sa kamay ng taong mahal na mahal ko.

Narinig kong bumukas ang bakal na pinto hudyat na may papasok ngunit wala akong lakas ng loob para harapin 'yon. Alam kong si Devin yun at malamang, nagawa na niya ang planong pagpatay sa magulang ko. Hindi ko maiwasang masaktan sa katotohanang ako na ang susunod. Na pinatay ang parents ko na nag-mamalasakit lang naman sa'kin pero nadamay dahil sa kalokohan ko at kapusukan. Gusto kong manghingi ng patawad, but it's too late isn't it?

Dahan dahan siyang lumakad palapit sa'kin. Napapikit ako ng makita ang mga paa niya sa mismong harap ko na. Nagdadasal nalang ako na may himalang mangyari kahit na alam kong out of 100 ay 1% lang ang pag-asa kong mabuhay.

Lord, sana man lang binigyan niyo ako ng pagkakataon makita at makahingi ng sorry sa mommy at daddy ko...

"Queenie..."

Unti unti akong dumilat. Nakaupo siya gamit ang isang tuhod at nakatingin sa'kin ng diretso.

"S-Seinji..." Hirap kong sabi. Matagal siyang nakipagtitigan sa'kin.

"Tumayo ka dian." Utos nito pero naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko. Pinapatayo niya ba 'ko dahil papatayin na ako ni Devin? "Don't worry, hindi pa niya napapatay ang mga magulang mo."

Nanlaki ang mata ko at awtomatiko akong napabangon dahil sa narinig. Ibig sabihin ay buhay pa sila at maliligtas ko pa.

"N-Nasan sila? Si Devin nasan siya?" Natatarantang tanong ko.

"Nagpahinga siya matapos gamitin ang illusion sa inyo. Malaking lakas kasi ang kinakailangan para doon."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti, "I'm here to help you out."

Seinji...

"B-Bakit?"

"Dahil alam kong wala kang kasalanan dito. Kanina pa ako nakokonsensya pero sinusubukan kong pigilan yun. Ngayon, umalis ka na at lumayo."

"Paano ang mommy't daddy ko??"

"Susubukan ko silang iligtas. Ang importante ay makaalis ka na."

Hindi ako nakasagot dahil sa lubos na pagkagulat sa ginagawa ni Seinji. Kaanib siya nila Devin at Yumiko pero hindi ko alam na sa kabila 'nun ay mas kakampihan niya ako. Mabait si Seinji pero mas marami na silang pinagsamahan nila Devin kumpara sa'kin.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now