Muling Ibalik

564 62 40
                                    



Muling Ibalik
Written by: warhiro

Warning: Errors ahead.

###


Nangako ako sa sarili ko na ayoko ng magmahal ulit, ewan ko lang pero mukhang pangatlong pangako ko na ito sa sarili ko na napako na lamang ulit.

Nakilala kita noong nasa middle school pa lamang tayo. 

Sa simula pa lang, alam kong nawi-weirdohan ka sa aking personalidad. Naalala ko pa nga yung un among impression sa akin eh. Inakala mong isa akong babaing may pusi na kasintigas ng bato. Nabago lamang 'yon nang tuluyang lumapit ang loob natin sa isa't-isa.

Naging best friend kita at lahat ng sikretong nililihim mo ay alam ko na. Alam ko nga na nanonood ka ng porn, haha.


Pero ayos lang 'yun sa akin dahil open minded naman akong klase ng tao at isa pa, alam ko na hindi babae ang turing mo sa akin.

Halos tatlong taon na tayong magbest friend. Tayo nga yung tipong hindi magawang mahiwalay sa isa't-isa dahil sa lakas ng closeness natin, na naging dahilan na rin kung bakit palagi tayong tinutukso ng mga kaklase natin.

Sa tingin nila, mag-syota tayo. Pero sa tingin nating dalawa, magkapatid tayo.

Palaging bukambibig ng mga kaklase natin ang:

"Yiiee, nandiyan na ang AshNan Couple!"

"Bridesmaid lang ako sa kasal niyo Ash!"

"Strong strong sila oh! Fighting!"

Pero Ren seryoso, alam mo ba kung ano ang naging resulta ng panunukso nila sa'tin?

Nahulog ako sa iyo! totoo yun pero... natatakot ako. Natatakot ako na baka masira ang pinagsamahan natin at baka mawala ka ng tuluyan.

Tinago ko ang aking nararamdaman sa iyo dahil sa takot na nabubuo sa aking sarili. Takot na baka iiwan mo na ako ng tuluyan. Ikaw lang talaga ang lalaking gusto ko at wala ng iba. Sabay tayong lumaki at magkasama na tayo simula pa noong nasa middle school tayo.



Pero, hindi ko inakala na dadating ang panahong ito.



Ang panahong kung saan akala ko ako lang yung nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Akala ko, one sided love ang mangyayari sa ating dalawa.





Akala ko solo lang akong nagmamahal sa'yo pero nagkamali pala ako. Naganap iyon nang uwian na natin noong hapon, nasa park na tayo noon kasama ang mga kaklase natin dahil Friday naman nun kaya magba-bonding daw tayong lahat as a team.





Hinintay mo lang noon na lumayo sa ating dalawa ang mga kaklase natin at nang tuluyang nakalayo na sila, tayo na lang ang naiwan.



Tinawag mo ako noon.





"Ash."





Tawag mo noon sa pangalan ko, humarap naman ako sa iyo noon at direkta kitang tinitigan sa mata. Hindi ako umiimik pa, nanatili lang talaga akong nakatitig sa kumikislap mong mga mata at hinihintay ang kasunod mong sasabihin.



Parang kinkabahan ako sa mga oras na iyon.

Yung parang nakaramdam ako ng takot nun at maraming bagay ang pumasok sa aking isipan. Iniisip ko noon na baka may malubhang sakit ka kagaya ng pneumonia, cancer o sakit sa puso o hindi kaya naman ay baka lilipat ka na ng school at huli na nating pagkikita ito at baka nalaman mo na may gusto ako sa iyo at magpapaalam ka na sa akin.



Muling Ibalik | ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon