High School Days, masaya ngunit mahirap, exciting pero minsan nakakatakot. Sabi nga nila, High School Life ang Pinaka masaya at ang pi............naka memorable na part ng pagiging estudyante. Dito rin nagsisimula ang cycle ng pagiging teenager, nagbabago ang ating physical apperance, ang pagsisimula ng ating "curiosity" sa mga bagay bagay, at syempre ang pagkakaroon ng mga "crushes"!
Love, Love, Love!
Di ko na alam kung love ba o admiration ang nararamdaman ko!
Love or Admiration?
Hmmmmm, Ewan!
Kasi tuwing nakikita ko siya, napapatutok talaga ako ng tingin sa kanya! Para bang kinukuryente ka at gusto mo ng sumabog!
Kaya nga minsan naiisip ko na magpa cute, pero di ko magawa kasi baka isipin niya na malandi akong babae.
Minsan nga nilalakasan ko na lang loob ko na sabihin ang tunay ko na nararamdaman sa kanyang harapan, pero di ko talaga kaya, di ko alam kung bakit.
Susugod sugod ako sa kanya, nagmumukhga naman akong tanga. Naisip ko na nga minsan na i-Stalk ko siya pero natatakot ako na baka mahuli niya ako, masisira pa pagkatao ko.
Oo, gusto ko nga siya pero pinangungunahan naman ako ng takot na baka tawanan niya lang ako at ipahiya sa maraming tao.
Minsan nga naiisip ko na time na siguro na kalimutan ko siya, pero ayaw ko naman makita na may kasama siyang iba. )=
Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito sa lalaking di ko naman alam kung nagseseryoso. Kaya heto, naging kontento na lang ako sa patingin-tingin at pasulyap-sulyap na hindi ko alam kung mayroon bang patutunguhan.
Kadalasan, tumatambay ako sa facebook, naghihintay na mag online ang pinapantasyahan kong ugok. Eh sa tuwing mag online nga talaga siya, di ko naman magawang mag type sa chat box para i-chat siya.
Naguguluhan na nga ako sa sarili ko, para akong gagang nagpapakatanga sa lalakeng di naman akong personal na kilala. Gusto ko na talagang lakasan ang aking loob, pero kapag nandyan na siya, eh nagmumukha naman akong bangkang taob, parang alikabok na hinagip ng ihip ng hangin.
Isang araw biglang nagbago ang lahat, mukhang interesado siya sa akin, siya na ngayon lumalapit sa akin. Teka lang, tootoo ba to? May ngiting lumabas sa aking mga labi, pero may halong lungkot. Bigla ko na lang nasabi sa aking sarili na "Kapalaran nga naman, ngayon lang siya nagparamdam, eh may iba na akong mahal." Napagtanto ko na lang na tama naman ang aking ginawa, di ko pinagsisisihan kung anuman ang naging desisyon ko sa buhay. Dahil ako ay naniniwala, kung ang dalawang tao talaga ang itinadhana sa isa't isa, kahit ano pang pagsubok, sa kahuli hulihan ng lahat, sila at sila pa rin ang pagtatagpuin ng kapalaran. )=
.
.
.
.
.
.
.
Bakit ngayon ka lang ba nagparamdam?
.
.
.
.
Bakit?
.
.
.
.
.
.
Sayang naman...........
.
.
.
.
.
.
May mahal na akong iba........................)=
WAKAS
BINABASA MO ANG
High School Romance Revelations: Collection of One-Shot Romance Stories
Teen FictionJust a compilation of various mainstream Filipino High School Romance Stories.