Chapter 8

224 10 0
                                    


Cassandra's POV

"Cassandra, bukas na ang kaarawan mo. Anong plano mo ihja?" yan ang tanong saakin ni Manang Lordes.

At inilapag  nito ang bread at gatas sa munting table na nasa harap ko. Nandito kasi ako ngayon sa sofa nakaupo at nanonood ng balita.

"Hmmm, Hindi ko po alam kila mommy at Daddy." tanging na sabi ko at muling ibinaling ang paningin ko sa TV.

Yeah, kahit seperated ang parent ko. Hindi naman nawawala ang suporta nila saakin. At every birthday ko nandito sila. Kaso nga lang nauunang umaalis si mom. Dahil sa bago yang pamilya. Kailangan rin kasi siya.

Ilang oras akong nakaupo dito at nanonood lang. Bigla akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Nang tignan ko ang Screen nito, Si Mommy.

"Hello mom."

"Baby, how are you? " masaya nitong tanong saakin.

"I'm good mom, you?"

"I'm fine. Ok, tomorrow your birthday right. Nandito ako ngayon sa Airport baby."

Bigla akong napatayo at hindi mapigilang ngumiti.

"Really, mom Where? Here in manila or-"

"Yeah,... So, I hung up na. Kasi sasakay na kami. Tumawag ako para sabihin papunta na kami jan."

Sabay baba nito.

Tsk. Kasama niya siguro yung asawa niya. Kasi naman e, haist.

Kahit kailan kumukulo ang dugo ko sa asawa nito. Kasi lagi na lang iyon sagabal. Psh.



Ilang oras pa ang nakalipas ng marinig ko ang doorbell mula sa labas. Siguro sila na iyon.

Buti na lang nakaligo at nakabihis na ako ng maayos kanina.  Isang simpleng dress lang naman ang soot ko.

Napatayo ako ng makita si mommy mula sa aking pintuan at sasalubungin sana siya ng yakap.

Pero napa-atras ako ng makita ang pamilya niya na nasa likod nito, nakasunod.

Pilit akong ngumiti sa mga ito, akala ko yung asawa niya lang. Pero pati ang dalawang anak nitong kambal.

Si mommy ang lumapit saakin at niyakap ng mahigpit.

"I miss you my baby." bulong nito.

"Mom" naiiyak kong sambit.

I miss her too... Gusto ko maging selfish ngayon. Pwede bang ako muna ang priority niya kahit ngayon hanggang bukas. Kasi naman lagi na lang siya sa US para sa pamilya niya. Paano naman ako?

"Yes, baby" malambing nitong tugon.

Magsasalita sana ako, kaso nagulat ako ng lumapit saakin ang kambal at niyakap ako mula sa baywang ko.

"Hi ate." sabay nilang sambit.

Kung kanina nangingibabaw ang inis at inggit ko sa 4 yrs. old kong mga kapatid sa ina. Ngayon mas lalo akong naiiyak, bakit ang hirap tanggapin para saakin na may kapatid ako? Ang babata pa nila para mag-tanim ako ng galit sakanila. Inaamin ko naiingit ako sakanila.

"hello." lumuhod ako para pantayan sila. At hinalikan ang mga pisngi nila at niyakap.

"Why are you crying ate?" tanong nila saakin.

Pasimple akong nag-punas at nginitian ang mga ito. Sa katunayan hindi ko pinangarap na magkaroon ng kapatid. Dahil ayaw kong may kaagaw ng attention sa mom at dad ko. Pero eto may mga kapatid ako at ang nakakanis sa ina ko lang sila kapatid. Kaya nawalan ako ng attention kay mom.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Cyrus POV

Finally, konting tiis na lang makapasok na rin ako ng trabaho. Konting tiis na lang talaga, kasi naman last week ng makapunta ako sa address na binigay saakin ng matandang tsino na si Kim Chua.

Agad akong kinuha ng manager na nandoon. Pero hintayin ko na lang daw ang tawag. Kaya ayun, finally talaga.

Ang ibinigay kong number ay yung number ng telephono nila tita sa bahay nila. Buti na lang meron sila nun.

"oh! Mukhang natanggap kana ng trabaho ha, kaya ang saya mo ngayon"

"yes, tita at alam mo kung ano ang trabaho ko tita"

"ano?"

"kinuha akong isang model." nakangisi kong sambit.

Bigla itong nanlaki ang mata niya. At agad naman itong lumapit saakin at binati niya ako.

Hay, ilang araw kaya ako maghihintay sa tawag.

Yeah, masaya ako para doon. Sayang wala akong ma-contact sa Isabela. Para naman masabi sakanila na may papasukan na akong trabaho.

"Cyrus, gusto mo bang sumama saamin bukas?" tanong ni tita habang kumakain kami sa hapagkainan.

"Po?! Saan po ba ang punta niyo?"

Bigla itong ngumisi, kaya napa kunot ang noo ko.

"Kaarawan bukas ni Cassandra. Invited kami doon, remember kaibigan siya ni Hedrick." nakangiti nitong sambit.

Napa-isip ako bago nag-sink sa utak ko. Oo, nga pala kaarawan bukas ni Cassandra.

"Ay, wala akong magandang damit na sosootin tita. Atsaka, mga mayaman lang yung maaring pumasok doon." tanging sagot ko. Kahit sakatunayan gusto kong pumunta at muling makita si Cassandra.

"E, ano naman ngayon. Atsaka sa sosootin mo, walang problema jan. May mga damit si Hedrick sa kwarto niya."

"Ah, ganoon po ba? Pag-iisipan ko po?"

"O sige." nakangiting sambit ni tita.




Nandito ako ngayon sa bintana. At nakatanaw sa langit at hindi  maiwasang ngumiti. Ewan ko ba kung bakit na-eexcitement akong pumunta bukas.

Cyrus? Bakit ba nakakaramdam ka ng excitement ngayong gabi? Bakit parang nababaliw na ako? Ganito ba ang pakiramdam ng makita ang babaeng matagal ko ng hinahangaan?

She's my idol, pero bakit para saakin mas higit pa doon ang naramdaman ko ng makita siya sa concert niya.

I'm a fanboy, isa lang akong tagahanga niya. Maaring, hindi niya ako mapansin. Dahil isa lang akong hamak na tagahanga niya.

Ako si Cyrus Jhon Lopez, 21 yrs. Old, isa akong hamak na tagahanga ni Cassandra Reyes at possibleng mapansin niya. Sa milliong tagahanga niya. Isa ako sa mga taong nangangarap na makasama siya.

Cyrus, 21 kana pero na i-immature ka naman ata. haha?

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon