MONALISA

41 0 0
                                    

“Tao po! Tao po?! May tao po ba dito?” tawag pansin ni Arlene habang panay ang pagkatok niya sa nakasaradong pinto ng mansyon. Kararating niya lamang galing sa probinsya ng tawagan siya ng kanyang Tiya dahil may maganda daw itong ibabalita sa kanya.

Paulit ulit ang ginawa niyang pagkatok ngunit parang walang nakakarinig sa kanya. Naupo siya sa tabi ng pintuan. Hapong hapo na ang kanyang katawan at pagod na din siya dahil sa mahabang biyahe. Hindi niya na namalayan ng hilain na siya ng antok.

“Iha, Iha.” pukaw sa kanya ng isang matandang babae na napadaan sa mansyon. “Anong ginagawa mo dito? Maghahating gabi na. Umuwi ka na. Hindi mo ba alam na…”

Hindi na natapos pa ng matandang babae ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang napakagandang babae. May kulot kulot na buhok at nakasuot ng damit pangmayaman. Napakagara ng itsura nito. Tiningnan nito ang matanda. Nanginginig ang katawang agad na tumalilis ang matanda. Tila takot na takot ito sa nakita.

“Pasok ka Arlene, kanina pa kita hinihintay.” sabi ng mahiwagang babae sa kanyang harapan.

Tumuloy naman ang dalagang si Arlene. Hawak ang kanyang mga gamit ay pumasok siya sa loob ng mansyon. Napakaganda. Yun na lamang ang tanging naibulalas niya.

“Asan po pala si Tiya?” agad na tanong ng dalaga ng makaupo na ito sa napakalambot na sofa.

“Nasa loob siya at naghahanda ng pagkain. Ako pala si Lisa, ako ang amo ng iyong Tiya. Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas sa aking bahay.” Sabi nito sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.

“Nasabi na po sa akin ni Tiya Estella na naghahanap daw po kayo ng katuwang sainyong pagpipinta. Mahilig po akong magpinta. Fine Arts po ang tinapos kong kurso sa aming probinsya.” Sabi ni Arlene dito.

“Mabuti naman kung gayon. Nais kong makita ang galing mo dahil naikwento ni Estella ang iyong husay sa pagpinta. Sinabi niya rin na madami ka ng patimpalak na nasalihan.” Nakangiting tugon nito.

“Hindi naman po. Gusto ko pa ring pong matuto kung papayagan niyo po ako na magpaturo sainyo.” Nahihiyang tugon ng dalaga.

“Wala saking problema. Basta ba ay susundin mo lang lahat ng sasabihin ko ay magkakasundo tayo.”

Naputol ang kanilang pag uusap ng biglang sumulpot si Estella sa kung saan, nakapinta sa mukha nito ang saya at galak na makita ang pamangkin. Agad na lumapit ito sa dalawa.

“Mabuti naman at nakarating ka.” Sabi ni Estella sa kanyang pamangkin sabay yakap dito.

“Opo Tiya medyo matagal nga lang yung biyahe ko.”  nangingiting tugon dito ng dalaga. Hindi kasi sila masyadong malapit sa isa’t isa ng kanyang Tiya. Isa ng dahilan dito ay malayo ito sa kanila at bihira silang mag usap. Kapatid ito ng kanyang namayapang ama. Nabigla nga siya ng irekomenda siya nito bilang assistant artist ng amo nitong si Lisa. Pero dahil kailangan ng dalaga ng eksperyens sa trabaho ay tinanggap niya na ang alok nito. At malaki din kasi ang pangangailangan nila sa pera dahil na rin nabaon sila sa utang nung pinapaaral pa siya ng kanyang magulang, sumunod pa ang pagkamatay ng kanyang ama. Kahit malayo ito sa kanilang lugar ay pinilit niya talagang makapunta dito. Sayang rin kasi ang pagkakataon kung sakaling tanggihan niya ito.

“Ah Arlene mukhang gutom ka na. Halika sa kusina at ng sabay sabay na tayong makakain” sabi ni Lisa.

Tahimik na nagsalo salo ang tatlo sa marangyang hapagkainan na puno ng pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na siya ng kanyang Tiya sa magiging kwarto niya. Inayos na rin nito ang kanyang mga gamit. Bago nagpaalam ay pinagsabihan siya nito na huwag na huwag makikialam sa mga gamit sa bahay at kung ano man daw ingay ang marinig niya ay huwag siyang lalabas ng kwarto. Tumango na lamang ang dalaga biglang pagsang- ayon dito kahit na hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin. Pero tinandaan naman ng dalaga ang bilin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MONALISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon