Brixx's
Last day na namin na sabay sabay kumain dito sa bahay, Pagkatapos kasi nito mag sisiuwian na sila actually dapat kanina pa sila nakaalis kaso makulit ako at si Patricia kaya napilitin sila dito na mag lunch bago umalis.
Si Keichi lang talaga kulang dito samin, Magbabakasyon daw kasi siya sa korea kaya wala siya ngayon. Naawa din ako sa babaeng yun, kasi nagpakatanga siya kay Ivan inaasahan niya na mamahalin siya pabalik pero hindi naman mangyayari yun
Nandito kaming lahat sa Dining area, Kumakain habang nag kekwentuhan, Balak ko din na ligawan na si Gummy bear pagtapos nitong over night kuno namin. Alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya pero pinipilit koparin sarili ko, kahit hindi niya ako kayang mahalin gusto ko siyang pasayahin kahit isang buwan lang kaya itutuloy ko yung panliligaw ko sa kanya
Sa sobrang pag kekwento ko sa inyo nakalimutan ko ng kumain tsk, Tapos na tuloy sila. Mamaya na nga lang ako kakain "Pano ba yan? uwian na" sabi ni Vincy habang nagpupunas ng bibig
"Tara na? hatid kona kayo sa labas!" sabi ko sa kanila, nag sitayuan naman sila at kinuha yung gamit sa sala
"Salamat Brixx ha, Una na kami ni Gyanne" sabi ni Cassandra kaya tumango na lang ako
"Pre! Kita kits nalang sa susunod" sabi ni E.j habang tinatapik yung balikat ko
"Thank you Brixx. Alis na kami ni E.j" sabi ni Harlyn mukhang mag de-date tong dalawa hahahaha.
"Par una na kami" sabi ni Marcky at Vincy
"Sabay na ako sa kanila" pahabol naman ni A.j. Bale ang natira dito, ako si Ivan, si Gummy bear, si Ken, si Alliah, si Sheena at si Patchot
"Pano ba yan Tummy bear? una na kami" sabi ni Gummy bear
"Saglit lang papahatid ko na lang kayo, Kuya! Hatid mo nga po sila sa bahay nila. Thank you po!" lumabas na sila kaya lumabas na din ako
"Bye Brixx" sigaw nila
"Kuya alagaan mo si Gummy bear! Liligawan ko pa yan!" Sigaw ko sabay tawa
"Par! Una nako" sabi ni Ivan
"Teka par, pwede bang magusap tayo?" $abi ko sabay hawak sa balikat niya
"Tungkol ba to kay Cheska?" tanong niya kaya tumango nalang ako. Pumunta kami sa garden dun kasi masarap mag usap, makakapag relax pa.
Umupo muna ako sa upuan na nandito sa garden "Par. Liligawan ko si Cheska ng isang buwan, pero pag hindi nag click.... hahayaan ko na siya " paninimula ko
"Wala akong paki alam, basta nandito lang ako lagi sa tabi mo.... nakasuporta sayo" sabi niya tapos lumabas na ng bahay namin,
"Anu problema nun?" tanong ko sa isip ko, pero kahit papano masaya ako, kasi kahit na alam kong may battle between me and him ay suportado pa din namin ang isa't-isa
Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi...
Nandito ako ngayon sa kitchen, Nanaginip kasi ako ng masama kaya nagising ako. Naiisipan ko munang bumaba para uminom ng tubig. May narinig akong tunog ng gitara kaya sinundan ko, Tapos nakita ko si Ivan na nag gigitara habang si Cheska lumalapit sa kanya
Aaalis na sana ako pero ayaw gumalaw ng paa kaya naisipan ko munang umupo sa upuan dito at pinapanood sila
Biglang tumigil si Ivan sa pag gigitara tapos nilagay niya yung gitara sa tabi niya. Nag uusap sila pero hindi ko naririnig. Alam kong masasaktan ako dito sa ginagawa ko kaso hindi ko alam kung bakit gusto kong palaging kasama ni Cheska yung palagi niyang katabi palaging nag papatawa sa kanya.
Tama nga si Ivan, Walang rason ang pag mamahal, Biglang humiga si Ivan at gumaya si Cheska, Ilang sandali lang nakita kong hinawakan ni Ivan yung kamay ni Cheska kaya parang may kumurot sa puso ko, Hindi kona napigilan kaya tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko .
