Chapter 15

17 1 0
                                    

Kyla's POV

"Kilala mo sila?" Nagtatakang tanong ni Rueben.

"No. We don't know her..." Malamig na sagot ni Rio at binalingan ako "right?"

"Yeah."

-------------------------------  

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Mang Roberto ang driver naman nasa dulo nang hagdan.

"Magandang Umaga po" bati ko dito nang tuluyan na akong makababa ng hagdan.

"Magandang Umaga rin ma'am, nandito po pala si Sir Rio nasa Garden po may kasama."

'Ang aga naman ata nun?'

Tumango lang ako kay mang roberto at nagtungo sa kusina "Jessie? Paki dalhan ako ng Breakfast sa Garden" utos ko kay Jessie nang makita ko ito nag-aayos ng mesa.

"Opo ma'am"

Umalis na ako sa kusina at pumunta ng Garden kung saan nakikita ko si Rio na nakaharap sa direksyon ko at may kaharap na dalawang babae? Baka si Ruthy.

Nakita naman ako nito kaya kumaway ito, nagtungo ako sa kanila at hinalikan si Rio sa pisnge at umupo sa tabi nito.

"Darion, ang aga mo naman ata? Mamaya pa ang punta ni Kael dito" pinapapunta ko kase siya kase may paguusapan kami kasama ang secretary ko.

"Morning, gusto ka kaseng makita ni Ruthy." Napalingon naman ako sa harap ko at nakita si Ruthy na nakanguso, may katabi itong babae na nakangite saakin.

"Hi ruthy, it's good to see you again." tumayo naman ako at lumapit sakanila at hinalikan si Ruthy sa pisnge.

"Hi ate K, namiss na po kase kita..." namumula naman ito kaya natawa nalang ako "tska para narin po ipakilala ang bestfriend ko sa inyo."

"H-hi po, Ruth Glenn or ruru p-po pala"  nahihiya nitong pagpapakilala sa pangalan.

"Hello ruru, i'm your ate K naman, please don't be shy."

"Cool po ate noh? Parehas po kami ng pangalan at edad 11 HAHAHA." natawa naman ako sa kakulitan at kagiliwan ni Ruthy.

Napalingon naman ako kay Ruru na nakatingin kay Rio na nakangite kay Ruthy, lumingon ito saakin at nag iwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sakanya.

------

"GUSTO KITA RIO! GUSTONG-GUSTO KITA!" Tanaw at rinig ko mula rito ang sigaw ni Ruru habang umiiyak na nakaharap kay Rio habang si Ruthy naman ay nakasalampak sa sahig at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha at umiiyak rin.

"PERO BESTFRIEND MO ANG GIRLFRIEND KO!" Hinawakan naman ni Rio si ruthy at tinulungan ito tumayo.

"Ka-kaylan pa r-ruru?" Pahikbi hikbing tanong ni Ruthy habang nakahawak kay Rio para sa suporta.

"Simula nung nakita natin siya. AKO ANG UNANG NAKAKITA SA KANYA! INAGAW MO SIYA, INAGAW!" Akmang sasampalin na sina niya si Ruthy ng mabilis akong nakalapit sakanila at napigilan ang kamay nito.

"Tama na yan" malamig kung saad at binitawan ang kamay ni Ruru.

"HINDI HINDI! AKO ANG NAUNA!" Nagwawalang sigaw nito at napasabunot sa buhok nito, at nanglilisik na tinignan si Ruthy.

Want to Want MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon