Tanghali na at tulog pa din si Andy, nang biglang tumawag si Faith sa kanya.
"Andy! tara na alis na tayo!!!"
"Ha? maaga pa lang ah"
"anong maaga? 12:30 na kaya! dalian mo na dyan"
"Ay sorry sorry!! sige maliligo na ko, bye!"
Pag ka tapos niya maligo, nakita niya ang kapatid niyang si Erika at kinausap niya ito kung tutulungan niya ba si Andrew sa pang liligaw nito kay Faith.
"Ate, ano sa tingin mo tutulungan ko ba si Andrew para man ligaw kay Faith o hindi?" sabi nito sa kapatid
"Mahal mo siya diba? kung mahal mo talaga siya, gagawin mo para ma pa saya lang siya"
"Kahit na nasasaktan na ko? kahit na nag seselos na ko?"
"Alam mo dapat umamin ka na, hindi yung kinikipkip mo lang yan sa sarili mo dapat sabihin mo na yan sakanya, oo alam ko hindi dapat umaamin ang babae sa lalake pero nasasaktan ka na sa mga nakikita mo eh, syempre para aware din siya kung ano nararamdaman mo kapag ginawa mo yung isang bagay na ikatutuwa niya pero ikalulungkot mo naman, sabihin mo na yan Andy." sagot ni Erika sakanya
"salamat ate ah, pero susubukan ko umamin sakanya." ngumiti si Andy at umalis na
Nasa isang restaurant sila Andy at Faith, nag-uusap sila tungkol kay Andrew, kung ano bang nararamdaman ni Faith kay Andrew.
"So, diba best friend mo si Andrew?"
"Ah, oo simula nung bata pa kami"
"talaga? buti hindi ka nagkaka-gusto sakanya!"
"Ha! oo naman, hindi talaga ako mag kaka gusto dun no. Ikaw may gusto ka pa sakanya?"
ngumiti si Faith at sabay niyang sinabi na "Oo may gusto ako sakanya! M.U na nga kami eh"
"Ah talaga! nakaka tuwa naman, kasi dati akala niya hindi mo siya magugustuhan tapos ngayon M.U na pala kayo"
tumawa si Faith at sinabi niya kay Andy na "Sana maging kami na no?"
"Ah, oo naman! botong boto nga ko sainyo eh! ay Faith, nandito pala sila mama pinapapunta nila ako dun sa kinakainan nila ngayon eh. Thank you ah! sige alis na ko"
"Sige! next time na lang ulit, thank you din kasi sinamahan mo ko" sabay ngiti si Faith
ngumiti si Andy at sabay niyang sinabi na "Sige bye!"
Pag ka alis niya sa restaurant, pumunta siya sa C.R at pumasok sa isang cubicle at hindi niya ma pigilang umiyak dahil sa nalaman niya na M.U na pala sila ni Faith. Lumabas na siya sa C.R at naka salubong niya bigla si Elijah, at nag ice cream sila nito.
"Salamat Elijah ah!"
"Ano ka ba, okay lang yun" sabay ngiti nito
"So saan ka ba pupunta? baka na istorbo kita ah"
"Uy hindi ah. Bibili lang sana ako ng damit, ikaw saan ka ba pupunta?"
"Ha wala ah, tatawagan ko lang sana sila Nicole para mag Milktea kami, kaso naka salubong na kita kaya wag na pala"
ngumiti si Elijah at tinanong niya kay Andy na "may gusto ka pa rin ba kay Andrew?"
"Ha? paano mo nalaman yan?"
"Nahahalata ko kasi sa mga kilos mo, parang tuwang tuwa ka kapag nakakausap o nakaka sama mo siya"
"Buti ka pa na halata mo, samantalang siya hindi man lang ma halata na may gusto ako sakanya"
"Ayaw mo ba nun? kaysa naman pag nalaman niya iwasan ka niya, diba?"
"sabagay mas okay na ko ng ganun. Ikaw sino ba gusto mo?"
"uhm, secret but She's really beautiful and i really like her from the moment i met her"
"Wow ang swerte siguro nung babaeng yun! ang bait mo kasi eh"
Ngumiti ito at sabay niyang sinabi na "Andy! sorry i have to go, nag text na si Daddy eh aalis pa kami. Sige bye thank you sa time mo"
"Ah sige wala yun! bye ingat ka"
Hindi nag tagal si Andy sa mall at umuwi na rin siya, pag uwi niya nakita niya si Andrew na may dalang Milktea ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito kay Andrew
"Syempre dinadalaw ko lang ang best friend ko! oh ito milktea para sayo yan"
"Salamat! teka lang ano ba balita mo at pumunta ka pa dito!"
"yung plano natin bukas ah!"
"oo na! hindi mo man lang sinabi saakin na M.U na pala kayo!"
"Eh MU lang naman yun eh, buti sana kung kami na! wag ka nga mag tampo dyan"
biglang tumawa at sinabi niya na "Bwisit ka talaga! kumain ka na ba? kain ka dito oh"
"naks! bait ah. Sige kakain na ko gutom na gutom na ko, sa kaka hintay sayo no."
"ay sorry po ah, dahil pinag hintay kita! hindi mo naman kasi sinabi na pupunta ka pala. Sorry talaga ah!"
"Hindi joke lang! tara kain na tayo dito"
tapos na din silang kumain at umuwi na rin si Andrew, pero nag dadalawang isip pa rin si Andy na kung tutulungan niya ba si Andrew para ligawan si Faith o hindi, tinawagan niya si Nicole at nag pa tulong siya dito.
"Nicole! tutulungan ko ba siya?" tanong ni Andy ay Nicole
"Ano ba yan, Andy! pa ulit ulit na lang yan, syempre tutulungan mo para maging masaya siya diba, eh kung hindi mo naman kasi yun tulungan mag tatampo lang yun sayo!"
"oo nga naman, sige bye na mag iisip muna ako ng kung ano ano"
"Sige! ayusin mo yan ah"
"Sige sige bye!"
Binasa niya ang na ka sulat dun sa notebook na puro confessions about sa kanyang best friend na si Andrew, at dinag dagan niya pa ito para sa tamang panahon babasahin niya ito kay Andrew para malaman na din niya ang nararamdaman nito para sakanya.
BINABASA MO ANG
Helplessly falling in love (COMPLETE)
Novela JuvenilItong story na ito ay tungkol sa isang babae na matagal ng may gusto sa kanyang best friend na gusto lang din naman siya bilang kaibigan, at gusto na niyang umamin kung anong nararamdaman niya sa best friend niya pero natatakot siya baka masira...