Keichi's
"So... kausta na kayo ni E.j sis?" tanong ko kay Harhar, Kasama ko kasi siya at si E.j kaso pinapasyal muna namin si budoy kasi girls talk muna "Hahaha ayun, Katulad ng dati, ganun parin"
"Kamusta kayo dun sa bahay ni Brixx?" tanong ko
"Masaya naman, Mas masaya nga kung nandun ka" sabi niya with lungkot expression
"Hahaha gusto ko ngang pumunta eh, kaso aalis ako, mag babakasyon muna ako sa Korea"
"Dahil sa nangyari sa inyo ni Ivan?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko "Sis, Alam ko nasasaktan ka, kasi dapat hindi mo sineryoso si Ivan kilala mo naman yun diba?, Bestfriend niyo akong dalawa kaya ayoko mangialam sa inyo pero sana wag mo ng guluhin si Ivan, Makipag kaibigan ka nalang, may mahal na yung tao sana matuto ka ding buksan yang puso mo sa iba" sabi niya. Ayokong umiyak ngayon kaya hindi ko namuna papansinin yung payo niya, Gusto ko mag saya ngayon.
"Hahahahahaha baliw. Oo nalang sis. Tara shopping na tayo!" sabi ko sabay tayo, Nakita ko sa mukha niya yung pag aalala pero nung ngumiti ako ng natural, Napalitan ng saya yung pag aalala niya.
Marami pa akong gustong gawin bago umalis dito sa pilipinas ,Mag papasalamat pa ako kay Vincy at iti-treat ko daw siya bago ako umalis, Ang yaman yaman magpapalibre, kuripot talaga
Marcky's
Nakauwi na ako sa bahay namin, Naligo agad ako gusto ko kasi magpahinga, Hindi kasi ako masyadong nakatulog dun kila Brixx simula nung aminin ni Sheena na may slight na gusto siya sakin. Kaya tuwing nagkakasalubong kami ngiting tagumpay ako hahahaha!
Hihiga na sana qko ng biglang may tumunog
Jonas callinggg..
"Ano balita?"
"Sir! May balak pong pumasok sa school niyo si master, Pagtapos ng vacation kaya ingat po" Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang pinatay yung phone.
Sino kaba talaga?
Someone's
Kakatapos ko lang magpatransfer sa Xavier school para makita ko yung mga SixErs. Excited na ako sa mangyayari.
"Master! Cheers!" sabi ng kainuman ko dito, Bawat galaw kasi namin nagdiriwang sila kaya nakikisali na lang ako. Mga atat mapabagsag yung SixErs
"Ivan. Humanda ka sa pagbabalik ko" sabi ko sa isip ko sabay inom ng alak
Alliah's
Nakauwi na kami dito sa bahay. Ang saya sa bahay nila Brixx sana maulit ulit yun, Si Sheena naman kinikilig kasi naamin na niya kay Marcky na may crush siya dun. Buti pa siya. Kasi ako sinabi ko na hindi kona mahal si Brixx pero ang totoo.... mahal na mahal ko pa siya. Nung una akala ko hindi kona siya mahal pero habang tumatagal bumabalik yun. Ang bait niya kasi, kaya ayun nafall ulit ako sa kanya. Sana lang salhin niya ko
May plan si Brixx sa panliligaw niya kay Cheska at kasama kami dun ni Sheena, Grabe, Ang sweet ni Brixx nung sinasabi niya palang samin yung plan alam kong maganda yung kalalabasan, Gusto ko sana siya pigilan at sabihing 'ako nalang Brixx, Wag na ang bestfriend ko please' kaso hindi pwede.
Kaya nag dadasal ako araw araw na sana hindi sagutin ni Cheska si Brixx alam kong masama yun pero kailangan kong gawin yun para sa kaligayahan ko, Kasi nasasaktan na ako ngayong nililigawan niya si Cheska paano pa kaya pag naging sila na. Hay. friendzone na nga bestfriend kopa niligawan
"Best! Bakit ka umiiyak diyan?" natauhan lang ako ng kausapin ako ni Cheska, Umiiyak na pala ako sa kakakwento sa inyo.
"Eh? Nakakaoyak yung palabas eh" palusot ko. Nanunuod kasi kami ng movie at sakto dun sa scene na nakakaiyak yung pinapanood namin
Si Sheena nag paalam sa amin na uuwi daw muna siya kaya ako, si Cheska, si ken at nanay rosing lang nandito sa bahay. Natapos na yung pinapanood namin pero nandito parin kami sa sala, si Cheska naman kain lang ng kain ng fries. Grabe ang takaw niya, Sa fries mo lang talaga siya mapapasunod. Sana mangyari lahat ng dinadasal ko, Gusto kong lumigaya kahit minsan.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Подростковая литератураonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible