Sassy's POV
"Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your ficture in my head
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"~"
Napatigil ako bigla ng marinig ko ang kanta na yun, kantang kahit kailan di ko malimutan.
Kantang nagpapaalala ng nakaraan na sabi ng kinabukasan ay dapat ko ng kalimutan.
"Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke – I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I'm still in love with you?~"
Pilit ko mang hindi intindihin yung kanta ay pumapasok padin siya sa tenga ko at sinasaktan ang puso ko.
Kainis naman yung costumer na nagpapacheck-up ng aso niya kailangan pa talagang iloudspeaker yung tugtog? Uso headphone! Kumunot nalang ang noo ko sa patuloy niyang pagpapatugtog nun.
"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving~"
Na-aalala niya pa kaya ako? Kaya nga pinili kong magtayo ng clinic dito para kung sakaling bumalik siya ay makita niya agad ako.
Nakita ako ni Fatima, ang assistant ko na halos pumutok na ang litid sa inis dahil damang dama ko yung sakit ng kanta kaya nilapitan niya ako.
"Okey ka lang Doc?" Tanong niya saakin na halatang alala dahil sa aura at sa itchura niya.
"Policeman says, "Son, you can't stay here."
I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year.
Gotta stand my ground even if it rains or snows.
If she changes her mind this is the first place she will go."~"
"Fatima ikaw na munang bahala dito? Eto yung dapat mong ibigay. Sigeee...... Chu tara" Nagmamadali akong lumabas ng clinic kasama si Chu ng marealize ko na di dapat ako sumuko, Kahit gaano pa katagal ang pagdating niya hihintayin ko siya.
Nahintay ko siya ng 4 na taon bakit hindi ko maipagpatuloy? Sasayangin ko lang yun para sa wala? Paano pag dumating siya?
Tumakbo kami ni Chu papunta sa lugar kung saan una kameng nagkita.... Lugar kung saan inamin namin na mahal namin ang isa't isa. Paano kung yung mga panahon na tumigil ako dumating siya? paano kung nagkasalisi kame?
Pagdating namin dun ay nakangiti akong umupo sa pavement, ang lugar na madalas naming pagkainan ng noodles habang nag-aaral ng sandamakmak na science.
Halos dalawang oras na kameng nakaupo sa pavement ni Chu, siguradong sarado na ang clinic. Ni hindi ko panga nahuhubad ang suot kong uniform. Nakakahiya tuloy kasi pinagtitingina kame ng mga tao.